37

1.8K 71 2
                                    

Nadz

"Nadz!! Ang tagal mo magcr ha" reklamo ni Yhellie kaya napakamot ako. Hindi naman talaga ako ng cr eh. Hehe


"Namiss mo agad ako? Hindi naman ako mawawala eh" sabi ko.



"Pero ako mawawala na! Hindi na tayo magkakasama!" Sigaw niya kaya nagulat ako. Oo nga pala, wala yung teacher namin. Nagbell na nang bumalik ako sa room.




"Anong mawawala?! Buang ka ba! Wala na akong kasama pag nawala ka!"



"Nanjan kaya si Renji. Diba Renj?" Tumango lang si Renji na kanina pa natatawa sa sigawan namin.


"De seryoso, aalis na kami nextweek. Mag-ma-migrate na kami sa states nila mommy"



"Why?!? Wag Yhellie please!!! Yhellie!!"



"Hindi ko alam eh tska, mukhang desidido na si daddy na ilipat ako. Sorry Nadz"



"Sige pagumalis ka hindi na tayo magkaibigan ha? Magkalimutan nalang tayo"


"Grabe ka naman Nadz." Hindi ko na sya pinansin at dinukdok nalang yung mukha ko sa desk para matulog sana. Ang tagal magbell.



"Sige na nga. Papakiusapan ko nalang sila mommy. Hindi naman kita matitiis eh" sabi niya kaya patago akong napangiti. No one can resist my charm.





Pagtapos ng klase, napacheck ako sa cellphone ko na kanina pa pala nagba-vibrate at nakita yung tawag ni Coleen at Third. Nakailang missed calls na din sila kaya tinawagan ko si Third.



"Hello?"


"Nadz nasan ka? Hintayin kita sa baba. Hahanapin natin si Kelly"



"Ha? Sige!" Sunod naman na tinawagan ko ay si Coleen.


"Nadz! Nasan kana? Hindi ko pa din nakikita si Kelly. Kasama ko kuya mo ngayon sa paghahanap. Sinabihan ko na din sila Troy"



"Sige, hahanapin na din namin" pagkakita ko kay Third, dali dali kaming nagpunta sa parking at nilibot yung lugar kung saan sya pwedeng magpunta.


Magtatatlong oras na kaming naghahanap ay wala pa din kaming nakikitang Kelly. Alasyete na ng gabi wala pa din sya kaya alalang alala na kami.




Nang magkasalubong kaming apat sa iisang daan, bumaba kami para makapagusap usap nang may tumawag kay Troy.



"Paolo?" Direktang tanong ni Troy sa kausap nya sa cellphone. Kakilala nya? Kaklase nila? Pinindot nya yung loudspeaker para marinig naming lahat.




"Yung girlfriend ni Kiefer? Nandito sa bar ah. Dali puntahan nyo!" Sigaw nito kaya nataranta si Troy.


"Saan yan?!"



"Sa M bar!" Kanya kanya kaming sakay ng sasakyan at nagpunta na sa M bar. Malamang alam nila yun.




Pagdating namin, hindi namin nakita si Kelly. Mukhang false alarm.


"Hoy Paolo! Nasaan si Kelly!" Tanong ni Third sa lalaking nakaupo sa counter.


"Ayun oh! Wild na wild nga sumayaw eh!" Sabi sabah turo sa babaeng maikli ang buhok at napakasexy ng suot.



"Siraulo hindi si Kelly yan!" Sabi ni Third. Ginawa pang malandi si Kelly!



"Gago lapitan mo kasi!" Sinunod naman namin si paolo at kinalabit ni Third yung babae at pagharap, nabigla nalang ako ng nilagay ni Kelly yung kamay nya sa leeg ni Third.




"Yayayain mo din akong magsayaw? Taraaaa" lasing nyang sabi. Halata na ring lasing sya dahil pawis na pawis sya.



"Guys nandito na!" Binuhat ni Third si Kelly at nilabas sa bar habang nakasunod sila Coleen.



"Grabe ka naman. Hindi pa tayo magkakilala, may gagawin na agad tayo. Hihi"



"Kelly what have you done?!" Nagtatakang tanong ni Angeli at binababa yung maikling suot ni Kelly.




"Teka.. kilala kita.." hindi na nya natuloy yung sinasabi niya dahil nakatulog na sya sa sasakyan ni Third kaya nagsibalikan na kami at umuwi nalang sa bahay namin.



Magpapanggap nanaman ba kaming walang alam nito bukas?



"Nadz, sorry. Sana hindi ka nagalit sa ginawa at sinabi ni Kelly kanina"



"Ayos lang. Kung ibang babae yun, baka nakalbo na sya ngayon at hindi na nya kailangan ng blush on. Pero si Kelly yan. Naiintindihan ko"





"Inaantok ka na ba? Gusto mong matulog muna?"





"Sige, gisingin mo nalang ako pag nasa bahay na tayo. Ha?"


"Sige. Goodnight"

Gone (Campus Queens 2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat