Kabanata 49

1K 28 9
                                    

Sa ganiyang mukha na-in love si toothpick e. (Media)

----------------------------------------------

"You heard him, Paula. He's ok, let's go." Sabi ko saka na hinatak ang kaniyang kamay papasok ng bahay.

"Bitawan mo nga ako, susunod naman ako sa'yo kaya hindi mo na ako dapat kaladkarin."

Hindi ko siya pinakinggan hanggang sa makarating kami sa aking kwarto.
Nagtitigan kami, tila pareho kaming nagagalit sa isa't-isa.

"What have I told you? Hindi ba't ang sabi ko, huwag na huwag kang aalis." Madiin ang aking pagbitaw sa mga salitang iyon.

Hindi siya sumasagot at mas pinili niyang iwasan ang aking tingin.

"Ginagalit mo ba talaga ako? Sabihin mo kung ayaw mo sa akin para naman alam ko ang gagawin ko para magustuhan mo ako!" Hindi ko na napigilan ang hindi pagtaasan siya ng boses.

This time, tumingin na siya sa akin, with her teary eyes.

"B-bakit mo ba sinasabi 'yan? Bakit mo ba ako pinapaasa sa wala? Pinili mo na si Miley 'di ba? Ano pang pinuputok ng butsi mo?!" Sigaw na rin niya sa akin.

"Hindi ko siya pinili!" Kaagad kong sagot.

Umisding siya at naghalukipkip pa sa aking harapan.
"So, gagawin mo pang sinungaling 'tong mata at tenga ko ganun?"

What? "Ano? Wait, may sinabi ba si Miley sa'yo?" I asked.

"Wala! Wala siyang sinabi! Ano ba, bakit kapa ba nagdedeny e narinig ko na ang lahat!"

Hinilot ko ang aking sentido. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Anong narinig niya? Saan? Kailan?

"Kanina, sa rooftop." Aniya.
Hinintay ko ang kaniyang sasabihin.
"Ang sabi mo hindi ka mawawala sa tabi niya, nangako ka pa nga sa kanya hindi ba?"

"N-no. I mean, it's not what you think." Sabi ko at handang handa na akong magpaliwanag.
"Alam mo ba 'yang sinasabi mo? Ang hirap kasi sa'yo hindi mo pa ako napapakinggan e kung ano-ano ng pumapasok diyan sa utak mo."

"Oh come on, mamon." Sabi pa nito at inirapan ako.

/flashback/

"Miley, I think I was fall out of love."
With that words kaagad niya akong niyakap.

"And I am falling in to your jokes, baby. Enough na ok? Hindi 'yan nakakatuwa." Sabi niya habang nakayakap parin sa akin.

"Seryoso ako." Sabi ko at kinalas siya sa yakap niya sa akin.

"Mark Brad Cha, you know how much I love you. Alam mo ding ikamamatay ko kapag nawala ka sa akin." This time matalim na itong nakatingin sa akin.

"My heart's being confused and..." natigilan ako, iniisip ko kung sasabihin ko ba ang tungkol kay Pau.

"No! I love you, you promised. Naaalala mo? Nag promise ka sa akin na ako lang." Pagkasabi niya ng mga salitang iyon, 'yun din ang pagbagsak niya sa sahig. Crying and caressing her heart.

Linapitan ko siya at lumuhod sa kaniyang harapan. Nakayuko siya at walang humpay ang paghikbi.

"I-I love you, Mark. You know that. Why are you doing this to me? May iba ka na bang mahal? Sino?"

Hinaplos haplos ko ang kaniyang ulo.
"I'm asking for a break kasi pareho tayong masasaktan kapag pinilit natin 'yung nararamdaman natin." Sabi ko.

"Edi pilitin natin hanggang sa maramdaman mo ulit na ako ang mahal mo. You are born for me, we are meant to be." Sabi niya kasabay ng pag-angat ng kaniyang ulo.

"I'm sorry, I will always be at your side. I promise." Sabi ko at marahan siyang niyakap.
"But it doesn't mean I am staying with you is we're still together. Lagi akong nasa tabi mo so that you'll have a friend to lean on."

/end of flashback/

Here we go again, my heart's beating so fast. I grab her nape and then I gave my sweetest kiss.

Natuwa ako nang maramdaman kong gumanti siya sa aking halik.
Bahagya niya akong itinulak kaya nabitin ako.

Umiwas siya ng tingin at kinagat ang ibaba ng kaniyang labi.
Hinapit ko ang bewang niya then I pulled her closer.

"I love you." A wispher came out.

Sinuntok niya ng hindi naman ganoon kalakas ang aking dibdib at ibinaon niya ang kaniyang mukha doon.

"Napakachismosa ko kasi e." Sabi pa nito.

I hugged her as tight as I can.
Umatras ako habang yakap siya hanggang sa lumanding kami sa kama ko.

"Ano ba 'yan, gaslaw naman ng toothpick na 'to." sabi niya at tinulak ako upang makaupo siya.

Hinila ko siya pabalik kaya naman napahiga siya ulit sa aking broad chest. Oha.
"Don't you ever, ever call me toothpick."

Bumelat pa siya bago nagsalita.
"Toothpick toothpick toothpick...." Paulit-ulit niya itong sinasabi kaya pinatahimik ko siya gamit ng aking kissable lips.

Pilit niyang tinutulak ang aking ulo kaya naman pumaibabaw ako sa kaniya. Sarap talaga inisin ng engot na 'to.

Kinurot niya ako sa tagiliran kaya naman tinigilan ko siya.
"Nakakarami ka nang ungas ka ah! Tumabi ka nga, ang laswa. Tabi!"

Natawa ako sa inaasal niya kaya naman dinaganan ko siya lalo.
"Ang lambot ng kama ko." Sabi ko at sumiksik pa sa kaniyang leeg.

"Bastos ka talaga! Tumabi ka na nga, baka biglang pumasok pa si Sese at makita niya tayong nakaganito at iba ang isipin nun." Sabi niya at ngayon naman ay buong pwersa niya akong tinutulak.

"Toothpick ka lang pero ang bigat mo." Sabi pa nito kaya naman inangat ko ang aking ulo at sinamaan niya ng tingin.

"Ay hehe, macho pala. Macho." Sabi niya at pinisil pisil pa ang aking braso.
"Dali na kasi, alis na." Pagpapatuloy niya.

"Hayaan mong pumasok si Sese. Gusto mo tawagin ko pa siya e...-- SESE!" sigaw ko.

"Brad ano ba!" Pigil niya saka pa niya tinakpan ang aking bibig.

"Para makita niya si noona niya na gusto niyang maging girlfriend na nakikipag flirt sa hyung niya." Natatawa kong sabi.
"SESE...--- aaaaah!"

Napahiyaw ako nang sipain niya ang junjun ko. Namalipit ako sa kama, hawak hawak ang aking great God of hotdog.

"Ikaw kasi e! Ang tigas ng ulo mo!" Sigaw niya sa akin. Talaga namang sisigawan pa niya ako ha!

"Hindi pa nga tumitigas e, kainis. Ang sakit." Daing ko at nanatiling nakabaluktot sa aking higaan.

"Napaka bastos talaga ng bibig mo." Naramdaman ko ang paghampas niya sa aking braso pero mas randam ko ang inahing ng aking heneral.

"Brad, hijo?" Dahan dahan akong umupo sa kama nang marinig ko si yayi na tumatawag mula sa labas ng kwarto ko.

"S-si yayi." Mahina kong sabi dahil sobrang sakit parin ng ginawa niya sa akin.

Tumayo naman si Pau at pinagbuksan si yayi.

"Anong nangyari kay Brad?" Tanong nito habang may hawak na telepono.

"A-ahm, m-may sakit po siya. A-ano, nilalagnat po yata."

"Sa ginawa mo mukhang lalagnatin nga yata ako." Bulong ko habang nakabaluktot parin at iniinda ang sakit.

"Tumawag kasi si ma'am Elise, may sasabihin daw siya kay Brad."

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now