special chapter

2.4K 73 2
                                    

Kelly

"Bhie ano ba natatakot ako."

"Sasamahan naman kita sa loob. Tska hindi lang naman ikaw manganganak eh. Nasa kabilang kwarto lang sila" sabi niya sakin at hinawakan ako.

Pano kung di ko kayanin? Pano kung di ako makaire at hindi lumabas yung bata? Pano kung nakalabas na yung ulo ng bata pero natigilan akong umire?


"Wag ka na ngang kabahan. Hahawakan ko naman yung kamay mo. Pwede mo kong sabunutan para malabas mo lang si Renz"


"Oo na oo na. Hala nanjan na yung doktor bhie! Kasi naman eh bhie! Hala nanjan na sila!" Pagwawala ko at natatawa lang sya kaya pinagpapalo ko sya. Wala syang karapatang tawanan ako lalo na't mahirap to!




"Okay ka na po ba mrs Gonzales?" Tanong ng doktor kaya napalunok ako at unti unting tumango. Sumasakit nanaman yung tiyan ko. Lalabas na talaga sya!

"Good. Ayusin mo yung upo mo tapos ganitoㅡ" hindi ko sya pinatapos dahil napaire ako sa sakit ng tyan ko kaya nataranta silang kumilos.



"Sige ire pa Mrs"

"Ahhhhh!!!!! Kiefer Gonzales!!!!!!!!!! Waaaaaaaaah"


Halos mawalan ako ng hininga dahil ilang beses akong umire hanggang sa malabas si baby. Si baby Renz.



"Congrats mrs and mr Gonzales, it's a boy" i know.


Kinuha muna nila at pinagpapalo yung bata sa pwet.

"Wag mo nang panuorin. Magpahinga ka na muna jan okay?" Sabi ni bhie kaya tumango ako at humiga hanggang sa makatulog.


×

"Congrats Kelly Yeun" napadilat ako at nakita ko si Coleen na nakaupo sa gilid habang may hawak na baby.


"Anak ko ba yan?"


"Tanga. Anak ko to. Ano malaki agad anak mo?" Pfft..akala ko anak ko na yung hawak nya.

"Asan si bhie?"

"Binisita yung iba. Si Anj at Nadz nagpapahinga pa. Si Anj baka next month manganak na at si Nadz, next next month pa. Naglalabor na kasi si Anj. Si Kaya, ayun, nalabas na nya ng maayos. Pero si Yhellie, naging delikado dahil sumakit bigla yung tyan nya kaya hindi nya kinayang umire. Ang ginawa ng doktor, napilitan silang icesarean si Yhellie."




"Hala anong nangyari?"


"Ayun, yung baby nasa nursery section na at si Yhellie, wala pang malay hanggang ngayon kaya binabantayan ni Renji"





"Tsk tsk. Next week pa kasi sya nakasechedule diba?"

"Oo. Di ko nga alam eh. Baka excited nang lumabas si baby Mark kaya nagkaganun"




"Gusto mong makita baby mo?" Tanong nya kaya agad akong tumango. Pinahawak nya muna sakin si baby Unice at nagayos ng wheel chair saka ako pinaupo. Ang sakit!!!!






Lumabas na kami ng kwarto at dinala ako sa nursery section kung saan nakita ko yung mga bata.



"Hala san yung sakin?"

"Ayun.. ayun! Pangalawa sa dulo. Kita mo? Ayun sa dulo kay Kaya at yung nandito sa kabila kay Yhellie"


Tiningnan ko yung pinagtuturo nya at nakita nga yung baby ko saka ako napakunot ng noo.



"My goodness. Kamukha ni Baby Renz si Bhie. Expected ko na na makulit yan" sabi ko dahil totoo naman. Yung ibang baby natutulog pero sya galaw ng galaw.





"Hahaha alam na agad eh no. Baliw" sabi niya sakin


"Punta tayo sa kwarto nila Kaya" sabi ko kaya tumango sya. Konti lang naman ata layo nun sa kwarto ko.

Pagpasok ko, nandun si Kaya ay ngumiti sakin.


"Babae diba?"


"Yeah, Solar"



"Naysue! Hoy Hans Fernandez! Yung mukha ng anak mo? Syempre si Kaya."



"Oo nga eh. Daya" nakamukmok na sabi nito


"Sige babalik kami ha! Punta lang ako kay Yhellie" sabi ko at tumango sila.

"Aba ginawa mo akong personal Nurse?"



"Oo. Mukha naman eh hahahaha joke" sabi ko.


"Aba ihulog kaya kita sa hagdan?"

"Kasama ko naman Baby mo eh. Okay lang"



"Joke lang syempre. Ayan nandito na tayo" binuksan ko yung pinto at nakitang pinapakain ni Renji si Yhellie ng sopas. Nandito din si bhie na nakikipagusap kay Renji.




"Okay ka na Yhellie?"



"Slight. Hindi ako makagalaw eh" sabi niya at tinuro yung tyan nya. Oo nga pala, syempre tinahi yan.




"Pahinga ka na kaya. Mamaya kana kumain."

"Ewan ko ba dito kay Hon. Pinilit akong pakainin"



"Hooooy!!!" Napatingin kami sa pinto nang makita si Angeli na nakasakay din ng wheelchair na hawak ni Troy at bilog na bilog ang tyan.




"Kamusta kana Yhellie?" Tanong nya.


"Okay na ako. Ikaw? Di ka pa manganganak?"



"Grabe ka naman. Inaadvance mo ko. Next month pa" sabi niya


"Next month. Siguradong next week palang lalabas na yan" sabi ko naman bigla.



"Hindi ko ramdam eh. Nandun pa sya sa sikmura ko nagtatago kasi ayaw nya pa lumabas"



"Adik! Baka gusto nyang jan na lumaki sa tyan mo" natatawang sabi ni Coleen kaya natawa din sya

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now