73

1.8K 58 0
                                    

Kelly


"Kelly Yeun! KELLY YEEEEEUN!" napabangon ako sa pagkatulog ko nang makarinig akong sumisigaw sa baba kaya dali dali rin akong lumabas.




"Hoy Kai Cabs! Anong oras na at nanggugulo ka pa" sabi ko.



"Alasyete palang naman. Akala ko kasi kasama mo si Coleen!" Sabi niya.


"Bakit, hindi mo ba kasama?"


"Mukha bang kasama ko Kelly? Hinahanap ko nga eh. Tsaka nagpunta na ako sa bahay nila at wala din sya dun. Hindi rin nagrereply at sinasagot yung tawag ko"






"Hala wait try ko. Eh si Nadz?"


"Hindi rin kasama at galing na ako kila Angeli."



"Baka naman kasama si Hans at Kaya! Wag ka ngang nega dyan. O kaya homodating!"



"Hindi talaga eh! Sino ba yung kaibigan nun na lagi nyang katext? Kinakabahan ako!"




"Saan ka ba kasi galing at hindi mo sya nagawang ihatid ha Kai? Galing ka sa ex mo?"



"Anong ex?"




"'Ano'? Hayop sya! Unggoy nga eh. Si Claire!"




"Teka..dahil ba dun kaya nanlalamig na sya sakin? Bumaba ka kaya jan!" Sigaw nya kaya natawa ako at bumaba.





"Pwedeng dahil dun Kai. Hilang hila ka ng Ex mo at nagpapadala ka naman. How dare you to do that? Girlfriend mo sya kaya pahalagahan mo sya please lang. Wag mong gayahin si Third"






"Baka dahil nga dun. Nakita nya pa naman cellphone ko kanina at binuksan. Tangina mo Kai." Sabi niya at napasapo sa noo kaya tinry ko ring tawagan si Coleen.





Sa una ay nagring na pero biglang pinatay kaya si Kai naman ang tumawag. Buti nalang sumagot sya.





"Hello? Sino ka? Haㅡ anongㅡ hayop ka nasaan sya?! SAAN MO SYA DINALA HAYOP KA?! WAG NA WAG MO SYANG HAHAWAKAN KUNDI.. KUNDI HINDI KA NA SISIKATAN NG ARAW! PAKAWALAN MO ANG GIRLFRIEND KO!"



Napatingin ako sa cellphone ko ng nagtext si Coleen ng mms. Picture na na nakatali sya sa kama at nakatakip ng kumot yung katawan kaya pinakita ko kay Kai na meron din sa cellphone nya.






"Kai sasama kami"



"Wag. Ako lang kailangan nya." Sabi niya at umalis kaya dali dali kong tinawagan sila Kiefer, Troy at Third. Lahat sila nagmadaling subukang sundan at tulungan si Kai.






Lord, bakit naman po si Coleen lang... pwede naman pong kasama kami.. oo, dapat magkakasama kami..




"Hoy Kelly anong nangyari?" Sabi ni Angeli na kabababa lang ata ng taxi.



"Teka, pano mo nalaman?"



"Magkasama kami ni Troy nang iwan nya ako eh! Ano na nasaan na si Coleen?"



"Hindi sinabi ni Kai pero may nagsend sayo ng pic?"



"Oo pero.. nakatali sa kama at natutulog?"



"Fuck. Ano nang gagawin natin? Hindi tayo pwedeng sumunod sa kanila Anj. Teka tawagan natin si Nadz"






"Hello Kelly? Papunta ako jan sa inyo" sabi niya at binaba agad. Maya maya, dumating na rin si Nadz kaya nagdasal muna kami.






"Dapat na ba nating tulungan sila?" Tanong ni Nadz.


"Mas lalong lalaki ang problema nila kung makikisali tayo"



"Hala nagtext si Troy. Hindi daw nila makita yung sasakyan ni Kai. Sila sila nalang nagkakitaan sa highway"




"My god. Ano nang gagawin natin?"




"Magsumbong muna tayo sa pulis. Ipakita natin yung picture na to"


"Wag. Iisipin nila na ginugusto yan ni Coleen. Tara, sumunod na tayo sa kanila" sabi ko at lumabas na kami.

Sumakay nalang kami sa iisang sasakyan para walang maligaw sa amin.




"Wait.. alam ko kung saan namin nakita si Coleen nung nakaraan. Di kaya yun yung kaibigan ni Coleen na Yves ang pangalan?"




"Oo nga! Oo nga!"


Lumiko kami kung saan ko nakita si Coleen nung nakaraan habang hinahanap si Kai.





"Teka.. ito ata yung bahay na yun? Diba sabi abandonado?"



"Natatakot ako Kelly. Baka tayo ang mapahamak. Sinabi na nyang lugar to nang mga mamamatay tao diba?" Sabi ni Angeli kaya bigla rin akon natakot.






"Ano? Gagawin pa ba natin to?"




"Wait, sasakyan ni kuya paparating palang. Iatras mo Kelly!" Sabi ni Nadz kaya inatras ko din at nakita si Kai na pumasok sa bahay. Ibig sabihin nanjan talaga?







Tinext na namin sila Kie kung nasaan yung address hanggang sa nakarinig na kami ng basagan sa loob ng bahay.





"Si Kuya at Coleen..."





"Pumasok na nga tayo!" Sabi ko at bumaba na ng sasakyan saka sila sumunod.




"Be! Wag kayong pumasok. Kami na bahala" sabi ni Bhie na kakadating lang kaya tumango kami.




"Nasaan si Third?" Tanong ni Nadz pero umiling lang si Troy saka na pumasok sa loob.






Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now