13

2.5K 94 5
                                    

Troy

"Baby, sasama ka ba? Bibisitahin namin mamaya si Kai." Sabi ko lang kay Angeli.

"Anong bibisitahin, eh lagi naman na tayong pumupunta dun. Pero oo sasama ako pero uuwi agad ako. Madami pa akong gagawin eh"

"Bakit hindi nalang natin gawin dun?"

"Alam mo naman diba? Hindi ako makakapagfocus lalo na't hinahabol ko yung naging grades ko nung 1st year tayo. Mahirap na baka matanggal ako sa pagka DL"

Halos nagtataka na din ako. Pano nya mahahabol yung pagka DL nya eh uno na sya simula palang? Si Third kaya nyang mauno kahit na may barkada at girlfriend.

"Anong iniisip mo? Baka naman magtampo ka nanaman"

"Bakit naman ako magtatampo?" Oo, nagtatampo ako.

"Hmm... ganito nalang. Sa weekends, pagtapos ng foundation week, magdedate na tayo"

"Sige na nga. Ihahatid na kita sa room mo" sabi ko.

"Mamaya pa hindi pa nagbebell eh. Tambay muna tayo" sabi ni Anj saka pinapunta ako sa Library at nagbasa lang kami.

××

"Nahatid mo na si Anj?" Tanong ni Kelly sakin. Nandito na kami ngayon sa kwarto ni Kai at tinitingnan si Kai na nakastiff neck collar. Matatawa ka nalang talaga.

Oo nga pala, hindi talaga nagtagal si Angeli dito. Pumasok lang sya at nakipagkamustahan kay Kai saka umalis.

"Troy samahan mo ako kunin natin yung pagkain. Magmomovie marathon daw" tumango ako kay Kelly dahil si Kiefer ay nag aayos ng papanuorin. Si Angeli wala na talagang time sa mga ganito. At dapat ko nalang syang suportahan.

"Troy, anong problema ni Angeli?"

"Ha?"

"Anong problema nya? Umiiwas sya sa mga lakad. Umiiwas sya sa bahay na to. Anong meron?"

"Busy lang sya. Sabi niya madami syang assignment at dapat lang na suportahan ko sya"

"Buti pa nga kayo nakakapagusap. Kaming mga kaibigan nya, wala na. 5 minutes lang ang tinatagal nya pagmagkakasama tayo"

Oo, alam ko yun. At yun ang kinakalungkot ko. Nasasaktan ako dahil dun.

"Sabi niya naman pag weekends babawi sya. Kaya, okay lang yun. Baka busy lang talaga"

"Sana hindi lang ako ang nakakapansin nun, Troy. Yung pagkairita nya pag nagkakayayaan umalis. Yung itsura nya pagmagkakasama tayo. Nangyari na to 4 years ago. Pakitanong nalang sya kung... kung ayaw nya na kaming makasama."

Halos manlumo ako ng mapansin kong malungkot sya. Nalulungkot sya dahil hindi na sila nagkakaroon ng oras ng kaibigan niya. Pano pa ako? Diba dapat malungkot din ako? Pero hindi. Si Angeli yun. Yung mahal ko yun.

Pi-nat ko nalang yung likod ni Kelly para maiwasan nya ang pagiyak. Sana hindi niya iniisip ngayon na magkakawatak watak na kami. Kasi para sakin, kami lang kami lang hanggang sa huli.


"Tara na nga. Mamaya humagulgol pako dito. Dalhin mo tong mga juice"

Ngumiti nalang din ako nang sinabi niya yun at umakyat na. Nagsimula na din yung palabas at the fault in our stars yung palabas.

"Guuuuys! Ano pinapanuod nyo?!?!?!" Halos nagulat kami ng nakatingin kami sa pinto at napause yung pinapanuod.


"ANGELI!!!!!!!" masaya nilang sigaw at pati ako napangiti.

"Tapos ko na assignment ko eh. Ano pinapanuod nyo? Kakaumpisa lang?"

"Mejo. Dali upo kana!" Hays! Buti naman hindi ako lonely ngayon! Nandito na baby ko! Sumasaya talaga ako pagkatabi ko sya...


"Alam ko kasing nagtatampo ka na. I love you baby" sabi niya at kiniss ako sa pisngi. Tangina nababakla ako pagkikiligin ako.

"I love you too baby" sabi ko at umakbay na sa kanya. Seryoso lang kaming nanunuod hanggang sa may bedscene part na kaya tinakpan ko yung mata ni Anj.

"Baliw ka talaga" sabi niya lang at pinanuod na naming tuloy tuloy.

"Putek sino ba mamamatay?"

"Di ko nga din alam eh. Abangan nalang natin. Shh kana" sabi ni Third kay Nadz.

Ayun na, dun na sa may part na sasabihin na nila yung last message nila at dun na rin nagiyakan tong nasa paligid ko. Buti nalang di ako umiyak dahil biglang nagflash yung camera ni Coleen.


"Putek panira Coleen!!!"

"Shhhhh... manunuod lang tayo diba? Hahahahaha" sabi niya.

Pinagpatuloy lang namin manuod hanggang sa huli at nagpunasan na sila ng luha nila. Itong katabi ko nga iyak ng iyak at humagulgol pa. Ilove you pa ng ilove you sakin. Mamamatay ba ako?

"Ikaw baby wag mo ko iiwan agad ha? Hindi ko kakayanin" sabi niya sakin.

"Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo. At sana ganun ka din"

"Oo naman. I promised"


"Laughtrip tong picture nyo pakshet!!! HAHAHAHAAHAHA" sabi niya sabay pin-roject sa TV yung unang video at sunod picture. Yun pala meron syang wireless na pangpindot.

"Grabe ka Nadz! Mukha mo doon oh!" Turo ni Kai.

"Maganda pa din!"

"Delete mo yan Coleen!!!" Sigaw ni Kelly dahil sya ang luha ng luha dun.

"Wag!!! Remembrance yan no."

"Ang dami mo nang remembrance Coleen."

"Syempre. Kailangan ko yan" sabi niya lang nang nakangiti.

Gone (Campus Queens 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora