9

2.5K 95 2
                                    

Third's POV

"Pre una na kami ha" tumango ako kila Kie na papaalis na para umuwi. Ako hinintay ko pa si Nadz kasi sasamahan ko sya mamili.

"Third!" Ngumiti ako kay Nadz pagkakita ko palang sa kanya pero napatingin ako sa kasama nya. Yan ba yung partner nya? Buti nalang, pangit.

"Third si Renji nga pala, yung sinasabi kong partner ko. Renji, si Third, boyfriend ko" ngumiti lang sya sakin at tinanguan ko sya saka kami pumunta ng parking lot. Syempre pinaupo ko si Nadz sa tabi ko at sa likod yung Renji. Hindi naman pwedeng magkatabi sila.

"Saan ba kayo mamimili Nadz?"

"Sa mall nalang. Sa may supermarket" sabi niya kaya lumiko na ako papuntang pinakamalapit na mall. Kailangan ko din silang samahan dun dahil mahirap na.

Pagdating namin sa mall, pinark ko muna yung sasakyan ko at bumaba na kaming tatlo saka pumunta sa supermarket.

"Oy Renji, ito ba yung kailangan natin o mas maliit pa?"

"Yung maliit pa. Ito oh" sabi nitong Renji at nilagay na sa cart na ako ang nagtutulak -.- ginawa pa akong katulong eh ako dapat kasama ni Nadz mamili.

"Eh pano yung box? Ganito kalaki?"

"Kung sa tingin mo kasya dyan yung 20 pcs na chocolates, pwede na yan." Sabi ni Nadz. Ano nga ulit sa kanila? Chocolates? Baduy.

"Sige. Tapos ito na yung kakailanganin nating ingredients. Okay na para makauwi na tayo. Bukas nalang tayo gagawa sa amin"

"Sa bahay nyo? Bakit hindi nalang kala Nadz?" Pagextra ko. Nakakainis na tong Renji na to ah. Kalalaking tao babae pa pinapapunta nya sa bahay nila.

"Sige Renji, samin nalang para mas malapit. May materials din kami dun para mabilis tayo matapos"sabi ni Nadz saka tumango.

Bukas kailangan ko pang bantayan tong dalawang to.

Sumakay na agad kami ng kotse pagtapos mamili at umuwi na. Si Renji ay bumaba nalang kung saan dahil sya na daw bahala. Edi sya na. Syempre hinatid ko pa si Nadz sa kanila.

"Bye Third"

"Ilock mo yung gate nyo ha. Wag ka nang lalabas pag gabi. Sabihin mo nalang kung may kailangan kang ipabili. Ha?!"

"Opo!" Sigaw nya saka nagwave sakin.

Hindi kami ni Nadz yung palasabi sa isa't isa ng "i love you" pero napapadama naman namin yun. Wala man kaming tawagan, ayos lang dahil hindi naman kailangan nun.

××

"Talaga pre? Anong itsura? Baka naman bakla?" Sunod sunod na tanong ni Kie pagkakwento ko sa kanila nung nangyari kahapon.

"Nako pre, ilayo layo mo na si Nadz jan. Mahirap na baka pormahan nya yun tapos alam mo na, mafall si Nadz dun tapos.."

"Tumigil ka na nga Kai. Hindi mangyayari yun. Mahal kaya ako ng kapatid mo"

"Wag kang pakampante bro. Pansin ko ngang laging problemado si Nadz pagmagkakasama tayo eh." -troy

"Ha? Pano mo nasabi?"

"Ako lang ba nakakapansin nun? Wala lang, tahimik lang sya na nakikinig."

"Walang problema samin. Ayos na ayos kaya kami."

"Hay nako pre. Next time magdate kayo ng dalawa lang. Payong kaibigan kung ayaw mong mawala sayo kapatid ko" sabi ni Kai kaya napaisip ako.

Ano ba talagang problema? Alam ko namang hindi mahuhulog sa iba yun. Mahal ako ni Nadz at mahal ko din sya. Walang dapat magbago.

"Ayan na si Angeli oh" turo ni Kie sa papalapit na si Angeli.

"Hi baby, bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Troy kay Angeli.


"Nagpa-overtime prof namin. Kumain na kayo?"


"Di pa. Hinintay ka pa namin eh" sabi niya saka tumayo si Troy para bumili ng pagkain.


"Pre sakin burger lang!" Sigaw ko at tumango sya. Ano ba yan. Kating kati nako kausapin si Nadz. Bwisit na yan.


"Third, may itatanong pala ako sayo. Sigurado alam mo to" sabi ni Angeli saka may binigay sakin na notebook. Lumipat sya sa tabi ko para tingnan.


"Ikaw, Angeli, magpapaturo? Bago yun" sabi ni Kie kaya napatingin ako kay Angeli. Oo nga naman.

"Kay Troy ka nalang magpaturo. Mejo bopols na din ako sa math" sabi ko. tumango nalang sya at lumipat na din tapos dumating si Troy.

"Anong meron?"

"Mamaya nalang. Kain muna tayo" hindi na namin sila pinansin at nagkainan na. Mamaya talaga pupunta ako sa bahay nila Nadz. Hindi pwedeng magsolo silang dalawa.

"KAINIS!"

"Huy Third. Ano ba ang ingay mo. Pati sa pagkain naiinis ka!" -Kai.

"Nakakainis. Gusto ko na agad maguwian"


"Bakit?" -Angeli.

"Kasi, magkasama yung Renji na yun at si Nadz mamaya! Kailangan kasama ako!"


"Paka OA mo pre. Bading" -Kie


"Leche. Hindi mo naman kasi alam."

"Akala ko ba mahal ka naman ni Nadz? May tiwala ka naman sa kanya diba? Ano ngayong pinuputok ng butchi mo?" -Kie


Pinuputok ng butchi? Yung baka magsawa na sakin si Nadz at mahulog sya sa Renji na yun. Hindi ko matatanggap.

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now