44

1.9K 62 1
                                    

[HAPPY BIRTHDAY TROY AND HAPPY MONTHSARY SA INYO. HAHAHAHA💖💖]


Angeli

"Angeli anak, hindi ka ba papasok? Anong oras na" nagtakip ako ng unan sa mukha at tumalikod sa pinto.


"Ma, masama po pakiramdam ko. Aabsent muna ako"

"Oh sige anak. Magpahinga ka nalang jan ha?" Dalawa. Dalawang beses akong umabsent. Wow, first time in your life Anj?




Biglang tumulo yung luha ko kahit nakahiga. Bakit ganun? Sa isang iglap, nawala lahat. Sa isang oras, nawala ang apat na taon na pinagsamahan. Sa isang oras, wala na talaga.




Hindi ko lang kinaya yung mga sinumbat ni Coleen sakin. Hindi nila ako naiintindihan na gusto ko lang muna magfocus sa studies ko. Although sini-set aside ko sila. Pero ito na yung nakasanayan ko eh.




Nakatanggap ako ng text mula kay Troy. Hindi rin pala sya pumasok. Akala ako lang.

From Baby

Angeli, last na to. Magusap tayo. Promise, last na to.



Tumayo ako sa higaan at naghilamos para mawala yung pagkamaga ng mata ko pero hindi parin pala sya mawawala.



"Oh, akala ko ba masama pakiramdam mo?"


"Magpapahangin lang po. Pero masama talaga pakiramdam ko"



Tumango lang si papa sakin at lumabas na ako. Nakita ko si Troy sa kanto ng bahay namin. Mejo malayo pero nalalakad lang.




"I just want to clear things, Angeli."

"Like what?"

"Our breakup." Nanlambot bigla yung mga tuhod ko sa sinabi niya. Biglang naglabasan yung luha kong hindi maubos ubos.

"Wag kang umiyak. Hindi ko gustong umiiyak ka."

I know. I know Troy. But just like you, i am tired. Tired of everything.


"Angeli im just tired. Let me rest. I love you but our relationship is not working. Hindi na worth it tong relasyon natin. Wala nang patutunguhan. Matalino ka pero.. sana alam mo ang kalagayan natin"





"Angeli, pagod na akong maghabol eh. Sinisingit ko sarili ko sa oras mo pero kahit limang minuto, hindi mo ko pinasingit"




"Troy im sorry. Im very very sorry." Nakita ko yung pagpatak ng luha sa mata nya kaya mas naiyak ako. Masakit pala talaga pag nakikita mong umiiyak yung mahal mo.

"Alam kong focused ka sa study mo. Kaya nga sinet aside mo ako eh. Hindi mo manlang naisip na baka ako, gusto kitang samahan mag-aral. Hindi ko dapat sinasabi to pero.. Angeli... sana stop being selfish and.. ibaba mo paminsan minsan yung pride mo."




"Troy, just go. Please.. stay away from me. Ayoko nang masaktan ka pa dahil sakin. Sana sa panahon ngayon, hindi na ako selfish."

Lumakad ako palayo sa kanya at hindi na lumingon pa dahil ayokong makita syang umiiyak. I need space though. I need air. I need space.



"Angeli, anak bakit ka um--" hindi ko pinatapos si papa at niyakap ko sya saka umiyak ng umiyak.



"Angeli anong problema? Pwede mong sabihin samin"

Ngumiti lang ako sa kanila at umiling saka umakyat ng kwarto.

Ang sakit pala. Ang sakit pala pag sya na ang bumitaw. Ganito din ba kasakit yung naramdaman nya nung nakipaghiwalay ako sa kanya? Ganito din ba kasakit nung mga panahong sinigaw sigawan ko sya para sabihin ang walang katotohanan?



××



"Angeli! You look wasted oh my god what happened?!" Yumakap ako kay Jhanna pagkakita ko palang sa kanya sa room. Hindi ako umiyak.


"Angeli umayos ka nga! What happened?! Inaayos mo pa ba pagaaral mo?! My god may quiz tayo ngayon!"


"Pahiram nalang ng notes... please?" Tumango tango sya sakin at nagbigay ng notes.



"You can tell me, Anj. Free ako hanggang mamaya o hanggang bukas pa. Im your friend almost bestfriend. Kung wala kang masandalan, nandito lang ako ha?"


Hininto ko yung pagrereview ko at nginitian sya saka niyakap ulit. Im glad i found a friend. Another friend. I shoulder to lean on..





Pagtapos ng quiz, binigyan kami ng early break kaya nagpunta na kami sa canteen para kumain. Nakita ko dun si Troy at Third pero wala si Kai.



"Angeli?"

"tita?" Nakipagbeso sakin si tita at yumakap saka ngumiti.


"Ano pong ginagawa nyo dito?"

"Bibili sana akong sandwich. Gustong pasalubong ni Kelly eh. Tska, kinuha ko yung papers nya sa school"


"P-papers po?"


"Yes. Akala ko sinabi niya na sa inyo? She's going to korea with her lolo and lola. Dun na sya mag-aaral."




"T-Tita..."



"Thank you sa pag-aalaga nyo ha? Sana magkaibigan pa din kayo hanggang sa huli"



"Tita kelan po alis nya?"


"Next month, i guess. Kailangan lang munang asikasuhin tong papers para pagpasok nya dun eh okay na"







Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now