19

2.3K 71 0
                                    

Kelly

"So, yung bago nating member, ayun, si Yong" sabay turo ni President sa lalaking nakaearphone at natutulog. Seryoso?!

"Sya ang makakaduet mo sa unang una, Kelly. Tapos sa last part, ikaw lang magisa kakanta means dalawang production number mo"


Oo nga pala, vice president ako sa Glee club at yung 4th year yung president namin.

"Pero pres? Bakit ako pa?"


"Maganda boses mo, Kelly. Bagay yung boses mo sa kanya. Kaso, bisaya ang kinanta nya nun kaya kailangan mo syang turuang kumanta ng pure manileño"


"President naman? Pwede namang ikaw. O si Krissa!" Hindi pwedeng ako! Dapat masusunod din ako dahil VP ako.


"Bakit ba ayaw mo sa kanya? At isa pa, may chemistry kayo promise" sabi niya. Nagising si Probinsyano at nakatingin lang sakin. Oo, sya yun. Yung nakatapon sakin ng Juice. Sya yun.


Tapos kailangan ko pang turuan? Grrr!


"Ano payag kana? May plus grades din sa inyo to pag nakapagperform kayo ng maayos" sabi niya.


"Oo na oo na. May magagawa pa ba ko."



"Good. Our meeting here is done. Kayo na bahala magpractice ng mga kaduet nyo ha? Bye guys, ingat!" Sabi ni Pres at umalis na silang lahat.


"Ano ba yan. Bakit ka ba kasi sumali ng glee club"


"Bawal ba?"


Halos nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ako OA. Sinabi niya kasi yun nang nananakot. Parang nawala tuloy pagkasiga ko.



"H-Hindi! Tinatanong ka lang naman eh. Dali na nga pagusapan na natin yung kakantahin!"



"May napili na ako"


"Alam mo na?"


"Oo pinapakinggan ko kanina"


"Eh alam mo na pala eh! Bakit kailangan ka pang turuan?"


"Gusto mo bang magtunog bisaya ako dun? Syempre hindi. Kaya tuturuan mo ako"


"Take note ha, dalawa tayong kakanta"


"Oo. Halaga nalang" tumango nalang ako sa gusto nyang kantahin kaya nagpasya kaming bukas nalang magpractice. Lumabas na ako ng meeting room at tinext si Bhie.



To Bhie

Bhie, tapos na kami. Nasan ka?

From Bhie

Nandito na sa labas. Labas kana

Tinago ko na yung phone ko at tumakbo pababa sa gate. At nakita ko yung kotse nya dun. Oo, nakakotse sya kanina pa para sya naman daw ang sumabay sakin.

"Basahin mo to be"

Pinabasa nya sakin yung text sa kanya ni Third kaya nalungkot ako.

From 3rd

Wala na kami ni Nadz, pre.


Kung sino pa yung inakala kong magtatagal, sila pa yung unang sumuko.


"Ang tahimik nila masyado. Hindi natin alam na may nangyayari na palang hindi maganda sa kanila."


"Kailangan din siguro nila yun. Narinig mo naman yung pinag-aawayan nila Angeli kanina.


"Oo nga be. Hindi ko alam kung kanino ako maaawa."


"Hindi mo naman kailangang maawa sa kanila. Si Nadz, ayaw nyang kinakaawaan sya kaya hindi sya umiiyak sa harap natin. Si Anj, isa pa yun. At si Third, siguro nasanay lang kaya ganun. We don't know the story."

Tinext ko si Nadz at tinanong kung nasaan sya. At yung nireply nya,

From Nadz

Gumagawa ng chocolates. Why? :)

With smiley face pa ha.

"Saan sila gumagawa ng chocolates?"

"Baka dun kila Renji. Siguraduhin lang nya na ihahatid nya si Nadz sa mismong bahay nila kung hindi... oo nga pala!" Hininto nya yung sasakyan at may kinuha sa likod.


May inabot sya saking box na may ribbon at may card.


"Kila Nadz mo to binili no? Ang sweet mo talaga"

"Ako pa ba? Tumakas pa ako sa marriage booth para lang makasingit ako sa bilihan"

"Thank you bhie. Tutulog muna ako"

"Sige lang"

"Magdrive ka ng maayos ha! Sasampalin kita" sabi ko at natawa lang sya.

"Ipapahamak ba naman kita?" Sabi niya lang pero di ko na pinansin at umidlip muna.

××

"Kelly gising na, umaga na" nagkusot ako ng mata at bumangon na. Nasa kwarto na pala ako? Ayos din to si bhie ah.

"Anong oras po ako nakarating?"

"Hmm.. 10 pm na rin. Bakit?"

"Wala po." Pumasok na ako sa cr at naghanda para sa pagpasok. Sumabay na din ako kila mommy at umalis na ng nakamotor. Nagtext na kasi sakin si bhie na hindi nya ko masusundo kasi maaga practice niya ng sayaw.

Pagpunta ko sa school, halos sandamakmak na ang tao. Pagpasok na pagpasok mo, stall agad nila Nadz ang makikita. Nandun sila ni Renji na patuloy nagbebenta ng chocolate. Hindi na sya naka eyeglass. Naka sunglass na sya at nakikipagtawanan sa customer nya at kay Renji.




Dumeretso muna ako sa photo booth namin at hinila agad ako ni Coleen.

"May kanina pa hanap ng hanap sayo. Gusto atang magpapicture?"

"Mahal papicture sakin. Sino ba?"

"Yung probinsyanong nakatapon ng Juice sayo."

"Ahh... HA?!"




[A/N:Hi guys! 3 chapters updated😉 Comment lang sa magpapa dedicate❤ and here's my fb acc KarinderyaniAlex WP]

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now