Kabanata 51

1K 25 6
                                    

"Anong ibig mong sabihin?"

Ginapang ako ng aking kaba nang marinig ko ang boses ni ma'am Elise. Kaya napakabilis kong napatayo.

"M-ma'am, nandito po pala kayo. Gusto po niyo ipaghain po kita ng makakain?" Tanong ko kaagad.

"No thanks, I'm full." Pagkasabi niya ng mga katagang iyon, saka na niya inilipat ang tingin niya kay Brad.
"Brad, anak? After you eat please proceed to your father's study room, kay?"

Tumango naman si Brad bilang sagot.
Umiwas ako ng tingin kay ma'am Elise. Baka akalain niyang chismosa ako at nakikinig sa usapan ng iba.

Hindi ko naman sinasadya na mapakinggan sila e.

/flashback/

Pagkatapos kong mag-CR, saka na ako bumalik sa harapan ng kwarto ni sir Jude. Napansin kong bahagya itong nakabukas kaya naman lumapit ako sa pintuan upang isara iyon. Ngunit, hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng mag asawa.

"You must think about my situation. You will not live any longer in this world, Jude. Isipin mo nalang kapag iniwan mo ako, si Brad nalang ang meron ako." - Ma'am Elise.

Ganun na ba kalala ang sakit ni sir Jude? Naaawa ako kay Brad dahil mararanasan niya ang naranasan kong mawalan ng itay. Pero maswerte parin siya dahil may nanay parin siya tulad ni Ma'am Elise.
Maswerte din naman ako ano, dahil kahit na step daughter lang kami ni mama Sel at least hindi niya kami pinabayaan.

"Maiiwan naman si Sese sa'yo, hon. Alam ko namang magkasundong magkasundo kayo ng anak nating si Sehun." - sir Jude.

"Correction, anak mo lang. Anak mo sa labas. Sese is not my son. He is your child from that filthy woman." - ma'am Elise.

Tuluyan ko na sanang isasara ang pintuan pero natigilan ako dahil sa aking narinig.

"Don't act as if Brad is our real son, Elise!"

H-hindi nila anak si Brad? Hindi ko dapat maramdaman ito pero, kinakabahan ako.
Ako ang nakakaramdam ng sakit over kay Brad.

"Do you think I am stupid? Because you don't think I know what you've done, Elise? Akala mo, hindi ko alam na sinadya mong ipadeliver 'yung mga bulok na fruits from our farm all the way to Bernard's juice bar para lang masira sila sa akin at masira ako sa kanila?"

Si ma'am Elise ang may pakana kung bakit nagsiraan 'yung Bernard at si sir Jude. Whaaaaat!

"I saw a bunch of papers sa drawer mo. You even hired an investigator to have a background check sa mga kliyente natin."

"It's normal to know who our clients are!" Sigaw ni Ma'am Elise.

"But to the point na pati 'yung nawawala nilang anak inaalam mo? Then what? Nalaman mo na si Brad ang anak nila that's why you kept on avoiding that family." - sir Jude.

Napatakip ako ng bibig dahil iniiwasan kong makagawa ako ng kahit konting ingay.

"Ok fine! You know how devastated I am nang mawala ang totoo nating anak. And then we saw Bernard's son, they have the same age, height, lahat. Even the bracelet, do you remember that bracelet? Kaya I turn back into my senses nang dumating si Brad sa atin." - ma'am Elise.

"Hindi mo man lang inisip ang totoo nating anak. Hindi mo man lang siya hinanap. Who would have thought? Kung maaga kang bumalik sa realidad, siguro nahanap pa natin ng buhay ang anak natin. Hindi ka gumawa ng paraan bagkus inangkin mo pa ang anak ng iba."

Tumahimik sila ng pansamantala. Pero ilang saglit lamang ay nagsalita na si sir Jude.
"Sabihin mo na kay Brad ang totoo habang hindi pa ako patay. Ayokong masunog sa impyerno nang dahil lang sa kasinungalingang ito."

"But Jude, I love our son. Hindi ko kaya na mawala siya sa akin. Ina ako at alam mo dapat bilang isang magulang kung ano ang mararamdaman ko once na mawala sa akin ang pinakamamahal kong anak." - Ma'am Elise.

"Geumanhae!" Sigaw ni sir jude (stop it)

Ano daw? Ginayuma eh? O gusto niyang mane?

"Nang mawala sa airplane crash accident si Brad, ang tunay nating anak...--naramdaman mo ba 'yan? Ni hindi mo nga ito pinapansin nang buhay pa siya dahil gusto mo e anak na babae." - Sir Jude.

"Kaya nga bumabawi ako sa bagong Brad natin 'di ba? Kaya nga hanggat maaari, pinoproteksyonan ko siya."

"Kung alam mo pala ang nararamdaman ng isang magulang na nawalan ng anak, dapat maisip mo rin 'yung sakit na naramdaman ng mga magulang ni Sam." - sir Jude.

"His name is not Sam, it's Brad, ok?" Singhal ni ma'am elise sa kaniyang asawa.

"Kahit pagbali-baligtarin mo pa ang mundo, anak siya nina Bernard. Ilang taon mo siyang inilayo sa kanila the fact na alam mo kung sino ang totoong mga magulang niya. Huwag mong hintayin na si Brad pa ang makatuklas nito, dahil kapag nangyari iyon? Kamumuhian ka niya."

/end of flashback/

"Tandaan mo kung anong sinabi ko sa'yo, Brad." Habilin ng kaniyang ina bago niya lisanin ang bahay.

Napapaisip tuloy ako kung anong sinabi ni ma'am Elise kay Brad.
Magtanong kaya ako? Wala naman sigurong masama, 'di ba?

"Brad?"

Tumingin ito sa akin at hinihintay niya akong magsalita.
Nginitian ko siya saka na umiling.
Hindi ko alan kung bakit parang may pumipigil sa akin ba magtanong.

Hanggang sa pagtulog, iniisip ko parin 'yung nalaman ko.
Kung sasabihin ko kay Brad, paniniwalaan kaya niya ako? Wala naman akong ebidensya e, paano ko mapapatunayan na totoo ang narinig ko?

Pumikit ako ng mariin upang burahin sa isip ko ang tungkol doon.
Pinipilit kong huliin ang antok ko ngunit masyado itong mailap.

Kinabukasan, panay ang hikab ko dahil hindi talaga ako nakatulog ng maayos.
Kaya hindi na ako nagtaka nang punahin ako ni Miley.

"Puyat ka yata?"

Ilang segundo akong nakatitig sa kaniya, hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko 'tong pagka guilty ko sa kaniya. Naguguilty ako kasi feeling ko inagaw si Brad sa kaniya.

"Uh, medyo." Maikli kong sagot.

"Uhm, how's Brad?" Iyon ang kasunod niyang tanong.

Hindi ako nakasagot kaagad. Alangan namang sabihin kong ok lang siya 'di ba?
"Si Brad? A-ano, lagi siyang nag-aalala sa appa niya." Sagot ko.

Tumango naman siya.
"Nga pala, Brad told me na magkita kayo doon sa flag pole. May sasabihin daw siya sa'yo." Nakangiti niyang sabi bago pa siya bumalik sa kaniyang pwesto.

Aning ba 'yun? Kinamusta niya si Brad tas nagkausap naman pala sila kanina. Haays!

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now