Kabanata 65

1.3K 27 6
                                    

Nasa pier na ako at hinihintay sina tita Bianca.
Ilang saglit lamang ay tanaw ko na si Miley. Papalapit siya sa akin.

What now?

"Mark, can you wait just for a minute? Padating na sila tita and tito. Sasama sila sa'yo."

"What? Teka... bakit? Aish, paalis na 'tong barko." Sabi ko at umakmang lumakad na paalis ngunit napigilan ako.

"Sam!"

Sam... Sam?

Lumingon ako kung saan galing ang boses na iyon. Patakbo itong lumapit sa akin at nang makalapit na siya ay sinalubong niya ako ng yakap.
And she's crying.

"Anak..." sabi niya between her sobs.

"Mas mabuti sana kung doon nalang tayo mag-usap. Baka maiwanan na tayo." Si tito Bernard.

Tumango na lamang ako kahit na gulong-gulo na ako.
Nang makasakay na kami, panay ang sipat ko sa bawat sulok ng barko.

"I heard from your friend Ouen na you are looking for your girl friend." Sabi ni tita Bianca.

"That's why we are here to help you and to announce something very important as well." - Tito Bernard.

Hindi gaanong pumapasok sa isip ko ang sinasabi nila, mas nangingibabaw kasi ang kagustuhan kong mahanap si Paula dito.

"You are Sam. We are your parents." -Tita Bianca.

"Science says it's 0% percentage...-"

"I thought that also! But we are in a set up! A fucking set up!" Sigaw ni tita Bianca.

Nablangko ang isipan ko, sandali kong nalimutan si Paula.
Hindi ako makapagsalita, nakatingin lamang ako sa kaniya.

"She's right, Mrs. Cha sabotage the DNA samples together with my niece... Miley." - tito Bernard.

"How... how could that happen?" I asked.

"Miley noticed that her tita Bianca was so devastated. She confessed everything." Sagot ni tito Bernard.

"Confessed what? Ano? Tell me."

I'm so nervous. Kapag kumpirmado na sila nga ang tunay kong magulang, hihingi ako kaagad ng tawad for not realizing, and also sa pag-give up ko na wala lang 'yung panaginip ko about them.

Magsasalita na sana si tita Bianca nang masulyapan ko si Paula na naglalakad, may dala dalang bagahe mukhang naghahanap ito ng mauupuan.

Hinawakan ko ang kamay ni tita Bianca ngunit naka'y Paula parin ang aking mga mata.
"I'll be back, tita. I promise, sandali lang ito." Sabi ko saka na tumayo upang lapitan si Paula.

Sobrang bilis kong maglakad, hindi ko maatim na mawala pa siya sa paningin ko. This is an opportunity na hindi ko pwedeng pakawalan.

"Paula." Tawag ko as I grab her hand.

Halata sa kaniyang itsura ang gulat. Mukhag hindi nga niya ako ine-expect. Malamang.

"I missed you, and until now I'm still missing you kahit na kaharap na kita." Sabi ko.

Hindi siya nagsasalita, nakatungo lamang siya at namumula na ang kaniyang pisngi.

"Did you miss me?" Tanong ko.

Walang kahit na anong lumabas sa bibig niya.
"Sumagot ka naman."

"B-bakit ka nandito?" Tanong rin ang ibinato niya sa akin.
Para bang nawalan ako ng lakas sa sinabi niya.

"I am here because of you. Nandito ako kasi, gusto kitang bawiin." Hindi ko na napigilan ang umiyak.
I love her, to the point na iiyak ako sa harapan ng maraming tao para sa isang babae.

Wala akong pakealam kahit agaw atensyon na kami.

Nagsimula na rin siyang umiyak.
Hinawakan ko ang kaniyang pisngi.

"Hindi mo na ba ako mahal? Ganun ba kadali sa'yo na iwanan mo ako?"

Sobrang saya ng puso ko nang umiling siya.
Ibig sabihin ba nito hindi madali sa kaniya ang lahat at...

"Hindi na tayo pwede, ayoko na mawala ka pero..."

Hindi ko inaasahan ang kaniyang sagot. Muling bumigat ang pakiramdam ko.

"Pero ano?! Puro kayo pero! Bakit sinasaktan niyo ako? Bakit pinapahirapan niyo ako ng ganito?"

Dumampi ang kaniyang mga daliri sa aking pisngi. Pinunasan niya ang luhang tumutulo mula sa aking mga mata.

Pagpikit ko ay kasabay ng isang malakas na dagundong.
Iminulat ko ang aking mga mata. In just one click, wala na si Pau.

Si Paula, where is Paula?!

"Hang on, huwag kang bibitaw." Sigaw ni tito Bernard.

Nasa tubig na ako and I admit na mula noong bata ako ay hindi ako marunong lumangoy. Nasa itaas ng kapirasong parte ng barko si tito Bernard, pinipilit niyang hilain ako upang maka-ahon sa tubig.

Tinulungan ko ang sarili kong makaakyat doon sa tinutungtungan niya kasabay ng paghila niya sa akin pataas.

"Stay there, hahanapin ko ang mommy mo." Sabi niya't saka na lumusong sa tubig.

Naaalala ko ito, ito 'yung panaginip ko noon. (Chapter 53)
Kinabahan ako lalo dahil dalawang babae na sobrang mahalaga sa buhay ko ang nawawala ngayon.

If tito Bernard is looking for tita Bianca, pwes ko hahanapin ko si Paula.
Hindi ako pwedeng magpaka kampante rito habang ang babaeng mahal ko ay nasa bingit ng kamatayan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag tuluyan na siyang mawala sa akin.

Kaya gumawa ako ng paraan paano makalangoy.
God is really good dahil suddenly may lumulutang na styrofoam sa aking harapan. Wala na akong pake kung saan galing iyon, gagamitin ko ito mahanap lang si Paula.

"Paula!" Sigaw ko.

Ilang minuto kong kinakapa ang tubig, and at last nakita ko na siya.
Nakakapit parin siya sa palubog na barko.

"Paula!"

Napatingala siya at hindi ko rin alam kung bakit mukhang gulat na gulat siya.
Lumusong siya sa tubig at lumapit sa akin.

"Mahal na mahal kita, sorry." Sabi niya at hinalikan ako sa labi.

Ngumiti na lang ako pagkatapos niya akong gawaran ng halik. Hindi ko kasi siya mayakap dahil nakakapit ako sa styrofoam.

"Kaya mo bang lumangoy ng mabilisan?" Tanong niya sa akin at pinipilit na itulak iyong tinutungtungan ko.

"Hindi, hindi ako marunong lumangoy." Sagot ko.

Nagmake face siya.
"Kahit kelan alien ka talaga." Sabi niya habang hirap na hirap siya sa pagbitbit sa akin paalis ng lugar na iyon.

"Tama na, dito na lang tayo at hintayin ang rescue...--"

"Hindi pwede." Putol niya sa akin.
Pinagpapatuloy parin niya ang pag akay sa akin.

"Bakit? Nahihirapan ka na..--"

Akala ko ay puputulin nanaman niya ang sasabihin ko ngunit iba ang ginawa niya.
Pinagpalit niya ang pwesto namin at ilang sandali lamang e naramdaman kong may humampas na bakal sa amin. Nadaplisan ako sa ulo ngunit  si Paula ay tuluyan ng nawalan ng malay.

Randam ko ang paglubog namin sa tubig, nakatitig lamang ako sa kaniya sa ilalim ng tubig.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay nang maramdaman kong nanlalabo na ang aking paningin, ipinikit ko ang aking mga mata at mahigpit na hinawakan ang kaniyang mga kamay.

Kung hanggang dito na lang kami, at least magkasama parin kami.
I love you, my Paula.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now