Kabanata 28

1.1K 19 16
                                    

Hiiiii! Just plugging my new and fresh story, titled: A ROOM FOR IMPROVEMENT
THANKYOUUUUU ~ 시랑해

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Nasa harapan kami ni Mira sa mall. Nagpaalam na rin ako kay alien na nagpapasama itong si Mira sa akin. Pumayag naman siya dahil itong si Mira ay may panguso nguso nanaman sa harapan ng alien na iyon.

Binilinan naman niya ako na huwag ng magtatagal, na pagkatapos naming mamili e uuwi na ako dahil darating daw ang mga kaibigan niya sa bahay.

AT WALA SIYANG UUTUSAN!

Pashneang alien na 'yun kahit kelan feeling lumpo!
"Ang tagal naman ni kuyang mag park ng car!" reklamo niya habang hawak hawak ang aking kanang kamay.

Ilang sandali lamang ay naaaninag ko na ang gwapong nilalang na papalapit sa amin. Ang gwapo niya talaga..--- magtigil ka nga Paula! Lalo na't nandito sa Maynila si Paulo ><

"Sorry natagalan. Tara na?" Sumabit naman si Mira sa braso ng kaniyang kuya kaya bali, naka gitna siya sa amin at hindi ko mahahawakan ang kamay ni Ouen! ASAR! Joke!

"Teka, dadaan ba tayo diyan?" tanong ko nang palapit na kami sa entrance ng mall kung saan may lady guard.

"Yah, saan mo gustong dumaan? Sa exit? Are you crazy, Pau?" sabi nitong ni Mira at umirap pa.

Wala na akong ibang sinabi at sumunod na lamang. Nang ako na ang hihipuan nung lady guard, pinahinto ko ito.

"Huwag mo na akong kapkapan. Wala akong bomba at wala akong baril." Sabi ko at nilagpasan na siya.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! You're crazy!" sabi ni Mira at hinahampas hampas pa sa braso ang kuya niya. Ito naman si Ouen ay napa iling. Bakit? Tama naman 'yung ginawa ko ha! Iwas hipo 'no!

Pumasok kami kung saan napaka raming damit. Hablot lang ng hablot ng damit itong si Mira at hinahagis kundi sa akin ay sa kaniyang kuya.

"Hindi na kailangang isukat 'to. Alam ko namang babagay 'yan kay Paula dahil ako ang pumili 'no." sabi ni Mira.

"Ikaw talaga, Mira. Kapag 'yan hindi kumasya kay Paula." Sabi naman ni Ouen habang nakapila kami para mabayaran na itong mga hinakot ni Mira. Parang nainsulto ako doon ha.

"Grabe ka naman. Parang sinasabi mo na ang taba ko." Sabi ko at ngumuso pa. Bat ba? Feeling ko kasing cute ako ni Mira kapag ngumunguso e.

"Pero teka, para sa akin lahat ng iyan?" tanong ko saka naman tumango itong si Mira.

"Teka, saan ko naman gagamitin ang mga 'yan?" tanong kong muli.

"Sa bahay. Pang araw-araw mo." Sagot ni Mira. Pang araw-araw?! Seryoso?

"S-seryoso ka, Mira? 'yang mga iyan e pang araw-araw ko lang?" hindi ako makapaniwala.

"Ang dami mong keme, Pau. Basta ito na mga isusuot mo, itapon mo na 'yung mga damit mo lalo na't sigurado akong araw-araw na mamamalagi doon 'yung plastic na si Miley." Sabi ni Mira at umikot pa ang dalawa niyang mata.

"Ano bang meron? Bakit mo ipinag-shopping itong si Paula?" tanong ni Ouen sa kaniyang kapatid.

Ikinwento naman ni Mira sa kaniyang kuya ang napag-usapan nila ni Brad. Na magpapanggap kami na mag pinsan para hindi ako apihin. Noong una ay parang ayaw pang pumayag ni Ouen sa balak ni Mira ngunit ilang mapamolang salita pa ni Mira ay napanatag niya ang kaniyang kuya. Isama mo pa ang panguso nguso nitong si babae.
Tunay ngang nakakapanglambot ng puso ang ginagawang panguso nguso ng babaeng 'to.

"Ten thousand three hundred fifty po, ma'am." Naka ngiting sabi ng cashier pagkatapos niyang isa-isahin ang mga damit

Bigla namang pumalad si Mira sa kaniyang kuya.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now