51

1.9K 71 1
                                    

[A/N: so, bago yung pov nila, may sasabihin muna ako. Kung masyado nang clichè yung story na to, wag nyo nang basahin kasi hindi ko alam kung clichè nga ba to at paulit ulit nalang. Pero kung interested ka padin hanggang sa huli, well thanks. Hindi pa naman nasasabi yung plot twist so.... sa mga nagbabasa pa din hanggang sa chapter na to, thank you and enjoy reading!!! ❤❤]


Angeli

"Angeli, bakit nagkakaganito mga grades mo? Kung magpapatuloy to ay baka mawala ka sa dean's list, scholarship at may possibility na mawala ka sa listahan ng soon to be cum laude."



"Sige miss, Try ko nalang po"


"Try? Angeli? Don't try. Do it. Kung ano man yung problema mo, wag kang magpapaapekto dun. Kaya mo yan okay?"


Tumango ako sa sinabi ni miss at umalis na ng office nya. Nanlulumo nanaman ako dahil sa grades ko. 1.25, 1.50, at 1.75. Isang sem na ang nakalipas. Matagal tagal na yung nakalipas simula ng mawala si Kie. Nagbago talaga yung buhay ko.





"Angeli! Tara kumain na tayo!"

"Kayo nalang?"


"May ipapakilala ako sayo dali!" Sabi ni Jhanna.

"Sige una kana, cr ako" sabi ko at tumango sya saka ako nagpunta sa cr. Wala lang. Naglock lang ako para makapagisa.





"Hays" sana nandito yung mga kaibigan ko. Yung nagpapalakas sakin lagi. Yung tuwing alam nilang umiiyak ako sa cr, palalakasin nila yung loob ko.



If I only had a time machine, babaguhin ko lahat. Pipigilan ko sila at hindi sana ako naging selfish. Iniisip ko lang yung sarili ko. Ayan tuloy, iiyak nanaman ako. Namimiss ko sila. Namimiss ko na sila.




"Angeli?" Napahawak ako sa bibig ko na hindi mapigilang humikbi. Hindi ako sumagot sa nagsalita sa labas.



"Angeli, ikaw ba yan? Kilala ko na yang iyak mo" tumayo ako at inayos yung sarili ko. Hindi na ako magtataas ng pride. Kailangan ko to. Kailangan ko din sya.


Binuksan ko yung pinto at nakita ko nga syang nakatayo kaya niyakap nya agad ako.



"Nadz.."



"Shhh... anong problema?"


"Im sorry Nadz, im sorry. Sorry sa inyong lahat." Hinahagod nya lang yung buhok ko at likod para patahanin.



"Wala namang may kasalanan dun. Tara labas tayo" sumama ako sa kanya sa labas hanggang sa makarating kami sa tambayan namin dati.



"So, what's the problem?"


"Teka nga, bakit may mga kasama ka? Sino yan?"



Tumingin sa sa mga lalaking yun at sinenyasan kaya umalis saglit pero nanjan lang sila sa gilid.


"Guards for my security. May nagbanta na kasi kay kuya tska sakin. Kaya ayun, na-alarma sila mommy."


"Ahh" tiningnan nya ko at sinenyasan na magkwento na kaya ngumiti ako.


"Simula nung nagkawatak watak tayo, bigla talagang nawalan ng kulay yung buhay ko at nagbreak pa kami ni Troy."


"Ever since hindi na kayo nagkausap?" Tanong nya kaya umiling ako.



"Then, kinausap ako ng teacher ko. Na baka mawala yung possibility na maging cum laude ako at mawalan ako ng scholarship at dean's list. Kaya inisip ko na baka karma ko to"



"Karma ka jan! Namiss mo lang talaga kaingayan namin! Halika at magsosorry tayo" sabi niya sakin at tumayo.




"Nadz.. bakit ang bait mo?"


"Ewan! Di ako mabait! Tara kain nalang tayo" sabi niya kaya tumango ako. Pagpunta namin sa canteen, nakita ko agad si Troy. Sya naman lagi kong nakikita. Kasama nya si Third at Kai.



Umupo ako sa bakanteng upuan at hinayaan si Nadz na bumili. Iba na rin yung schedule namin dahil 2nd sem na ng 2nd year college at ito nga ata yun, magkakasabay na kami ni Nadz, Troy, Third at Kai.




"Huy bakit ka umupo jan? Tara dun tayo kila Kuya" sabi niya sakin pagbalik nya at hinihila ako.


"Ayoko Nadz. Dito nalang tayo"



"Gusto mong makipag bati oh ano?" Sabi niya sakin kaya napilitan akong tumayo. Makikita ko nalang sa paligid ng canteen na may mga lalaki kagaya ng kay Nadz. Baka kay Kai yun.





"Hi Angeli! Gumaganda ka ngayon ah" sabi ni Kai kaya pinalo sya ni Nadz.


"Oo nga eh. Angeli pa hug naman! Namiss kita eh!" Sabi naman ni Third kaya binatukan din naman sya ni Nadz. Ako lang ba nakakapansin na tumitingin sila kay Troy.





"Hoy Troy! Nanginig ka na jan? Kumain kana!" Sabi ni Kai kaya nagtawanan silang dalawa.

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now