35

2.1K 66 0
                                    

Angeli

"Naiintindihan kita pero sana.. sana pigilan mo sa susunod. Kasi Kelly, kaibigan kita. At mahal ko si Troy" tumango sya sakin habang umiiyak.

"Salamat, Anj. Nabigla din ako.-"

"Ayos na kayo?!" Napatingin ako sa pinto nang makita si Nadz kasama si Renji sa likod. Nakakahalata na talaga ako sa isang to ha.

"Oo, Nadz. Kami na ulit ni Troy. Ito kasi--"

"Alam ko na. Ang mahalaga ayos na ulit kayo. At kayo din ni Kelly" sabi niya kaya ngumiti ako.

"Oh, Renji?" Sabi ni Kelly

"Annyeong! Ayos kana noona?" Tanong nya sabay upo sa gilid ng kama ni Kelly. Wow, close na pala sya sa lahat. Nakakatuwa!

"anong noona?! Kutusan kita jan eh magkasing tanda lang tayo. Ayos na ayos kaya ako!"

Simula nang nakita ko ang ginawa ni Kelly at ng boyfriend ko, bigla biglang nawala yung tiwala ko sa kanilang dalawa bilang kaibigan at bilang boyfriend.

Nung pupuntahan ko sana si Troy sa bahay nila kung ano yung problema, sinabi ng ate nya na nagpunta sya kala Kelly kaya sumunod ako. Tapos ayun maaabutan ko? Parang... parang hindi sapat yung reason nila para mag... maghalikan sa kwarto ni Kelly.



"Anj? Nakikinig ka?"

"Ha?"

"Sabi ko, si Renji, malamang hindi pa kayo masyadong close kasi busy ka lagi diba? Kaya ayan, dongsaeng ko"

"Seriously?" Hindi ko sila maintindihan.


"Ahh, koryano sya diba? It means magkababayan kami kaya para ko na syang kapatid"

"Ahh. Nice to meet you Renji"

"Tara Anj, hayaan muna natin sila dito." Sabi ni Nadz at niyaya akong lumabas.



"Buti naman ayos na kayo ni Troy?" Tanong nya sakin

"Ganun talaga pagmahal mo. Hindi mo sya matitiis. Pero kung hindi mo mahal, hahayaan mo sya sa isang tabi"


"Anong ibig mong sabihin?"


"Wala, wala. Nga pala, papasok na si Kelly bukas, sabi niya"


"Hala, kaya nya na?"


Nagkibit balikat nalang ako sa kanya at di na sumagot. Hindi ko pa din alam kung ano yung epekto ng pagkawala ni Kiefer kay Kelly. Hindi pa din niya sinasabi kung anong gusto nya. Unti unti na din syang nagbabago.





"Ano Renji, tapos na kayo magusap?" Tumango lang sya at ngumiti sakin saka niyaya umalis si Nadz para umuwi.



"Ingat kayo"

"Ikaw din" sabi sakin at pumasok na ulit ako sa kwarto ni Kelly.



"Anong pinagusapan nyo?"

"Nangako lang naman sya na nanjan lang daw sya pagkailangan ko sya. Yun lang.. Angeli, pakuha naman ako ng tubig. Namamanhid paa ko eh"




Bumaba ako sa kitchen nila at kinuha sa ref yung tubig at dinala na yung baso tska yung buong pitchel. Kumuha na din ako ng prutas at sinabay sabay dalhin yun sa kwarto nya.




"Kelly? Nasan ka? Ito na yung tubig." Nagpunta ako sa cr ng kwarto nya at nakalock yun kaya umalis ako at umupo nalang sa kama nya.



"Angeli? Si Kelly?" Sabi ni tito nang makita ako sa kwarto.


"Nag cr po"


"Ah sige. Sabihin mo nandito ako ha. May pupuntahan kamo kami"


"Sige po tito" pumunta ulit ako sa cr at kumatok. Lakas nyang tumae ah. Kunwari pa syang namamanhid yung paa eh natatae lang sya.




"Kelly? Nandito si tito, aalis daw kayo."

Hindi sya sumagot kaya tinanong ko ulit at kumatok.


"Kelly? Matagal ka pa ba? Ginagawa mo jan?" Hindi pa rin sya sumagot kaya lumabas agad ako ng kwarto at sinabi kay tito. Dali dali syang nagpunta sa cr at sinubukang kumatok pero wala talagang sumasagot.




"Kelly anak?! Sumagot ka!" Nagulat ako nang sirain ni tito yung pintuan at nakita na nakahandusay na si Kelly at may kalat kalat na gamot.



"Jusko po Kelly!!!" Napatakip nalang ako ng bibig sa nakita ko. Binuhat sya ni tito at sumunod lang ako hanggang sa kotse para dalhin sa hospital at agad tinawagan sila Troy.


××

"Depression kills... depression kills... depression kills. Alam naman nating lahat yun diba? Sa kalagayan ni ms. Yeun, hindi nya matanggap yung nangyari sa kanya o sa kanila ng boyfriend niya.her possible reason is, sinisisi nya yung sarili nya sa nangyari. Kaya't hanggang maaari, ilayo nyo sya sa lugar na magiisa sya"



Tumingin kami kay Kelly na natutulog habang nagsasalita yung doktor. Tumango tango lang kaming magkakaibigan.


"Maganda siguro kung gumising sya ng wala sya sa hospital na magpapaalala sa kanya. Pwede nyo naman na syang iuwi"


"Salamat, dok" nagplano na si tito at tita na iuwi si Kelly kala Nadz at nagrequest na matulog kami kila Nadz at yung mga lalaki, hindi kasali kaya pati si Kai, napilitang magstay sa condo nya.




"Thank you talaga. Napakalaki na ng nagawa nyo para sa anak ko"


"Tita wag kang mag-alala, magkakapatid kami dito" sabi ni Coleen at niyakap kami ni tita.

Gone (Campus Queens 2)Where stories live. Discover now