23

2.2K 71 1
                                    

Kiefer

" 1 2 3 4 5 6 7 8 8 7 6 5 4 3 2 1. Oo ganyan! Tama." Sabi ko at napaupo kami ng matapos namin yung sayaw. 10pm na din at kakatapos lang namin. Sana nandito pa si Kelly.

Kinuha ko yung cellphone ko at may 9 missed calls. Galing yun kay be pati na rin may 2 messages kaya binuksan ko muna yun.

From Be

Tapos na kayo bhie?

From Be

Punta ako jan sa practice room. Ha?

Agad ko syang nireplyan dahil mukhang kakatext nya lang nang pangalawa at sinabing punta nalang sya dito.


Interpretative dance ang samin at babae yung partner ko. Okay lang naman siguro to kay Kelly dahil kilala nya naman na tong bestdancer namin. Pero mas maganda kung si Kelly kapartner ko.

"Bhie?"

"Wait lang ha. Nanjan na ata girlfriend ko." Tumango lang sya sakin at nagcellphone ulit. Lumabas ako at nandun nga si Kelly na nakangiti sakin. Nakakawala talaga sya nang pagod.

"Panuod ako ng sayaw nyo!" Sabi niya. Hindi ko maiwasang hindi matemp sa labi ni Kelly. Droga ata sya at naaadik ako.. lul Kie

"Last practice na natin to. Game na" sabi ko kaya tumayo na sya. Pinlay na namin yung kantang love me like you do at nagsimulang magsayaw. Nakikita ko sa salamin ang mga tingin ni Kelly. Sana lang hindi sya makapatay.

"Waaaah! Ang galing ng sayaw nyo! Ikaw nagturo bhie?"

"Oo naman, ako pa ba?"

"Ang galing mo talaga. Kaya proud ako sayo eh!" Sabi niya ng malakas. Pero sa loob looban nya, "tangina akin ka lang" tsk, pogi ko talaga.

"Tara na, para makauwi na tayo" sabi niya at dinala nya na yung bag nya. Ganun din ako at nilock na namin yung practice room saka umuwi.

"Nakakapagod bhie"

"Pagod kana? Gusto mo bang ako nalang magdrive?"

"Wag na. Kung ako nga pagod, eh pano ka pa?"

"Kanta lang naman yung samin."

"Hindi na, ako nalang. Magpahinga ka nalang jan okay?"

"Okay" napansin kong nakasandal lang sya at nakatingin sa harapan nang maalala kong, hindi pa nga pala kami kumakain kaya inikot ko sya sa may fastfood at unang nadaanan namin ang jollibee kaya dun nalang kami kumain.

"Bhie seryoso? Kakain tayo?" Masaya nyang tanong..

"Oo. Nanlulumo ka na jan eh saka ko na alala na wala pa tayong kain. ako na oorder"

"Wag na bhie. Ako nalang. Ano sayo?" Sabi niya at tumayo.

"Sige. Yung super meal nalang sakin. Yung chicken ha"

"Sige yun nalang din sakin."

Habang naghihintay ako, nakita kong madami ang nakatingin kay Kelly. Pero wala naman akong magagawa dun, maganda sya kaya natural lang pero once na ako lumapit sa kanya, siguradong aakalaing artista kami.

"Huy, tulala kana? Kain na tayo" sabi niya at naglapag ng tray

"Anong meron sakin? Bakit ako pinagtitinginan?"

"Maganda ka kasi. Dali na kain na tayo. Siguradong mas pagtitinginan tayo nyan. Kasama mo na ang pinakapogi eh" sabi niya kaya ngumiti lang sya na labas lahat ng ipin at nakakasingkit ng mata kaya natuwa ako.

"Ibang klase ka mangakit eh no? Wag ka ngang ngumingiti jan"

Lalo pa syang ngumiti at pinapaharap sakin. Kainis.

"Kumain kana be. Hindi ko na makakain to sige ka"

"Ha? Bakit naman?"

"Eh mabubusog na ako sa ngiti mo nyan!" Sabi ko kaya napatahimik sya at kumain nalang pero ngumingiti ngiti. Beng ka talaga Kie, ang pogi mo.

"Saan tayo sa sabado be?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm.. hindi ko alam eh. Kasi itong si presi, nagyayaya nang kainan sa sabado. Ahh! Alam ko na, sa tanghali, pasyal tayo pero sa gabi ata yung kainan. Payag ka?"

"Gusto mo ba?"

"Baka kasi hindi ka pumayag eh. Wag na lang"

"Okay lang naman sakin. May tiwala naman ako sayo"

"Talaga? Thank you bhie! My god i love you na talaga bhie muah muah" sabi niya habang kumakain kaya natuwa ako sa kanya.

"I love you to be muah"

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now