special chapter

2.8K 88 1
                                    

Nadz

"Congrats Mrs Lopez, you are 2 and half months pregnant" halos mawalan ako ng hininga sa pagkabigla. Im pregnant? Im pregnant.

"Congrats Nadz!" Tumayo sila Angeli at niyakap ako pero hindi mahigpit. Baka magkabungguan ang mga tiyan namin at parepareho kaming duguin.


"Aba, anim pala kayong magkakaibigan na nagsasabay magbuntis? Ayos ha" sabi ni doc kaya napangiti ako.

"Hoy bakit sabay sabay tayong nagbubuntis?" Tanong ni Anj dahil kapapacheck up lang din nya at 2 months din.

"Kasi naman, nung kinasal si Third at Nadz, kinagabihan, gora agad! Eh kayo nung kinasal eh nagtrabaho muna tapos si Kaya halos ilang araw lang kinasal na kay Hans. Tapos si Renji ay ilang araw lang din ang agwat samin kaya diretsong honeymoon na."  sabi ni Kelly.

"Tska hindi ah, mas advance yung baby ko ng 4 months no" sabi naman ni Coleen.

"Oo nga. Pero okay na yung sabay sabay na tayo. May panibagong kwento nanaman at sa kanila na magaganap" -Yhellie.

"Tara uwi na tayo. Ay mali, kakain tayo!" Halos kami napayes sa sinabi ni  Coleen. Kanina pa ako gutom kahit kakakain ko lang no!

"Sa pancake house nalang tayo. Nagke-crave ako jan eh" -Kaya

"Wag! Sa manginasal nalang. Gustong gusto ko dun!" Sabi ko naman

"Ayoko! Sawang sawa na ako sa manginasal Nadz! Gusto ko sa savory!" Sabi naman ni Coleen.

"Eto nanaman tayo eh! Sa Jollibee nalang kaya?" -Kelly

"No! Nasusuka ako sa mga pinagsasasabi nyo. Tara KFC!" React ni Angeli. Kaya hinintay naming magsalita si Yhellie.

"Ayoko dyan sa mga yan eh. Magtitiis tayo sa mcdo!" Sigaw niya pero tumutol din naman kami.

"Ayoko nakakasawa!" -Coleen

"Eh Manginasal gusto ko!" Sabi ko.

"Hindi nga masarap dun Nadz! Hindi ko kaya yung amoy dun!" -Angeli

"Jollibee nalang kasi!" -Kelly

"Staaaaap!" -Kaya

"Bakit? May naisip ka ba?" -Yhellie

"Tara sa Greenwich!" Halos lahat kami  parang nabuhusang ng malamig na tubig ay nagsisangayunan sa sinabi niya. Pizza for life!

Pagdating namin dun ay mahaba ang pila kaya yung iba samin naghanap na ng upuan.

"Miss paunahin nyo na kaming mga buntis! Gutom na gutom na kami!" Nakakahiyang sigaw ni Kelly. Putek na yan, nagbuntis lang wala nang hiya!

"Huy Kelly tumahimik ka nga!" -Yhellie

"Eh ano naman kung buntis kayo?" Sagot nung nasa harap nya kaya tumayo ako para sumagot.

"Di mo ba alam yung policy na pregnants and PWD first? Kung di mo alam, magandang pag-aralan mo muna ha? Wag mong gawing kahiya hiya sarili mo" naiinis kong sabi.

"Nadz upo" -Kaya

"Psh. Daming alam. Pumila kayo jan" bulong nya pa kaya si Angeli na yung tumayo.

"Ano bang problema mo? First of all, hindi naman para sayo yung sinabi ng kaibigan namin pero sumagot ka. Tapos pagsinagot ka ulit bubulong bulong ka jan. Pwede ka namang tumahimik eh. Teka nga nasaan ba yung manager nyo?" Tanong nya sa ibang employees.


"Misis pasensya na po ha, ate lumabas nalang po kayo para wala nang away. Pwede nyo naman po syang paunahin at wala namang mawawala dun"

"Ah so ako ang mali? Mga leche. Irereport ko tong branch nyo at ipapabagsak ko!"

Lalabas na sana sya pero pinigilan sya ni Coleen.

"Mas irereport kita dahil you threatening us and the restaurant. You better shut your mouth bago ka maging wanted sa mall na to" sabi niya kaya umalis na yung babae.


"Hayaan nyo na yun guys. Baka hindi sya mahal nang mama nya hahahaha" natatawang sabi ni Kaya kaya natawa din kami. Lagi nya nang nababanggit yung word na "hindi ka love ng mama mo no?" Atsaka "wala kang magawa? Hindi ka love ng mama mo"




"Pasensya na po sir ha, pasensya na at alam nyo naman na pagbuntis, mainitin ang ulo"

"Okay lang po. Naiintindihan ko naman po kayo" sabi niya at binigay na yung order namin saka kami kumain ng marami.

"Ano ipapangalan nyo sa anak nyo? Sabi ni Kai, Unice Kaileen daw samin." Tanong ni Coleen at kumagat sa pizza nya na may kasamang chicken.

"Kung lalaki samin, Renz or Kyla!" Sabi ni Kelly. Hindi pa nga pala sya nagpapaultra sound. Si Coleen palang kaya alam nya nang babae ang anak nya.

"Sakin? Baka Christine nalang. Kung hindi, Mark. Sabi ni Hon ako daw magiisip ng pangalan ng first baby namin eh" -Yhellie

"Ay ganon? Eh samin Star lalaki man o babae, Star ang napagusapan. Oo nga pala, isusurprise ko si mahal mamaya paguwi" sabi ko. Yun talaga ang gusto namin ni Third.

"Samin Mark Pag babae, Solar." -Kaya

"Naks, may solar may star. Sana may galaxy tska moon, sun hahahah joke. Pero ayos ha" sabi ko.

"Samin Travis. Dama daw ni Troy na lalaki to kaya Travis agad agad" sabi nya na nakapoker face.

"Tara na umuwi na tayo. Ako nalang magdadrive" sabi ko dahil hindi naman masyadong harang yung tyan ko.

Paguwi namin, nagpahanda na ako kay Yaya ng dinner at nagpaluto ng masasarap at madami. Saktong 10pm ay dumating si Third galing sa trabaho.



"Woah, daming pagkain ah. Naramdaman mo bang gutom ako?" Tanong nya at humalik sakin.


"Lagi ka namang gutom. By the way, may invitation oh" sabi ko sa kanya at inabot yung pink na invitation. Ano pa nga bang aasahan nyo? Pink.




"Pakibasa nalang ng malakas. Di ko pa kasi nababasa yan" sabi ko kaya binuksan nya na


"Baby shower?" Sabi niya pagkakita sa cover

"Yep"

"I'm inviting you in my baby shower, d-d-daddy.

    Love, Star L-Lopez"

Yumuko sya saglit ay umiling iling saka pinunasan yung mata. Umiyak nga sya.



"Waaah surprise Third!!!"

"Daddy nako, Nadz"

"Yeah. Daddy ka na, Mahal ko" sabi ko at niyakap sya. Hinalikan nya muna ako bago din ako yakapin.

Gone (Campus Queens 2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن