6

2.8K 96 9
                                    

Kelly's POV

"Saan kaya tayo tatambay?" Tanong ko sa kanila.

"Ayoko naman sa library. Pag sa canteen maaakit tayo. Sa rooftop kaya?" Tanong ni Coleen.

"Pwede din." Sagot ni Nadz kaya nagpasya kaming sa rooftop nalang. Habang naglalakad kami, may tinuro si Nadz na guy na kaklase nya daw.

"Marunong naman sya magtagalog. Pero minsan kino-koreano nya ko kaya hindi ko maintindihan. Nginingitian ko nalang"

"Like what?"

"Nakalimutan ko na eh. Pero pagsinabihan nya ulit ako, ililista ko tapos itatanong ko sayo" sabi niya kaya tumango ako.

Nang makaakyat na kami, umupo na agad kami sa lapag. Si Nadz sumandal para matulog at ganun din ang ginawa ko. Si Coleen nakasilip lang at nakatingin sa baba.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko saka sya umupo ulit.

"Wala lang. Wala akong magawa eh. Ano ba magandang gawin?"

"Matulog."

"Oo nga naman" naglagay na ako ng earphones at natulog kaming tatlo.

××

Unti unti kong dinilat yung mga mata ko at halos mapasigaw ako sa gulat nang makitang may nakatingin samin sa malayo.

"Sino ka?!" Tanong ko pero umalis sya. Hindi ko masyadong namukhaan dahil mejo malayo sya.

"Nakakagulat ka naman Kels." Reklamo ni Nadz na kakagising lang din.

"Kasi naman may nakatingin satin kanina"

"Ha? Sino?" -coleen


"Di ko alam. Anong oras na ba? Tara baba na tayo, kinikilabutan ako" ayun nga, napagpasyahan na naming bumaba dahil 10 minutes nalang ay magbebell na. Nagpunta kami sa building ng accountancy para antayin si Angeli.


Pagkabell na pagkabell, lumabas na si Angeli at tuwang tuwa sya ng makita kami.


"Ano na nangyari sa mga mukha nyo. Halatang kakagising lang"


"Oo eh" -Nadz

"Mukhang masaya ka?" -Coleen

"Perfect kasi yung assignment ko. Tapos god! Grabe talaga" -Angeli

"Wow naman. Ikaw na! Tara na punta na tayo dun" sabi ko kaya nagpunta na kami sa hintayan namin at nandun na nga sila naghihintay.

"Saan tayo?" -bhie

"Una na ako. May gagawin pa akong project" sabi ni Angeli


"Ay ganun? Sige kila Nadz nalang muna tayo para matulungan ka namin" -Troy

"Oo nga" sabi naman ni Coleen. Napansin ko lang na sumimangot si Angeli. Napansin ko lang naman. Ako nga lang ba?

As usual, iba iba kami ng sinakyan at nasa likod ko si bhie. At nakamotor kami.



"Bhie traffic ngayon at siguradong mahuhuli sila. Ikot muna tayo" request ni bhie kaya lumiko ako kung saan matatagalan kami.

"I love you be" hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa i love you nya. May part na mabilis ang tibok ng puso ko. Yun lang. Ang lakas talaga ng tama ko sa kanya.

"Speechless be?"

"Baka hindi ko kayanin bhie. Pati kasi yung motor kinikilig" sabi ko kaya narinig ko yung pagtawa nya sa likod.


Pagdating namin sa bahay nila Nadz, nandito na rin sila at nagtaka pa sila kasi nahuli kami.

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now