75

2K 61 0
                                    

Coleen

"Ano yung totoong nangyari sayo?" Tanong ni Kelly habang pinupunasan ng maligamgam na tubig yung bukol ko sa ulo.

"Ganito yun...


"Nandito ako sa labas ng bahay nyo" napatayo ako sa kama ng tumawag sya at ganito ang salubong kaya sumilip ako sa terrace.


"Ano ka ba, stalker?"


"May ibibigay lang ako sayo. Mahalaga to promise" sabi niya kaya lumabas ako ng bahay at may inabot syang envelope na maliit.



"Ano to?"

"Bakit di mo buksan?"

Binuksan ko yung envelope at nakita ko yung pictures ni Kai, Third, Claire, at Gail na magkakasama. Meron ding si Kai at Claire lang.



Nagsimula akong manlumo nung oras na yun kaya nagpasalamat ako sa kanya.



"S-Salamat sa mga to."


"Ha? May bayad yan"



"Ha?"


"Idate mo ko" biglaan nyang sabi kaya napakunot yung noo ko sa kanya.

"Nakipagkita lang sya. Boyfriend ko pa din sya"

"Pero niloloko ka na nya. Bakit ayaw mong gawin yung ginawa nya para patas na kayo?"


"Hindi ako ganun eh. Pasensya kana"


"Pasensya ka na rin, pero magagawa ko to sayo" sabi niya at tinakpan ako sa bibig. Sinubukan kong hindi huminga para hindi mawalan ng malay pero isang singhot ko palang ay wala na ako.


×

"Hoy.. bakit mo ko tinali dito? Paalisin mo ko!"

"Shhh... ang ganda mo."



"Agh! Wag kang lalapit sakin! Teka... nasan yung damit at short ko? Bakit iba na to?! Ginalaw mo ba ako?!"



"Shh ka lang. Nasira yung damit mo Coleen. Ang wild mo kasi." Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Hindi pwede... walang nangyari samin. Wala.




"Hayop ka! Mamamatay tao ka siguro no? Bahay mo talaga to no?"



"Oo. Dito ako nakatira at kasamahan ko yung mga naghahanap sayo. Wag kang mag-alala, konting oras nalang ay nanjan na yung boyfriend mo"





"Wag mo syang papakelaman! Ano bang kailangan mo!"


"Nakuha ko na, Coleen. At ikaw yun"



"Hayop ka... hayop ka..."


"Wag kang mag-alala, hindi naman kita ginalaw. Gusto ko lang pagselosin yung mayabang mong boyfriend. Mamatay sya jan"




"Kai!!!! Tulong!!!!!! Tulungan nyo ko!!!!!" Sigaw ko pero sinenyasan nya ko na tumahimik at nakinig sa labas.




"Nanjan na ata. Nagbabasag pa ang gago. Boys, painumin nyo yan ng painumin ng gamot hanggang sa magmukhang kawawa. Gusto kong akalain ng boyfriend nyang... gamit na gamit na ang girlfriend nya"






"Walang hiya ka! Bitiwan nyo ko!" Nagulat ako nang paluin ako ng isang lalaki ng kahoy sa tyan kaya namilipit ako sa sakit. May binigay silang tubig sakin at sapilitang pinainom hanggang sa mawala na ako sa sarili.



Ganun talaga yung nangyari. Wala nang iba pa"




"Eh teka, kakausapin ko lang sila Kieㅡ"


"Pwede ko bang makausap si Coleen?" Napatingin kami sa taong nasa pinto na nakawheelchair at alalay nila Troy.




Lumabas sila Kelly sa kwarto ko pati yung iba at kami nalang yung natira ni Kai.





"Sweetheart, kamusta kana?" Tanong nya sakin.

"Maayos na ako. Ikaw ang hindi"




"Masakit ba? Sabihin mo, anong ginawa nila sayo? Patawarin mo ko sweetheart. Ako yung may kasalanan nun"




Naawa ako bigla sa mukha nya. Wala yung ngiti. Puro lungkot lang. Ako ang may kasalanan. Sana kasi hindi ako nagtiwala agad.




"Coleen..."

"Hmm?"


"...gusto ko nang makipaghiwalay sayo" parang gumuho yung mundo ko nang sabihin nya yung mga salitang yun. Hindi ko akalain na sa lahat ng sasabihin nya, eh ganun pa.





"Bakit? Bakit ka makikipaghiwalay? Hindi pwede sweetheart. Hindi tayo pwedeng maghiwalay"





"Ayoko nang makita ka pang nasasaktan Coleen. Nang dahil sakin, napapahamak ka. Nang dahil sakin, nasasaktan ka. Alam ko tama tong desisyon ko para sa kaligtasan mo"





"Ang unfair mo naman eh! Ang unfair unfair mo na ikaw lang ang nagdedesisyon para satin! Eh pano kung ayoko?! Kai naman! Ang dami na nating napagdaanan ngayon ka pa susuko?!"






"Coleen hindi mo ko naiintindihan"



"Bakit? Dahil ba to kay Claire?! O dahil sinabi ng lalaking yun na napagsawaan nya na ako?" Hindi sya sumagot sa sinabi ko kaya napangisi ako.





"Speechless ka diba? Isa dun ay tama diba? O di naman kaya, dalawa yun ay tama? Wow Kai! Nahihiya na ako sayo. Ganito pala yung storya? Yung pinagpipilitan ko yung sarili ko sa taong bumalik na sa ex nya! Pinagpipilitan ko yung sarili ko sayo kahit na napagsawaan na ako ganun ba?"






"Wag mong isarado yung utak mo Coleen! Hindi lang to tungkol sakin. Tungkol to sayo.. please.. kailangan na nating maghiwalay. This is for you"





"Sorry ha? Saradong sarado ang utak ko ngayon kaya wag mo muna akong kausapin. Hindi ko kayang tanggapin yang paliwanag mo. Umalis ka na dito."





Tumalikod ako sa kanya at naramdaman ko nalang na wala na ang presensya nya saka ako umiyak. How dare you Kai. Ikaw din pala tatalo sakin sa huli.

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon