63

1.9K 63 0
                                    

Coleen

"Ang boring ng party nila Third. Walang entertainment" pabulong na sabi ni Kelly kaya tumango tango kami. Halos kanina pa kami nakatayo sa dito at nakapabilog sa isang lamesa tapos kumukuha ng inumin sa mga umiikot.




"Kanina pa nga wala si Third eh. Dapat inaasikaso nya tayo dito. Siraulong yun itetext tayo na pumunta tapos wala tayong gagawin?" Mareklamong sabi ni sweetheart.




"Chill pre. Baka naman nagpapractice" -troy

"Ng alin?" -angeli

"Malay mo ba kung magpeperform sya jan sa platform. May pole dancing sya or what"



"Ew. Di ko maimagine" sabi ni Kelly na umiiling iling.



"Pero seryoso, nasaan na kaya si Nadz? Sana magkasama sila ni Third" sabi ni Kai. Napatingin kami kay Third na may kasamang babae at pinaupo yung babae kasama ng mga pamilya nya at lumapit samin.




"Anong nangyari kay Nadz?" Tanong agad ni Kai kay Third.

"Ewan ko. Nasaan na ba? Umalis lang ako saglit umalis na rin sya"


"Tanga ka ba? Alam mo nang kinakabahan yun kanina pa tas iiwan iwan mo"


"Chill. Di naman kamo nag away kaya wag kang magreact. Tapos na ba kayong kumain?"

"Hindi pa. Kakain lang kami pag ikaw na magaabot ng pagkain" biro ko kaya natawa sya at nag okay sign. Aba, gagawin nga ng loko.



"Magrelax ka nga jan. Baka naman najebs yan si Nadz kaya umuwi muna" sabi ko at hinawakan yung kamay ni sweetheart.


"Hind naman ako galit. Tinatanong ko lang kaya sya"

"Nako, Kai" -Angeli

Maya maya ay bumalik na si Third na may dalang pagkain kaya kumain na kami. Panghapunan na kaya to.


"Wag kang kumain ng kumain ha? Baka isipin nila wala kang makain sa bahay" sabi ni Kiefer kay Kelly kaya nabatukan nya to.



"Ay wait may tumatawag" sabi ni Third at sinagot saglit pero tumalikod lang sya samin.



"Ah kasama mo?... sige sige... samahan mo muna... pagnainip ikaw nalang maghatid... mamaya ko pa sya masusundo... nasan ba kayo?... eh ayaw akong paalisin dito... oo na oo na... mamaya na"




"Sino yun?"

"Si Renji. Kasama ni Nadz"

"Bakit di mo masundo?" -Angeli

"Madami pa kasing bisita at isa pa, di pa sila tapos magusap"

"Kailangan pang maubos ng bisita nyo?" -Kelly

"Oo. Ganun na nga."


"Debale na nga. Malaki naman ang tiwala ko kay Renji"






Pagtapos ng kainan, pinakilala na kami ni Third sa pamilya nya at may hindi na agad ako nagustuhan at syempre hindi ko din sya nagustuhan. Tingin palang nya sakin, umiikot na.





"And this is Coleen, girlfriend ni Kai" sabi ni Third pero hindi ngumiti yung Claire kaya hindi ko din sya nginitian. Aba, kung suplada ka mas suplada ako.





"Wait sweetheart, cr lang ako" sabi ko at tumango lang sya pero hindi pa ako nakakalayo ay bumalik agad ako at hinila si Kai.




"Kala ko ba magccr ka?"




"Oo. At sasama ka sakin dahil hindi kita pwedeng iwan dun. Baka maahas ka agad eh"





"Grabe ka naman sweetheart. Loyal ako sayo no"


"Alam ko. Pero sila, mukhang mang-aahas eh. Kaya sige hintayin mo nalang ako dito"




××



"Sweetheart ano na? December na tulala ka pa din?" Tanong ko kaya tumingin sya sakin ng masama. Okay, sabi ko nga badtrip sya




"Coleen, uuwi na kami ha?" Sabi ni Kelly kaya tumango ako.



"Magiingat ha? Spell ko pa ba? Basta magiingat kayo! Kayo din Angeli mag iingat laging magiingat ha? Loko pag di kayo naginㅡ"





"Aba Coleen paulit ulit? Oo magiingat na nga! Nangaasar ka ata eh" sabi ni Kie.


"Hindi. Sinabi ko lang nag magingat kayo kasi kayong dalawang nagdadrive ay di nagiingat"




"Oo na oo na. Psh" sabi ni Troy at tumango kay Kai saka umalis. Aba bastos? Ako ang kausap kay Kai tumango?





"Nabibwisit na talaga ako sa Nadine na to. Mas pinili pang kasama si Renji! Nakakabadtrip tuloy pag nakikita ko si Third na kasama ng ibang babae."





"Kaya nga inuwi na kita dito sa bahay nyo eh. Mukha ka na kasing mananapak."


"Sabi ko naman sayo, mukhang mangaahas yung mga yun" habol ko ng natatawa.





Napatingin kami sa pinto nang pumasok na si Nadz na ngingiti ngiti pa. Lagot ka Nadz, badtrip kuya mo.




"Saan ka galing?"



"Sa laㅡ"




"Diba nagsuot ka ng ganyan para kay Third? Diba nagpunta kayo para magpakilala dun? Diba kasama mo si Third? Bakit iniwan mo sya dun? Umalis ka lang ba dahil kay Renji?"




"Kai!" Sigaw ko dahil sobra sobra na yung sinabi niya sa kapatid nya. Napatingin ako kay Nadz na naiiyak na sa mga narinig.





"Hindi mo naman alam eh! Bakit? Ano bang sinabi sayo ni Third? Hindi nya ba sinabi sayo kung bakit ako umalis? Ano ba yan!" Sigaw nya at umakyat sa taas.






"Tara kausapin natin kapatid mo" yaya ko sa kanya pero pinigilan nya yung kamay ko at tinabig.




"Ikaw nalang." Sabi niya at umakyat na rin sa kwarto nya kaya ako nalang ang kumausap kay Nadz. Argh! Bwiset.

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now