8

2.5K 92 1
                                    

Nadine's POV

Ano nga bang iniisip ko? Lakas ng topak nitong mga to. Masyadong ma-imbistiga.

Tiningnan ko yung phone ko na nagvibrate at si Coleen nanaman ang nagmessage.

From Cols

Ano nga?

Wala naman akong problema eh.wala talaga promise. Sa tingin ko dapat ko nang itigil tong paghihinala na to. Ayokong ibig deal yung nangyayari sakin.

"Ate!!!!!!" Nagulat ako nang bumukas yung pinto at lumabas dun si Ern. Yung kapatid ko nga pala, nakakpagsalita at nakakalakad. Syempre ako nagturo jan.

"Oh Nadz, bakit di ka pa tulog?" Tanong ni mommy na pumasok din sa kwarto ko.

"Patulog na rin po ako my"

"Ay ganun ba. Ern let's go na, ate will sleep na" kinrga ni mommy si Ern saka lumabas ng kwarto ko.

Humiga naman ako at nagisip. Third, bakit ka ganyan?

××

"Yhellie!" Sigaw ko habang tumatakbo papuntang school. Malelate ako pero buti nalang nanjan si Yhellie!

"Uy Nadz! Late ka din? Hahah" sabi niya habang tumatakbo din kaya huminto kami at naglakad nalang.

Pumasok lang kami habang nakatalikod yung prof.

"Hi Nadine" ngumiti lang ako sa katabi kong nakangiti sakin. Well, lagi naman syang nakangiti eh. Sya yung seatmate kong koreano.

"Hi"

"Bakit ka late?" Oo, nagtatagalog sya pero minsan, may sinasabi sya saking hindi ko maintindihan.

"Late ng gising" bulong ko tapos ngumiti nanaman sya. Gwapo naman sya ngumiti.. well... mas gwapo si Third.

"So, sa nalalapit na foundation day, kailangan nyo nang makaisip ng gagawin nyo ha? Yung tiyak na babalik sa inyo ang profit kahit 80% lang. Kailangan nyo na rin gawin agad yung products nyo ng marami para hindi kayo kukulangin. Understood?" Tanong ni miss kaya tumango ako.

Sayang dapat si Yhellie yung partner ko kaso by seatmate kaya hindi kami naging magpartner.

"I will give you time para makapagusap na magpartner. Syempre walang tatayo jan kasi by seatmate naman"

Humarap ako kay Renji na nakaharap na pala sakin kaya napaatras ako. Good yan Renji, stay weird.

"So, kelan tayo bibili ng mga gamit?" Tanong niya.

"Mamaya. Tapos bukas na tayo gumawa ng mga chocolates." Sabi ko kaya tumango sya.

Sa mga kaklase ko, alam nila na may boyfriend ako at si Third yun. Kaso hindi pa nila kami nakikitang magkasama.

Pagtapos ng klase, nagbreak na kami at kasama ko nanaman si Yhellie. Ang cute ng pangalan nya no? Cute din naman sya.



"Wala na pala tayong another break no? Saklap naman" sabi ko 

"Oo nga eh. Hindi tulad kahapon. Alas tres pa tuloy tayo makakauwi"

"Ay oo nga pala wait lang" kinuha ko yung cellphone ko at tinext si kuya na hindi na ako makakasabay sa kanila pauwi dahil bibili kami ng materials. Maya maya, si Third ang nareply.

From Third

Samahan ko na kayo.

Kaya agad ko naman syang nireplyan. Bigla kasi akong nakaramdam ng kilig sa sinabi niya. Mas kinikilig ako pag nagvovolunteer sya sa gagawin niya.

To Third

Sige. Daan kami jan mamaya.

"Hindi na ako makapaghintay Yhel. Sasamahan kami ni Third mamaya pag namili kami ng materials ni Renji"

"Hah?! Buti kung hindi magselos boyfriend mo!"

"Hindi yan!" ...yun nga ang problema ko eh. Hindi sya nakakaramdam ng selos. Hindi niya pinakita sakin na nagselos sya sa kahit sinong nakakasama ko. Hindi tulad nila Coleen at Kuya, Troy at Angeli at Kelly and Kiefer.

Nagtataka nga ako kung bakit lagi niyang sinasabi na "si Nadz naman yan eh" i don't know kung anong pinapahiwatig nya. Kung "si nadine lang naman yan" na para bang wala syang pakelam sakin. O "si nadine naman yan" na may tiwala sya.

Iba talaga eh.. ibang iba.

"Uy, natahimik ka jan? Ano iniisip mo? Magseselos si Third?"

"Hindi. Hindi yun magseselos. Never naman yung nagselos" sabi ko kaya nagbago yung mukha ni Yhel.

"What do you mean?"

"Tinry ko naman syang paselosin. Pero.. wala. Hindi talaga sya nagseselos"

"Ay iba na yan. Baka hindi ka mahal" straight to the point nyang sabi kaya may kumirot sa puso ko. Iniisip ko din yan pero ngayong may nagsabi sakin, hindi ko alam kung kakayanin ko.

"Hindi, mahal ako nun. Pinaparamdam nya sakin na mahal nya ako. Baka may tiwala lang talaga sya sakin"

"Nadz, magisip ka din. Tanungin mo din sya. Tanungin mo yung iba. Kasi baka mamaya wala ka lang pala sa kanya-"

"Pwedeng makishare ng upuan? Puno na kasi" tumango kami kay Renji na may hawak na pagkain at tumabi sakin.

"So yun nga. Mas maganda nang kumunsulta ka na sa iba. At sa sarili mo. Baka sa huli ikaw lang masaktan"

Hindi ko na sya pinakinggan dahil baka maiyak lang ako. Nilabas ko nalang yung cellphone ko at binasa lahat ng message namin ni Third. Lahat ng sweet message nya sakin. Alam kong mahal nya talaga ako.

--


Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now