81

2K 59 1
                                    

Kai


"sunod ka sa mang inasal Kai!" Sabi ni Coach.


"Bakit sa mang inasal Coach?"



"Hindi pwedeng sa bar no! Mamaya may mangyari pa sa inyo. Sige na libre ko kayong lahat kasama mga kaibigan mo"




"May lakad sila coach eh. Sunod nalang ako ay mali, try ko pala" sabi ko kaya tumango sya at niyaya na yung ibang kateam mates ko.




Ang tagal ni Hans peste. Sana nahila nya si Coleen, haha! Joke lang. Sana icongrats nya ako harapan para ganahan ako.



Napatingin ako sa naglalakad na si Hans papalapit sakin hawak yung bag niya.

"Oy pre, congrats nalang daw. Sinabihan ko syang susunduin namin sya mamaya pagtapos ng photoshoot" sabi ni Hans na tinapik ako kaya tumango nalang din ako. She's my motivation. Sana nanuod sya sakin kasi gusto nya akong makita maglaro. Sana hindi lang sya napilitan.





"Kuya anong oras ba yung celebration sa bahay? Sunod nalang ako" sabi ni Nadz.



"10pm." Syempre.. para makahabol sya.


"Okay. Bye!" Nagbihis na ako sa banyo at tinext si coach na baka hindi ako makasunod sa celebration nila dahil may gagawin pa ako at buti nalang at pumayag sya.





Pagtapos kong magpalit, naglakad nalang ako at tumingin tingin sa paligid. Halos walang tao sa corridor papunta sa kwarto nila.





"Okay another shot 1 2 3" nasa malayo pa ako ay abot hanggang dito yung salita ni Shane. Yung dakilang photographer na naging crush ni Fourth daw.


[PLAY THE MULTIMEDIA]

"That's right ate Coleen! Close pa kayo ni Jake" sumilip ako sa gilid ng pinto nilang laging nakabukas at nakita sya. Ang ganda ganda nya tingnan. Pero mas maganda sya pag simple lang.





"Last 8 shots before the 5 minutes break" sinabi niya pa kung 8 shots pa diba? Ang tagal tagal pa nun.



"Ito isuot mo high socks ate Coleen!" Pagtapos ipitan si Coleen at nagtake na ulit sila ng shots. Ang galing nya. Para na syang professional tingnan. Mas maganda siguro kung ako yung nandun katabi niya. Mas makakadala pa ng studyante.







"Teka Shane, ano pabango mo?" Sabi ni Coleen at inamoy pa pabango ni Shane kaya inamoy ko din yung damit ko sabay napangiti.




"Ha? Penshoppe. Bakit?"


"Ikaw Jake?"




"Bench. Bakit?"




"Ah.. wala wala. Ikaw kuya! Anong pabango mo?" Tanong nya sa stylist nila pero umiling lang ito sa kanya kaya napakunot sya ng noo.

Ibang klase talaga tong si Kai. Ampogi mo Kai, ambango mo pa.





Pagtapos ng 8 shots nila ay nagbreak na sila at kumain ng biscuit. Ano ba yan. Kaya lalong pumapayat eh. Biscuit lang kinakain?! Tsk.





"Hans?" Nanlaki ang mata ko ng makita ko syang nakasunod ang mata sakin at papalabas na sana sya kaya tumakbo ako para magtago.






"Hala, sino yun?" Rinig kong sabi niya matapos kong magtago sa tabi ng mga locker.





Sumilip ako sa kanya at nakita syang pabalik na dun saka ako napahawak sa dibdib ko. Kinabahan ako dun ah. Tsk. Bumabalik ka nanaman ba sa pagkatorpe mo Kai?





"Hindi naman ako torpe. Wala lang akong maiharap na mukha sa kanya"

Badtrip!





"Kai?" Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla nya akong tinawag.





"A-Ah, E-Eh argh!" Tumakbo ako ng mabilis para makalayo sa kanya. Hindi ko pa kayang kausapin sya dahil baka mamaya ay ayaw nya din akong kausapin.







Bobo mo kasi Kai. Ang bobo bobo mong pinakawalan mo pa ang babaeng mahal mo. Wala ka na bang magawang tama? Bwisit.






Umuwi nalang ako ng bahay at matutulog pero di ako makatulog. Lagi kong naaalala yung pagtawag nya sakin. Nakakabilis ng tibok ng puso pag tinatawag nya ako sa pangalan ko. Pero mas sasaya ako kung tatawagin nya ako hindi bilang Kai kundi bilang sweetheart.






Alam kong may tamang oras para dun. Makukuha ko din ulit sya. Kailangan kong ihanda ang pagkuha ko sa kanya pabalik. Kailangan ko lang na kausapinㅡay maliㅡkailangan ko ng tulong nila.



Gone (Campus Queens 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon