52

1.9K 61 0
                                    

Nadz

"Si Kelly hindi na natin nakikita ah. Nasan na yun?" Sabi ni kuya habang kumakain. Magkakasama pa din kami ngayon at ang awkward ng atmosphere ni Angeli at Troy.


"Baka nasa korea na?" -third



"Hindi. Minsan nakikita ko sya" sabay na sabi ni Anj at Troy kaya natatawa ako. Putek na yan.



"Naks. Di nyo sinabi na nagprepare pala kayo kaya di kayo nagsasalita pareho." -kuya



"Pero nah, 1 month na ang nakalipas. Ano nang ginagawa nya?"


"I know... she's following your bestfriend. As always" -Troy


"Ha?! Si Yhellie? Bakit daw?" Nagtinginan muna yung mga lalaki bago sumagot sakin.


"May kutob sya na buhay si Kiefer" sabay sabay nilang sabi kaya kami naman ang sabay napasigaw ni Anj kaya pinagtinginan kami.



"Totoo ba yan? Bakit di namin alam?!"


"Inisip nya kasi na walang maniniwala sa kanya kaya hindi na sinabi sa inyo. Baka ganun" sabi ni Troy.


Buhay si Kie? Imposible naman ata yun. Oh my god Kelly.



"Mali talaga na pinabayaan natin si Kelly" sabi ko.

"Yeah." Sagot ni Angeli at yumuko

"Hindi ikaw may kasalanan ha? Wala akong sinisisi and by the way, sundan kaya natin si Kelly? What if.. totoo yun?"


"Pati ba naman ikaw Nadz?"


"Anong gusto mong isipin ko? Baliw si Kelly? No way. Oo yun yung unang pumasok sa isip ko pero nararamdaman naman ni Kelly kung buhay si Kie o hindi"



"Pumapasok pa ba yun?" Tanong ni kuya kaya tumango si Third.


"Nadz, hindi muna pala ako makakasabay sayo mamaya paguwi ah. Yung weekends dun kami kila Troy matutulog. Magoovernight kami" sabi ni Third.



"Bakit hindi nyo kami isama?" Tanong ko at nagtitigan nanaman sila.


"Hindi pwede Nadz. Minsan na nga lang kaming magkakasama eh. Tsaka, pagsumama ka... susunod yung mga body guards" bulong bigla nya kaya tumango nalang ako. Allergic talaga sya sa body guards.



"Tayo nalang Anj. Alis tayo bukas?"


"Sige!" Masaya nyang sabi.

"Yayain natin si Coleen at hahanapin natin si Kelly. Game ka ba jan? Hindi ka na nagkakaroon ng time para sa sarili mo. Mukha ka nang losyang. Tska sa MOA tayo kasi nakakasawa na yung mall na pinupuntahan natin"


"Oo nga eh."


"Sorry ka Nadz, may lakad si Coleen bukas."

"Ha? Magisa lang sya? Pano kungㅡ"


"Pinagsabihan ko si Hans at Kaya sa nangyari kaya babantayan nila si Coleen. Pumayag naman sila basta makapagsama sama sila. And, sa MOA din sila mamamasyal."



"Kuya? Hindi padin pwede. Hindi naman natin sureㅡ"

Aba! Lagi nalang akong ini-interupt ah!

"Isang buwan na ang lumipas Nadz. Nanahimik narin siguro yung kaluluwa nung hayop na yun. Wag ka nang mag-alala" sabi ni Kuya.




"Ikaw ang magbabayad sa utang ng kuya at boyfriend mo, Nadine Cabs"


"Oh natulala ka nanaman. May body guards ka na oh. Idagdag mo pa ako kaya wag mo nang alalahanin yun. Pero pagnakita ko yun, pagsisisihan nya na sinakal ka nya" sabi ni Third kaya sumandal nalang ako sa kanya. Naiiyak nanaman ako.




"Troy panis na laway mo. Magsalita ka naman" -kuya

"Ah? Oo" sabi ni Troy.



××

"Yhellie!"


"Ah-oh, Nadz!"


"Almost 5 months na tayong magkakilala ha. May tinatago ka pa din sakin"

"H-ha? Ano yun?"



"Anong pangalan ng fiancè mo?" Diretso kong tanong sa kanya. Wala nang paligoy ligoy pa para hindi na sya makaisip ng dahilan.



"King nga! Dati ko pa sinabi eh" sabi niya.

"Buo, Yhelli. Buo"


"King Gonzales" Gonzales? Kiefer Gonzales.. King Gonzales.

"Pwede ko ba syang makita?" Tanong ko pero umiling lang sya at ngumiti.



"Hmm.. hindi pinapayagan ni mommy na may bumisitang iba kay King eh nacomatose kasi sya dahil sa sakit nya."




"Anong sakit nya?"


"Brain Tumor. Pero ayos na sya ngayon kasi napagamot na sya sa america. Iniiwas lang sya sa mga tao"


"Bakit curious na curious ka Nadz?" Sabi ni Renji na tumabi sa upuan ko.


"Ang tagal naman ng teacher natin. Gusto ko na ring umuwi" pagiiba ko ng usapan para hindi mahalata ni Yhellie na tungkol yung kay Kiefer.



"Oo nga eh. Baka.. absent?" -Yhellie


"Wag mong ipanalangin. Baka dumating" -Renji.


Naghintay pa kami ng 30 minutes at wala pa kaya umalis na kami. Diretsong uwi agad ako kaya sana wala kaming guards bukas pag umalis. Minsan nalang kaya ako makaalis ng bahay.





Pagkauwi ko, nagmukmok nalang ako ng bahay. Ano na kayang ginagawa nila Third? Gusto ko talagang magpunta kaso baka mas mapahamak ako. Ano ba kasing ginawa ni Kuya at galit na galit sya kay Kuya tska kay Third? Wala naman silang ginawa dahil kami kami lang ang laging magkakasama.

Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon