48

1.8K 54 0
                                    

Kelly

"Kuya? Kelly.. Yeun?"


"Oh, Yhellie, sinong kasama mo?" Ano daw? Kuya?


"Ah, kapatid ko nga pala Kelly? Si Yhellie. Yhelli, si Kelly, kaibigan ko" sabi ni Yong kaya unti unting nagsink in sakin yung sinasabi niya. Yhellie..Yong.. ah, magkapatid nga.





"S-S-Si Tita" halos nanlaki yung mata ko ng makita ko si tita na may hawak ng dalawang sapatos na magkapareho at binigay nya kay Yhellie. Nagulat din si Tita ng makita ako.





"K-Kelly?"


"Tita? Akala ko po nasa states kayo?"



"Hindi kami natuloy, Kelly. Sige, mauna na kami. Yhellie tara na" sabi ni tita at kinawayan ako ni Yhellie.






"Y-Yong" hinawakan nya yung kamay ko at hinila palabas ng mall. Pagdating sa labas, hinarap nya ako.




"Anong koneksyon nyo kay Tita? Anong koneksyon nyo kay Kiefer? Sabi mo hindi mo pa sya nakikita? Eh bakit magkakasama sila ng kapatid mo?"




"Makinig ka muna sakin, Kelly. Wala kaming koneksyon dun sa kanila. Hindi ko pa talaga nakikita si Kiefer na sinasabi mo. Ang alam ko lang, na-arrange marriage ang kapatid ko."




"Magkapatid talaga kayo? Ilang taon ka na ba? At.. teka.. arrange.. arrange marriage?!"




"20 na ako at 19 si Yhellie, magkasingedad lang tayo halos. At, oo, Arrange marriage ng anak nila"


Posible kayang.. posible kayang.. oh my god.



"Ano pangalan ng fiancè ni Yhellie?! Sabihin mo sakin! Sabihin mo!"



"bakit ba? Anong koneksyon mo dun?"


"Sya yung mama ni Kiefer, Yong! Sya yun! Kaya sabihin mo na yung pangalan!"



"K-K-King. King Gonzales"



"King Gonzales? What the fuck. I need to know the truth, Yong. Help me. I need to know the truth!"





"Kelly.."


"Yong mahal mo ba talaga ako?" Tanong ko sa kanya. At walang ano ano'y, tumango sya.



"Edi tulungan mo ko!"


"Sige. Basta hindi ka na aalis. Ang kondisyon, hindi ka na aalis.. at ako na ang lagi mong makakasama" walang pagaalinlangan din akong tumango sa kadahilanang gusto kong malaman kung sino yang King na yan. Wala akong kilala sa pamilya nilang King bukod kay Tristan.


Walang kuya si Kiefer at lalong wala syang kapatid. Sya lang ang magisang anak at yung pinsan nya. I know all.



Bigla bigla nalang akong nakaramdam ng hilo kaya natumba ako bigla.

"Kelly! Kelly!"




××



"Hindi na po sya aalis, Tita. Wag kayong mag-alala"




Unti unti akong napadilat at nakita ko si mommy na kaharap si Yong. Nasa kwarto na ako.



"Salamat iho. Alam kong ikaw ang makakapigil sa kanya."


"Wala po yun. Mauna na ako. Pakisabi kay Kelly, susunduin ko sya bukas kung papasok sya" sumilip si Yong sa gawi ko kaya napapikit akong bigla. Narinig ko nalang yung pagbukas ng pinto at pagsara nito.






"Kelly? Kanina ka pa gising?"


"Mommy."



"Yes dear?"




"Do you think Kiefer is alive?" Napatingin sya sakin ng malapit at tinitigan ako ng matagal.


"No, Kelly. I saw everything."



"No, my. I know he's alive. I can feel that he's alive. Tinatago lang sya satin mommy. Tinatago lang sya"




"Kelly, magpahinga ka na muna. Papasok ka ba bukas?"



"Mommy maniwala ka sakin."



"Dear.. magpahinga ka muna at bukas na tayo magusap."



Humalik si mommy sa noo ko at lumabas na. Sino pa ba maniniwala sakin? Totoo yun. Kahit naman siguro sino mararamdaman yun. Kiefer.. is King. I know na sya yun. Lokohin na nila ang lahat. Wag lang si Kelly Yeun.

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now