Kabanata 64

1.1K 30 6
                                    


/flashback/

Noong malaman na nila ang resulta sa DNA test, ikinagulat ko na negative ito dahil sa pagkakatanda ko... sina Mr. at Mrs. Santos ang sinasabi ni Sir Jude na tunay na mga magulang ni Brad.

Kaya nang lumabas si Ma'am Elise, binalot na ako ng aking kaba.
Nagsimula na akong mabalisa dahil iiwan ko na si Brad.

"Alam mo na kung anong pinag usapan natin." Mapanlokong ngiti pa ang iniharap niya sa akin.

"Paano ho ninyo nagawa iyon? Malinaw ang narinig ko mula kay Sir Jude na sila ang tunay na magulang ni Brad."

"Shut up, science says it all. Oops, wala ka nga palang alam."

Gustong gusto ko siyang sampalin o sabunutan, pero hindi ko iyon magawa dahil kay Brad.

"Anyway, before you leave gampanan mo ang tungkulin mo bilang kasambahay namin." Sabi niya at iniabot sa akin ang kapirasong papel.
"Mag grocery ka pagkatapos, you may leave."

Tinanggap ko iyon at yumuko. Akmang tatalikuran na niya ako nang magsalita akong muli.

"Sandali lang po."

Inangat ko ang aking ulo at tumitig sa kaniyang mga mata.
"Pwede ko po bang makasama si Brad kahit hanggang ngayong gabi lang? Bukas na bukas hindi pa sumisikat ang araw aalis na po ako."

Matagal bago siya sumagot. Pero pumayag din ito.
"Sige, ngayon gabi lang pagkatapos lumayas ka na. Wala kang babanggitin kay Brad tungkol sa pinag usapan natin."

Tumango ako bilang sagot. Kaya noong gabing iyon kahit labag sa sarili ko iyong mga ginawa namin, ipinaubaya ko na sa kaniya dahil huling pagkikita na namin iyon.
Sobrang diretso na ang isip ko noon kaya hindi ko na alam ang mga dinedesisyon ko.

/end of flashback/

"Ate, umiiyak ka nanaman?" Si Jasper  na umupo sa aking harapan.

Pinunasan ko ang aking pisngi at ngumiti sa kaniyang harapan.
"Mamimiss ko nanaman kasi kayo e. Aalis na naman si ate."

"Ate, huwag ka ng umalis. Hindi ko na kayang alagaan si Cjay, napaka kulit niya at laging umiiyak."

Ginulo ko ang kaniyang buhok.
"Mag iipon si ate, para kapag nakapag ipon na ako, hindi ko na kailangang lumayo sa inyo."

"Pwede bang sumama ako sa'yo ate?"

"Kung sobra sobra ang ipinadalang pamasahe ni tiya pwede kitang isama. Ang kaso nga lang, sakto lamang ito para sa akin."

Sumimangot siya, at ilang saglit lamang ay marahan na niyang pinupunasan ang kaniyang pisngi.

"Sige na, tapos na ako sa pag aayos ng mga gamit ko. Puntahan mo na si Cjay, at baka magising siya. Ayokong makita niya na aalis ako."

Tumango na lamang siya at naglakad na patungo sa isang silid kung nasaan si Cjay.
Iisang emosyon lang ang aking nararamdaman, sakit.
Sakit dahil muli ko nanamang iiwanan ang aking mga kapatid.
Sakit dahil wala ng pag asa pa na magkita kami ni Brad.

Isang linggo na ang lumipas, ayoko ng maghintay sa wala.

"Pau, nasa labas na 'yung tricycle na maghahatid sa'yo sa istasyon ng bus." Si mama Sel.

Huminga ako ng malalim...-- shet ang baho. 'De charot lang.
Huminga ako ng malalim at binitbit na palabas ang aking mga gamit.

Nagpaalaman na kami ng aking mama Sel at nakayuko ako hanggang sa sumakay ako sa tricycle.
Hindi na ako lumingon pa dahil ayoko  na makita ako ni mama Sel na umiiyak.
Paglabas namin sa aming kanto, biglang pumreno ang tricycle kaya naman talagang napasubsob ako sa sahig ng tricycle.

"Ninanu naka man, bap! Ot eka kalakalale, mag emote ku keni o. Makapanggigil ka tuluy laman." Inis kong sabi.
(Ano ba 'yan, manong! Dahan dahan naman, nag e-emote ako dito o. Nakakagigil ka.)

"Pasensya na madam, atin kotsi iyang ali kalakalale. Makipag race ya yata ing takneydu na." Sabi ni manong na pakamot kamot pa ng ulo.
(Pasensya na madam, napakabilis nung kotse. Nakikipag race ata ang son of a gun na 'yon.)

"Tara na nga." Sabi ko at umayos na ng upo.

Brad's POV

Mabilis kong inapakan ang break nang biglang may sumulpot na tricycle sa may kanto.

"Pare, chill. Alam kong nagmamadali tayo pero huwag naman sanang umabot na makabangga ka pa. Lalo tayong magtatagal sa ginagawa mo." Sabi ni Ouen na sapo sapo pa ang kaniyang dibdib.

Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi at nagdire diretso na ako sa pagmamaneho.

"Sa pang apat na bahay, doon ang bahay nina Paula." Sabi naman ni Paulo.

Pagkapark ng sasakyan, kaagad akong lumabas ng kotse.

"Paula!" Tawag ko sa labas ng bahay nila.

"Tao po? Paula?" Si Ouen.

"Mama Sel?" - Paulo.

"Mama mo?" - Ouen

"Hindi, pero close kami kaya ganun tawag ko. Bakit ha?"
usapan
Pinutol ko na ang kanilang usapan.
"Shut up will you?"

Inikot ko ang aking mga mata at lumapit ng bahagya sa bahay.
"Paula?"

Pumukaw sa aking atensyon iyong poso. Doon ko unang nakita si Paula, naliligo kasama ng kaniyang kapatid.
Doon din nagsimula ang naramdaman ko na pilit kong pinigilan pero hindi ko rin natiis.

"Paula?"
Ito na ang huli kong pagtawag nang may lumabas na sa bahay. And it's yayi Sel.

"Yayi." Tawag ko sa kaniya at kaagad na lumapit.
"Yayi, where is Paula?" Tanong ko.

"Kakaalis lang niya."

"Saan daw po pupunta?" Tanong naman ni Paulo.

"Sa Antique. Pinatawag kasi siya ng tiya niya doon para magtrabaho." Sagot ni yayi Sel.
"Siguradong malapit na siya sa istasyon ng bus papuntang Maynila."

"Tara na, kailangan natin siyang habulin. Pasensya na kayo yayi, kailangan ko lang talaga habulin si Paula." Sabi ko at tinalikuran na siya kaagad.

"Bakit? May atraso ba si Paula?"

"Meron po!" Pasigaw kong sagot at saka na sumakay na ng aking kotse.
Malaki ang atraso niya. Umalis siya na dala ang puso ko.

Kung hindi ko man aabutan si Pau sa bus station, susundan ko siya hanggang sa pier.

"Pare!"

Huli na nang makita ko iyong jeep na huminto.
Hindi naman gaanong malakas ang pagkakabunggo. Shit, problema nanaman ito.

Kaagad kong dinukot ang aking wallet at ibinato ito kay Ouen.

"Nandiyan ang credit card ko at lisensya. Ikaw na rin ang bahala sa sasakyan ko." Sabi ko at kaagad ng kumaripas ng takbo upang pumara ng jeep.

Mukhang walang taxi dito kaya no choice ako, kailangan kong mag jeep.
Dumukot ako ng pera sa aking bulsa upang magbayad.

"Wala ka bang barya, hijo?" Tanong sa aking nung driver.
"Ikaw palang ang unang pasahero ko, saka hindi mo ba nababasa iyang nakapaskil diyan? Barya lang PO sa umaga."

Binawi ko ang limang daan ibinayad ko sa kaniya.
"Ok manong let's have a deal. Ihatid mo ako hanggang sa Maynila; sa pier. I will give you five thousand pesos." Alok ko.

"Five thousand? Mababa 'yun hijo."

"Fine, ten thousand. Take it or leave it?"

"Sige sige. I-cash mo ha? Huwag mo akong bibigyan ng cheke dahil hindi ako sanay sa pagpapapalit."

Hindi na ako sumagot pa. Iniisip ko kung ano ang unang itatanong ko kay Paula once na magtagpo na kami.
Kinakabahan ako.

Sa kalagitnaan ng aking byahe sa mahangin at maingay na jeep na ito  e may tumawag sa akin.

"Hello?"

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now