34

2K 66 0
                                    

Nadz

"Third, para san tong strawberries?" Tanong ko kay Third na nagbeblend ng grahams.

"Ilagay mo lang sa ibabaw. Papatungan ko yan ng grahams" sinunod ko yung sinabi ni Third at nilagay na yun.

"Tapos-- ay wait may tumatawag" tumango lang ako sa kanya at sinagot yung tawag sa malayo. Nagulat ako ng bigla nyang iwan at hubarin yung apron nya saka tumakbo.

Sa sobrang taranta ko, sumunod ako sa kanya gamit yung ibang sasakyan dahil nakaalis na agad sya. Baka si Kelly na yun! Ano kayang nangyari?


"Hindi nya siguro napansin na nakasunod yung kotse namin sa kanya dahil wala syang hinto. Huminto lang sya at bumaba nang makarating sa.. sa bahay nila Angeli?


Dahan dahan akong pumasok at umakyat sa kwarto ni Angeli at nakinig lang. Bestfriend sila, Nadz. Walang malisya dun.


Nashock ako ng marinig lahat ng sinabi ni Angeli. Si Troy at Kelly, magagawa yun? Hindi ko maimagine.



"ANGELI! ANGELI KAUSAPIN MO KO!" halos mapatalon ako sa gulat ng papaakyat si Troy sa kwarto. May pagaalangan yung itsura nya pero mas nangingibabaw yung lungkot.



Nagtago ako sa kabilang kwarto dahil baka magalit si Third. Malamang hindi nila ko makikita dito.



"Ano pang kailangan mo, Troy? Sinaktan mo yung damdamin ni Angeli." Sabi ni Third.

"Wag kang makealam, Third."

"Hindi pare. Tama na yung nakita ni Angeli. Sasaktan mo nanaman ba sya?"

"Wag ka nga sabing mangelam! Usapan namin to. Wag kang nakikisali" narinig ko nalang na naguusap na sa kabilang kwarto sila Troy kaya sumilip ako kung nasaan na si Third. Nawala na sya agad?



Dali dali akong bumaba at pauwi na din pero dumaan muna ako kila Kelly. Sa isang pagkakataon, nagbago ang paningin ko sa kanya. Nagbago na ata sya.



"Tulog na si Kelly, Nadz. Ayaw nya daw magpa-istorbo eh" sabi ni tita pagpasok ko.

"Ah ganun po ba? Sige po, tawagan nyo lang kami pag may kailangan okay?"

"Sure nak. Thank you" sabi ni tita. Umalis na rin ako at umuwi pero nakakabigla na wala pa si Third dun. Minissed call ko sya para tanungin kung ayos lang sya.


"Third? Nasan kana?"

"Nandito lang ako sa bahay. Nagkaemergency kanina nung umalis ako. Pasensya na Nadz, di ko nasabi sayo" liar.

"Ah ganun ba? Gusto mo bang pumunta ako jan?"

"Wag na Nadz. Pahinga ka nalang jan. I love you" pero hindi nga nagkamali ang iniisip ko. Alam kong nasa bar sya. Tunog palang ng mga baso alam ko na.

"I love you too. Sana maayos nyo yung problema" tanghaling tapat nasa bar?! I hate you Nadz. Baliw ka talaga.


"Oh Nadz, hindi pa rin kayo tapos jan? Tulungan na nga kita. Nasaan ba si Third?"

"Umuwi. May emergency sa bahay nila eh. Sige Coleen tulungan mo nalang akong tapusin to kahit di ko alam kung pano"

"Madali lang yan" halos lahat sya na ang gumawa. Hiyang hiya nga ako eh.



Pagtapos namin gumawa, nilagay nalang namin sa freezer at nagpakabusy kami. Dati halos lahat ginagawa namin pero ngayon, kada gagawa kami ng ginagawa namin dati, malulungkot kami. Kaya wag nalang.





"Nadz, may bisita ka sa labas" sabi ni kuya kaya napakunot ako ng noo at lumabas din. Nakita ko si Renji na kumakaway na parang bata.

"Coleen pabantay muna ng cp ko jan" sigaw ko kay Coleen saka lumabas.


"Hi bata! Ginagawa mo dito?" Tanong ko. Nakauniform pa sya ha.


"Bata ka jan. Wala ka bang ginagawa? Naboboring na ko sa bahay eh." Ngumiti ako sa kanya at tumango. Nagusap usap lang kami dahil dalawang araw na kaming hindi pumapasok.



"Gusto kong bisitahin si Kelly. Nalulungkot ako para sa kanya" sabi niya.


"Close kayo?"

"I think so. Samahan mo naman ako bago ko ibigay yung notes nung monday tska ngayon"


"Uy ang bait mo naman! Itatanong ko rin pala si Yhellie tungkol dun kaso meron kana eh"




"Ne" naglakad lang kami papunta kila Kelly para mas matagal paguusap namin. Kinwento ko sa kanya lahat nang nangyari pati kanina.



"So, nagsinungaling sayo si Third ganun?"

"Oo. Pero naiintindihan ko naman. Si Angeli naman yung kausap nya at hindi ibang babae eh. Tska, sinabi niya na rin na magbestfriend lang sila"



"Congrats"

"Ha?"

"Bakit si Third? Eh diba mag bebestfriend kayong lahat na babae? Bakit si Third?"



"Kasi, yung kwento namin, ganito yun, nasali sila dati sa quiz bee hanggang finals kaya mas malapit sila."


"Ahh. Alam ko na yan."

"We?"


"Alam ko na susunod jan. Sasabihin mo, dyan nahulog si Third kay Angeli tapos matagal syang nakamove on hanggang sa naging kayo na. Tama ba?"



"Tumpak! Atleast ako na yung mahal nya ngayon."


Naging tahimik kami hanggang sa makarating na kami sa bahay nila Kelly at pinakilala muna sya kay tita.

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now