Kabanata 60

1.1K 29 9
                                    

"Hindi naman sa lahat ng pagkakataon nasa tabi mo ako. Kailangan mong magpaka independent minsan, kasi baka biglang dumating ang araw na iwanan na kita."

"Wh-what do you mean? Iiwanan mo ako?" Tanong ko.

"Hindi, ang ibig kong sabihin... malay mo biglang dumating 'yung araw na baka bukas mamatay na ako okaya naman bigla tayong mag away tapos maisipan nating maghiwalay na 'di ba?"

Pinitik ko ang kaniyang noo.
"Minsan nakakainis 'yang pagka advance mo. We will never be apart. Ok?" Sabi ko at yumakap sa kaniya.

"Nga pala, maggrocery tayo, inutusan ako ng mama mo. Oh heto 'yung listahan." Sabi niya at dinukot ang maliit piraso ng papel sa kaniyang bulsa.

"That's a good idea, parang we are doing what a typical couple do." Sabi ko habang naglalakad patungo sa kotse.

"Ayaw mo nun? First time nating gagawin 'to." Sabi nito at nagmadaling pumasok sa kotse.

Sa supermarket, parang bata siya na nakasakay doon sa cart.
Natutuwa naman akong makita siyang nakangiti.

"Brad itulak mo ako ulit dali!" Tuwang tuwa pa ito at talaga namang ginawa niyang scooter 'yung cart.

Nakakatuwa nga dahil sa tuwing may empleyado na makakasalubong kami e ang ayos naming namimili. 'Pag alis e puro kagaguhan nanaman.
Sobrang amazed pa ako kay Pau dahil kinaya niyang buhatin 'yung dalawalang malalaking plastic kung nasaan 'yung mga pinamili namin.

"You are really amazing, my love." Sabi ko at ginulo ang kaniyang buhok.

"Ako yata si weightlifting fairy." Taas noo pa nitong sabi.

Tinatahak na namin ang daan pauwi.  We really enjoyed this day as if it's our last time.

Bigla akong binabagabag ng aking isip.

"Hindi naman sa lahat ng pagkakataon nasa tabi mo ako. Kailangan mong magpaka independent minsan, kasi baka biglang dumating ang araw na iwanan na kita."

Isa lang ang paraan para hindi na siya mag isip ng ganun.
Pagdating na pagdating namin sa bahay e kaagad ko siyang hinatak papasok ng kwarto ko. Pinindot ko 'yung lock ng pintuan para naman hindi mang istrobo sa moment namin ni Paula si Sese.

"Ano bang ginagawa mo?" Takang tanong ni Pau.

"Magpakasal na tayo, Pau." Mabilis kong sabi.

Mabilis ding dumapo ang kaniyang palad sa aking ulo. Sinapok niya ako at nakakainis 'yun!

"Ano ba!"

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Ang bata bata pa natin kung ano-ano na naiisip mo." Sabi niya at inirapan pa ako.

"Hindi na tayo bata ok? 18 na tayo for your information. Naninigurado lang naman ako na hindi ka na mawawala sa akin."

Naghalukipkip siya sa aking harapan.
"Kung hindi talaga tayo para sa isa't-isa, wala tayong magagawa dun. Huwag ka ngang praning diyan."

"Paano nalang kung bigla kang mawala sa akin? Paano nalang kung biglang hindi mo na pala ako mahal? Hindi 'yun pwede, once na pinasok mo ang buhay ko kailangan mong panindigan."

Nagmake face siya bigla. Nakakainis na 'tong babaeng 'to ha. Pasalamat siya may gwapo siyang boy friend na ayaw siyang mawala.

"Matulog na tayo." Sabi ko at hinatak siya patungo sa aking kama.
"Tatabi ka sa akin."

"Sige." Sagot niya agad at nauna pa itong umupo sa akin sa kama. Ang cute pa pakinggan kasi, parang sadya niyang pinaliit ang boses niya.

"Hindi ka ba magdadahilan sa akin? Si Sese walang kasama sa kwarto niya." Sabi ko.
I'm just wondering, hindi ko naman siya dating napapa-oo kaagad.

"Ano ba talaga? Ay ewan ko sa'yo napaka gulo mo." Saka na ito tumayo sa kama.

"No, I'm just.... ugh nevermind." Sabi ko at hinatak ang kaniyang braso.

--lumipat ng kwarto si Pau dahil magbibihis pa daw ito. Kaya naman habang hinihintay ko siya, nakatitig lamang ako sa kisame at isa pang gumugulo sa isipan ko si mommy Bianca.

Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Ano ang iniisip niya? Masakit pa kaya ang loob nito? Bukas na bukas after class dadalaw ako sa kaniya.

Umagaw ng atensyon ko si Pau nang pumasok ito sa kwarto. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mahiga na siya sa tabi ko.

"I'm worried, kay mommy Bianca." Sabi ko na nakatingin parin sa kaniya.
"It was a false alarm, akala ko anak nila ako. Kaya sana, 'yung feelings mo sa akin hindi false alarm ha?"

"Ano nanamang drama 'yan?" Sabi nito at hinawakan ang aking kamay.
"Mahal kita at sigurado ako dun." Nakangiti niyang sabi.

Wala na akong ibang sinabi pa, ginawaran ko siya ng isang matamis na halik. Hindi nagtagal gumanti na rin siya. Shit, she's turning me on.
Kaya naman napahiwalay ako ng wala sa oras.

Mukhang nagulat rin siya sa ginawa niya kaya tinakpan niya ang kaniyang mukha ng isang unan.

"Mas mabuti siguro kung sasamahan ko nalang si Sese sa pagtulog." Sabi nito at akmang babangon mula sa kama pero inunahan ko ito.

Pinigilan ko siya at iniharap sa akin. She's blushing, napangiti ako dahil napaka inosente niya.
I cupped her face at sinundan iyon ng isang mabilis na halik, pagkatapos ay isa pang mabilis na halik hanggang sa tumagal nanaman ito.

"I love you, please forgive me kapag hindi ko napigilan." I said.

"Mahal din kita." With that words, I slowly laid her on the bed.

"B-brad... a-ano kasi, natatakot ako, hindi ko alam ang gagawin ko.. uhmm.." mautal utal niyang sabi.

"It's first time too, at gusto ko ikaw ang makauna sa akin." Sabi ko while caressing her cheek.

And then next thing we know is... we are naked and gasping.
We did that thing, but during that scenario she's really unprofessional about it, she keeps on burying her face on my chest. Madalang lang niya ako titigan mata sa mata.

And up until now, I'm sure that her face is so red. Nakatalikod lamang siya sa akin, that's why I hold her waist then pull Paula closer. Mukhang hindi niya inaasahan ang ginawa ko.

"Pau, look at me." Utos ko.

Dahan-dahan naman niyang pinihit ang kaniyang sarili paharap sa akin. Sinalubong ko siya ng isang ngiti, pero siya ay nakanguso at muling tinakpan ang kaniyang mukha gamit ng kumot.

"Nahihiya ako." Mahina niyang sabi.
"Nahihiya ako, nakita mo na lahat. Nakakahiya."

I know this is awkward. Anong magagawa ko? Nagawa na namin hindi ang dapat gawin. Nawala na ako sa katinuan ko.

I have to take the responsibility, I have to make her calm.
Inalis ko ang kumot na nakatakip sa kaniya, hinahaplos haplos ko ang kaniyang pisngi.

"It's my fault, hindi ako nagpigil. You can punch me if you want, pampalubag ng loob." Sabi ko.

"Baliw ka ba? Bakit naman kita susuntukin? Nahihiya lang ako, pero hindi ibig sabihin nun e masakit ang loob ko o nagsisisi ako sa nangyari." Sabi niya at nagtago nanaman sa ilalim ng kumot.

So, hindi siya nagsisisi. What a relief!

Without hesitation, I gave my warmest hug on earth.
I will never let this girl slip away from me.

Alipin with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon