74

1.8K 60 0
                                    

Kai

"Hayop ka nasaan si Coleen?" Sabi ko nang kwelyuhan ko sya pero ngumiti lang sya na nagpainis sakin.


"Hindi mo ba ako naaalala? Hindi mo ba ako namumukhaan?"

Tangina.. sya nga yun. Sya nga yung mayabang na muntikan nang bumangga sa sasakyan ko. Yung nambanta sa buhay ko.



"Kailangan ba kita alalahanin? Wala akong oras sa katulad mo" sabi ko kaya bigla nya akong sinuntok. Napahawak ako sa bibig ko na dumugo.



"Hindi mo ko naaalala? Sinabi ko na nga ba at ikaw yung lalaking yun eh. Kung alam ko lang, sana pinatay na kita noon pa"


"Yung girlfriend ko! Ilabas mo sya!"


"Pinatay nyo ang kapatid ko. Naaalala mo na? Namatay ang kapatid ko sa kulungan. Kayo ang pumatay sa kanya mga hayop kayo!" Galit na sabi niya at sinuntok nanaman ako at sinipa sa tyan.



"Wala akong pake! Ha. Akala mo nasasaktan ako sa mga suntok mo? Eh pang bading yan eh!" Sabi ko at pagkakataon para suntukin sya pero nakailag.


"Tapusin nyo na nga yan. Kukunin ko lang yung walang kwenta nyang girlfriend" sabi niya kaya tumayo ako at sinuntok ulit sya pero pinigilan ako nang nasa likod ko at pinalo ako ng kahoy.



"Akala nyo masasaktan ako?! Mga gago!" Sigaw ko at pinigilan ang mga palo nila sakin.



"Oh, ayan na girlfriend mong napagsawaan ko na. Masarap ba Coleen?" Bigla syang tinulak para makita ko nang malapitan at napahiga. Namimilipit sya sa sakit pero ngumiti pa din sya sakin.




"Alam mo kung bakit sya sumama sakin? Kasi binigyan ko sya ng pictures nyo... nino nga yun Coleen? Ah! Si Claire. Ang sweet nyo nga eh. Kaso napagkatiwalaan ako ni Coleen. Sorry ha, ginamit lang talaga kita"




"Hayop ka!" Lumapit ako sa kanya para suntukin kaya nagalusan ko sya sa mukha.

Gusto ko lang ngayon ay patayin sya gaya nang nangyari sa kapatid nya.

"Ano, masakit ba na pinagtataksilan ka ng boyfriend mo Coleen? Hindi ka nararapat sa kanya. hiwalayan mo na yan at sumama ka sakin. Papayag ka ba?"




"Hala pano yan Kai? Sasama sya sakin? Hahahahaha"

"Coleen. Wag ka sumama sa kanya. Lumaban ka!"


Tumayo ulit ako pero may pumalo sa paa ko para tuluyan na akong bumagsak.

"Wag kang sasama sa kanya. Gumising ka jan.. bigyan mo ko ng lakas" bulong ko sa walang malay na si Coleen.


"K-K-Kai.."


"Aba nakakapagsalita pa. San mo gustong mapalo? Sa ulo ba?"

"Tangina ka"

"Tangina lumpuhin nyo na to!" Sigaw nya hanggang sa nakaramdam nalang ako ng palo sa mga paa ko.

"Ano bakit kayo nawaㅡ teka."


××


"Ang hina tangina"
"Ang hina talaga"
"Sinabi mo pa"
"Kingina mo kasi ang tagal mo"
"Pavip amputa"
"Kailangan ko ngang di magpakita diba"
"Leche mahalaga pa ba yun"
"Si Coleen"
"Tangina nung lalaking yun eh"
"Balak pa tayong barilin"
"Tanga, nabaril ka na nga eh"




Napadilat ako nang wala sa oras sa napakaingay na paligid.

Nakita ko silang tatlo na nakaupo sa gilid at nang makita ako, tumayo na rin sila.

"Mga gago kayo ha, sinong mahina" tanong ko pero hindi ko magalaw yung katawan ko.

"Ikaw" sabay sabay nilang sabi.

"Mga gago. Nasaan si Coleen?"

"Hindi mo manlang ba kami papansinin? Nasa gitna ka ng bugbugan nang bigla kang nawalan ng malay? Tingnan mo napahamak tuloy kami"


"Kasalanan ko ba. Ikaw Third bakit di ka umilag nung binaril yang braso mo. Ikaw Kiefer at Troy dapat umilag kayo. Mga tanga. Nasaan si Coleen?"


"Nagpapahinga na."

"Pre tulungan nyo ko"

"Hindi ka na makakatayo talaga kaya wala kaming maitutulong sayo" walang hiyang sabi ni Troy sakin.

"Hindi.. ayoko nang mapahamak si Coleen dahil sakin."


"Anong ibig mong sabihin?" -Kiefer
"Tangina"-Troy
"Wag, Kai" -Third

"Bakit? Pre naaawa na ako sa kanya. Pangalawang beses na to. Hindi ko kayang makitang nasasaktan pa sya."

"Nasayo pa din yung desisyon. pero sa tingin ko tama ka. Kaso masyado kong mahal si Angeli kaya hindi ko kayang hiwalayan sya"



"So sinasabi mong hindi ko mahal si Coleen?"

"Hindi naman pre. Kung kay Angeli nangyari yun, mas pipiliin ko nalang din lumayo kesa masaktan pa sya"

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon