Kabanata 1

3.6K 65 13
                                    

*Wapaaak!*

Isang malutong na sapak ang natikman ni Brad mula sa akin.

"Hoy! Brad Pit ha! Hindi porket amo kita e gagawin mo na ang lahat ng gusto mo!" singhal ko sa kaniya.

Teka, teka... paano nga ba ako napasok sa ganito?

Well, a few hours back ganito ang nangyari.. o taray ko na diba? Marunong na akong mag English kahit papaano.

Sa isang liblib na probinsya pa ako nakatira kasama ng aking kasintahan at mga kapatid. Si mama Sel kasi ay nasa Maynila at matagal ng namamasukan doon bilang kasambahay, siya na rin kasi ang umako sa amin mula noong napangasawa ni papa si mama Sel at muling sumakabilang buhay si Papa.

Sabado noon at sinabayan kong maligo ang aking nakababatang kapatid sa poso malapit sa aming bahay.

"Ate, sabunin mo na ako sa likod." Utos niya sa akin.

"Heto na po señorito." Pang-asar ko saka na sinabunan ang kaniyang likod.

Ilang sandali pa ay nagtatatakbo itong isa ko pang kapatid kong lalaki.
"ATE ATE! ATEEEE!"

"Ano?! Ano?! Ano?!"

Humihingal ito kaya hindi ko maintindihan ang kaniyang sinasabi isa pa, napaka bilis niyang magkwento. =__=

"Huminga ka na nga muna." Iritang sabi ko sa kaniya.

Pagkatapos naman niyang maghingal aso ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

"Si mama! Si mama, nandito siya! Kasama niya 'yung amo niya!" sabi niya at iniyugyog pa ako.

Para namang hindi nagsink in sa akin ang kaniyang sinabi.

"Ano?" tanong kong muli.

"SI MAMA UMUWI NA! KASAMA NIYA 'YUNG MGA AMO NIYA!"

Wala sa oras ko naman siyang nasapok sa ulo.
"patay na si mama no! Saka, bakit kailangan mong sumigaw?! Hindi naman ako nasa kabilang bundok ah!" sigaw ko na din.

"sira ulo talaga 'tong ate ko." sabi niya at nagkamot pa ng ulo. "Si mama sel! Dali, tumayo ka na diyan! Hinahanap ka niya!" sabi niya at hinila ako patayo sa upuang maliit na inuupuan ko.

"Teka sandali, susunod na ako kapag tapos kong maligo." Sabi ko at nagbuhos na ng tubig sa aking katawan.

"Waaaah ate! 'yung mata ko! ateeeee!"

Naaligaga naman ako sa biglang pagsigaw nitong si Cjay. Nalimutan ko pa tuloy banlawan ang kaniyang mukha.

"Naku, pasensya na Cjay."

Nang ako naman ang magsasabon, nakarinig ako ng mga taong nag-uusap. Feeling ko'y papalapit sila sa aming kinaroroonan.

"Paula, anak! Bakit diyan ka naliligo? Nakakahiya, may bisita tayo."

Si mama. May kasamang babae at lalaking singkit na maputi na may edad na at sa aking palagay, anak nila 'yung lalaking wagas kung makatitig sa akin.
Kaagad akong lumingon at ngumiti ng parang ewan.

"Ay, mama. Sinabayan ko lang po itong si bunso. Hindi niyo naman po sinabi sa akin na uuwi kayo." Sabi ko at tumayo.

Linapitan naman ako ni mama at tinapalan ng tuwalya ang aking mukha.

"Magbihis ka na nga. Ang nipis nipis pa naman ng suot mo. Hala sige."

Kinarga ko na din si Cjay at tinuwalyahan na rin. Nagkatinginan kami ng lalaking kasama nung mga amo ni mama. Ngingitian ko sana siya nang irapan niya ako.

Aba! Suplado. Tss, gwapo pa naman!
Linagpasan ko na siya at pumasok na sa bahay. Lingid sa aking kaalaman, e nakasunod pala si mama.

"Pagkatapos mong magbihis lumabas ka. May sasabihin kami sa'yo." Sabi ni mama at lumabas na rin.

Hindi man lang hinitay na um-oo ako.
Kaya, pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako tulad ng sinabi ng aking ina inahan.

"Umupo ka dito, Pau. Hindi ka man lang nagsuklay." Bulong ni mama sa akin at kinurot ako sa tagiliran.

Bakit pa kasi ako kailangan dito? Huwag naman sana akong ibugaw ni mama no kung kaya't pinapasuklay niya ako.

Kung ibebenta rin naman niya ako, dun sa gwapo at mayaman na. jooooke hahaha. Pero sa palagay ko, ok na 'to. Kung kay suplado ako ibubugaw hihihi!

"Siya po ang anak ko, si Paula. Masipag ho iyan at mapagkakatiwalaan ninyo sa gawaing bahay." Ngiting ngiting sabi ni mama.

"Mama, pamimigay mo ba ako? Ipapakasal mo ako sa anak nila?" bulong ko ngunit, biglang tumawa 'yung kasama nilang lalake. 'yung suplado.

"In your face! Don't be so ambitious."

Aba't narinig pa pala ako. Sinamaan ko naman siya nang tingin. Tumigil lamang siya sa kakatawa nang suwayin siya ng kaniyang mga magulang.

"Talagang palabiro lang po itong anak ko, madame."

'di naman ako nagbibiro dun e. Malay natin diba? Puro papuri naman ang sinasabi ni mama tungkol sa akin. Ano bang pakay nila?

"Kung ganoon, Jude, yeobo pasado na?" sabi nung babae sa katabi niyang lalaki na tinawag niyang Jude.

"Sige na pack her things, and let's go. I still have a meeting to attend." sabi nung Jude at tumayo na.

Sumenyas rin 'yung babae kay mama kaya hinatak niya ako sa loob ng maliit na kwarto ng bahay namin. Kaya ako ay nagtanong na, hindi ko maintindihan ang nagyayari.

"Mama, anong pack your wings? Wala naman akong pakpak." tanong ko.

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko alam 'yun, ingles 'yun e. Basta ang alam ko e kailangan mo ng magbalot balot ng gamit." sabi ni mama at inilabas ang malaking bag sa aming aparador.

"Ano pong ginagawa niyo? Aalis na kayo kaagad? Kakarating niyo lang ah?"

Humarap siya sa akin at hinawakan ang aking dalawang kamay.

"Hindi na ako aalis. Ikaw ang aalis."

"Po? Bakit po? Bakit ako? a-anong..—"

"May sakit ako, kung titigil ako wala na tayong kakainin. Kaya naisip ko tutal malaki ka na, kaya mo ng magtrabaho sa Maynila. Hindi naman mabigat ang trabaho mo doon panigurado at isa pa, diba gusto mong magkolehiyo?"

Kaya ako naman ay napatango.
"Papag-aralin ka nila. Sila ang susustento sa pang-araw araw mo at padadalhan nila kami dito ng pera." Pagpapatuloy niya.

"Pero, malalayo po ako sa mga kapatid ko. Ayoko." Sabi ko at tumalikod sa kaniya.

"Paula, para 'to sa kinabukasan mo at ng mga kapatid mo. Kasama mo nga sila pero wala naman tayong makain. Gusto mo bang sabay-sabay tayong mamatay sa gutom dito?"

Bigla akong ginapang ng aking kaba.

--

Handa na ang lahat, ako na lang ang hindi. Hindi ko kasi maimagine ang sarili ko na hindi ako kasama ng mga kapatid ko. Paniguradong iiyak si Cjay kapag nakita niya akong aalis.

"Mama, pinatulog ko na po si Cjay." mahinang sabi ni Carlo.

Tumingin siya sa akin at tinakpan ang kaniyang mukha.

"Huwag ka ng umiyak. Ayaw mo nun, wala ka ng kaaway." Pabirong sabi ko at niyakap siya.

"Mamimiss kita ate." Sabi niya habang napaka lakas ng kaniyang mga hikbi.
Inalo ko ang kaniyang likod at hinalikan siya sa ulo.

"Aalis na kami. Huwag mong papabayaan si Cjay ah? Si mama at ang pag-aaral mo. Aalis ako para sa inyo."

Iyon ang huli kong habilin sa kanila bago ako sumakay sa magarang kotse ng amo ni mama na amo ko na ngayon.

Tahimik lang sa sasakyan hanggang sa marating namin ang ka-Maynilaan.

May lalaking sumalubong sa amin, malaki ang pangangatawan nito at binuhat ang aking mga gamit.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now