Kabanata 23

1.1K 25 26
                                    

"Bakit ka ngumingiti diyan?" tanong niya.

"Kasi naman hindi kinukutsara 'yan, dapat kinakamay. Akin na nga ipaghimay kita." Sabi ko at kinuha ang plato niya.

"Tingnan mo nga 'tong pagkain mo, mukhang minurder." Sabi ko habang hinihimay 'yung manok niya.

Nang matapos ko iyon ay kaagad kong ibinalik ang plato niya.
"Ayan na, nahimay na kaya pwede mo ng kainin gamit ng mga kubyertos na hawak mo. Ang arte kasi e. Gusto mo bang mag 'eating pang mahirap lesson' tayo pag minsan?" sabi ko sa kaniya na ikinatuwa naman niya.

"Sige ba. Pero baka ibang eating naman ang ituro mo sa akin ha." Sabi nito kaya naman nahamapas ko siya sa braso.
Bastos na bata.

Pagkatapos naming kumain ay pansamantala kaming naglakad-lakad sa isang park upang agad bumaba ang aming kinain.

Magdidilim na noong marealize ko na hindi pala ako nakapag paalam kay Brad at baka pagalitan ako nun.

"Naku, Ouen mag-gagabi na. Kailangan ko ng umuwi." Nag-aalala kong sabi.

Agad naman niya akong hinatid sa bahay. Bago pa ako makababa ay hinawakan niya ang aking kamay. "Kapag pinagalitan ka ni Brad at pinagsalitaan ng masasakit, tawagan mo lang ako ako." Sabi niya at inilagay sa aking palad ang kapirasong papel na naglalaman ng kaniyang cell phone number.

"Pero wala akong cell phone."

"Nandiyan telephone number ng bahay namin. Siguro naman may telepono sina Brad." Sabi niya kaya tinanguan ko na lang siya.

"Salamat ha." Sabi ko at tuluyan ng bumaba sa sasakyan niya.

Mabilis akong naglakad at mabilis ko din nabuksan 'yung gate.

"Hoy." Muntik na akong sumabit sa gate sa sobrang gulat nang tumambad sa gilid ng gate si Brad.

"Grabe ka naman! Bigla ka nalang nanggugulat diyan!" singhal ko rito.

"Bakit ngayon ka lang?"

Kung makapag tanong kala mo naman sinabay akong umuwi!

"Kasi po, may nagmalasakit sa aking maghatid." Sabi ko habang naka ngiti ng pilit.
"'yung kasing amo ko, iniwan ako sa school at naglakwatsa." Sabi ko pa habang umiirap-irap.

"Ihahatid ka lang bat umabot ng ganitong oras?"

"Eh bakit ba tanong ka ng tanong? Kung hindi mo ako iniwanan sa school, hindi ako aabot ng ganitong oras sa pag-uwi." Sagot ko naman sa kaniya.

"Sinasagot sagot mo ako ngayon? Tandaan mo, pinapasweldo ka ng mga magulang ko hindi lang 'yun, pinapag-aral ka pa. And lastly, sinusustentuhan ng mga magulang ko pamilya mo." Sumbat niya.

"Bago mo ako sumbatan, sana ma-appreciate mo naman 'yung mga ginagawa ko dito sa bahay hindi lang sa'yo maging sa kapatid mo." Seryoso kong sagot.

"Isa pa, sasagot ako sa'yo kasi nagtatanong ka. Tanga ka ba?" Pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko na siya.

Tuwang-tuwa pa naman ako ngayon kasi may bago akong kaibigan at nakakain ako sa Mang Inasal.

Pagpasok ko sa bahay ay kaagad na tumayo si Sese na may dalang libro mula sa sofa.

"Noona, can you please help me to do my homework?" sabi nito at hinila na ako pa-upo sa sofa.

"Walang alam 'yang si noona mo. Let me help you, Sese." Presinta naman ni Kuya J at umupo pa sa tabi ni Sese.
Bali nasa gitna namin si Sese.

"Are you my noona? Obviously, NO. Stay away from me! I want my noona and not you!" galit na sabi ni Sese sa kaniyang hyung at inirapan pa ito.

"Whatever. Go eat that book with Sese, retard." Sabi ni kuya J saka na tumayo at pumanhik sa hagdan.

"Bakit naman natin kakainin 'to? Si Kuya J talaga." Sabi ko saka na tumingin kay Sese.

"Who's kuya J?" tanong naman nito sa akin.

"Sino pa? Edi 'yung hyung mong mukhang alien na toothpick." Sagot ko at umirap pa.

"Why kuya J?" tanong niya ulit. Jusmiyo na-uurat na ako sa batang 'to ha! Ano bang pake niya kung tawagin ko siyang kuya J?!

"Ibig sabihin kasi ng J ay Jak...—uh, este ano..." Shemay! Wala akong masabi at muntik ko pang masabi 'yung karumal dumal na salitang 'yun!

"Jak?"

"Ah, ano... Kamukha niya kasi 'yung artistang walang feelings si Jacklyn moko –-ay este Jacklyn Jose. Kilala mo ba 'yun?" tanong ko naman.

Magtatanong pa sana siya nung ilapat ko 'yung daliri ko sa bibig niya. "Huwag mo ng itanong kung sino siya kung hindi mo talaga kilala. Gawin na natin 'yang assignment mo. Ano ba 'yan?" tanong ko.

Pinilit kong intindihin 'yung tanong. Kaso hindi ko talaga makuha kaya naman hinintay pa naming dumating si sir Jude at siya na itong tumulong sa anak niya. Minabuti ko ng magpalit ng damit dahil asim na asim na ako sa uniform ko. Hindi na rin ako sumabay kumain kay inay Lourdes dahil busog na ako.

Nakahilata pa ako sa kama namin ni Sese nang biglang bumukas ang pintuan at naka tayo doon itong si Kuya J.

"Oh kuya J? ...—este, Brad. Bakit?"

"May iuutos ako." Sabi niya at kaagad ng na akong nilisan. Tumayo naman ako at pumasok sa kwarto niya, wala ng katok katok.

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi tayo papasok bukas ng hapon at huwag mong sasabihin kay eomma, maliwanag?" sabi nito habang naka upo sa kaniyang kama at kinakalikot 'yung cell phone niya.

"Eh bakit pati ako hindi papasok? Saan ba tayo pupunta? Magre-race ka nanaman?" Umirap siya saka tumingin sa akin.

"Wala ka ng maraming tanong sumunod ka nalang." Sabi niya.

"Eh kasi naman, wala pang isang lingggo 'yung klase may absent na nga ako." Reklamo ko.

"Ako ang bahala sa'yo. Basta kung anong sinabi ko, susundin mo. Baka nakakalimutan mo, PA kita. Personal ALALAY." Sasagot pa sana ako nang magsalita siya ulit.
"Subukan mong magsalita ulit..." huminto siya saglit. Parang nag-iisip siya ng pwede niyang panakot sa akin.

"Oh ano?"

"ire-rape kita." Seryoso niyang sabi. Napatikhim naman ako nang banggitin niya ang mga katagang iyon.

"Sabi ko nga hindi na tayo papasok bukas ng hapon. Hehehe sige papasok na ako sa kwarto ko. Maaga na rin akong matutulog." Naka ngiti kong sabi habang tinatahak ang pintuan palabas ng kwarto niya.

Grabe naman 'yun, rape agad? Pwedeng kiss na lang sana diba? Hehe ang harot ko. Pero teka, saan nanaman kaya lakad ng pashneang Kuya J na 'to?

"Noona! I want to take a bath na!" sabi niya habang palapit sa akin na naka bath robe.

"Edi maligo ka." Sabi ko naman at papasok na sana sa kwarto pero hinila nito ang aking laylayan ng damit.

"NOONA!" sigaw nito sa akin.

"Dalian mo lang ha? Kasi inaantok na ako e." sabi ko at sumunod na sa kaniya papunta sa c.r

Gustong gusto daw kasi niyang lumalapat itong makapal at rough kong palad sa likod niya. Parang ewan 'tong si Sese.

Pagkatapos naman niyang maligo ay kaagad ko ng pinatuyo ang buhok niya gamit ng blow dry saka na siya pinatulog.

Kinabukasan, nagising ako sa ingay. Ingay ni ma'am Elise.

"Paula wake up! Brad is in danger!" sigaw niya at niyuyugyog pa ako.

Alipin with BenefitsМесто, где живут истории. Откройте их для себя