57

1.9K 57 3
                                    

Angeli

"Troy... Troy buti dumating ka" bulong ko kahit di nya ako naririnig. Tinanggal na ng tuluyan ni Kaya yung mga tali namin at napatingin kami kila Yhellie na nakikipagsabunutan kay Krissa.


"Hindi naman kita pababayaaan e"

Oo.. binigyan ni Yhellie ng nail cutter si Kaya. Hindi pala sya Traydor.

"Bwisit ka! Ikaw ang nagsabi kung nasaan sila!" Sigaw ni Krissa.


Nakatanggap ng malakas na sampal si Yhellie kay Krissa kaya napaupo ito. Nakita nalang namin si Yong na tinayo si Yhellie at tinulak si Krissa na umiyak sa sakit ng pagkakabagsak nya.


"Wag na wag mong sasaktan ang kapatid ko!" Tinayo nya si Krissa. Oo si Krissa at inupo sa upuan kaya tinulungan ni Kelly na itali.


"How dare you Kelly! Salot ka talaga!" Sigaw nya pa. Napangiti ako nang maalala ang pagpasok nilang pito dito para tulungan kami.



Si Hans, si Yong, si Renji, si Kiefer, si Third, si Kai at si Troy.


"Wag kang mag-alala. Binigyan ko sila isa isa ng message kaya alam nila" bulong ni Yhellie sakin kaya nginitian ko sya.

"Troy.."


"Angeli, buti ligtas kana." Sabi niya sakin at niyakap. Sa totoo lang, hindi naman ako yung nakatanggap ng maraming sakit sa katawan eh. Kundi si Nadz.

"Kami ang tatawag ng pulis sa labas ni Kaya." Sabi ni Hans kaya tumango kami at tumakbo na sila palabas.


"Lumapit ka at babarilin ko tong babaeng to!" Napatingin kami sa direksyon ni Nadz na halos wala nang saplot sa pangitaas at hila hila ng lalaki.


Lumapit si Kiefer kay Yhellie at tiningnan nya ng nagaalala kaya tiningnan ko din si Kelly na kasama si Yong. Nakatingin din sya kay Yhellie at nasasaktan sya sa nakikita nya.



"Alam kong alam mo na ang totoo. Sige, pumunta ka na dun. Tawagin mo kuya ko" sabi ni Yhellie. Ibig sabihin.. hindi talaga namatay si Kiefer!?



Lumapit si Kiefer at nagpalit sila ni Yong. Niyakap ni Kiefer si Kelly ng mahigpit at umiyak.


"Alam nyo naman yung pinapagawa ko diba? Simple lang, luluhod kayo, hihingi ng patawad, at magiging alila ko."


"Bakla ka! Bakla kang tangina ka!" Sigaw ni Kai na lumapit katabi ni Third.



"Alam ko na. Lituhin natin sya at pagnawala na ang atensyon nya kay Nadz, dun nyo kunin si Nadz" bulong ni Renji kaya tumango kami. Kahit na delikado dahil sa baril nya, tumango kami para kay Nadz.




Nagsimula na silang dahan dahan tumakbo sa gilid papuntang likod at lumapit si Renji sa harap para kausapin yung lalaki 



"Pare, gawin nyo na para makuha nyo si Nadz. Luluhod lang naman kayo eh. Diba bro?" Tanong ni Renji kaya tumingin silang dalawa kay Renji at napangiti yung lalaki pero pinagpatuloy namin yung pagpunta sa likod.




Nagulat ako nang tumakbo si Coleen papalapit sa likod ng lalaki pero narinig sya at sya yung tinutukan. Napatakip ako sa bibig ko dahil mas lalong lumala.



Si Yhellie naman ang nagpunta sa likod at sa tingin ko alam ko na kung saan ako pupunta.



"Ahh ganun? Nakikipaglaro kayo sakin? Akala nyo hindi ko ipuputok to? Dito ka nga.. mas natutuwa ako sayo eh" sabi niya sabay hila kay Coleen pero nagpigil sya.


Habang hinihila nya si Coleen ay hindi nya napansin na binuhat na ni Renji yung upuan paalis dun.

"Ayaw mong hayop ka?" Sinabunutan nung lalaki si Coleen papalapit sa kanya pero tumakbo si Kai para kunin yung baril.


Lahat din kami tumakbo para hilain si Coleen. Halos napatakip ako ng tenga ng pumutok yung baril.




Tumakbo yung lalaki pero huli na sya dahil nanjan na yung pulis. Nahuli na si Krissa at hinabol na yung lalaki.



"Hayop yung Timothy na yun." Lumabas kami ng inaalalayan kami ng mga pulis palabas. Nakayakap lan ako kay Troy.





"Nadz.." tawag ko sa kanya habang inaalalayan sya ni Third at nakabalot sa jacket ni Renji.



Ngumiti lang sya sakin kaya ngumiti din ako sa kanya. Si Kai din na nakakapit kay Coleen, si Kelly na yakap na yakap kay Kiefer at si Renji at si Yhellie na magkasama.




"Mas maganda kung magkakasama muna tayo sa isang bahay. Baka mapagalitan kayo pag gabing gabi na kayo nakauwi." Sabi ni Kai kaya tumango na kami.

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now