Kabanata 21

1.2K 22 9
                                    

Pagkatapos ng ilang linggong pagtitiis sa mala alieng ugali ni Brad...

PASUKAN NAAAAAAAAAA!

"I'm so excited! And I just can't hide it ~" pakanta kanta pa ako habang inilalagay ang neck tie ko. "Wieeeeeeh!" saka pa ako umikot-ikot.

"Tama na 'yang pagfe-feeling mo diyan. Bumaba ka na nang maka alis tayo ng maaga." Ke aga aga ang sungit sungit.

Syempre la akong pake kasi, ang ganda ganda ko sa uniform kooooo ~ Naka ngiti ako habang bumababa sa hagdan. Nang pumasok ako sa dining area ay kaagad akong bumati.

"Good morning po!" Kaagad din silang napa tingin sa akin at pagkatapos.... pagkatapos ay nabalik na sila sa ginagawa nila, ang kumain. Wala man lang appreciation ng beauty 'tong magpapamilya na 'to! At inaasahan ko pang magsabi sa akin na maganda ako ay si Sese! Pashnea! Sumimangot ako at tinabihan si Sese.

"Wow, very good 'yan kumakain ka na mag-isa. Pero, dapat hindi ka nakaharap diyan sa iPad mo." Sabi ko at akmang kukunin ang kaniyang iPad nang may bumusina mula sa labas.

"Sehun, your school bus is already here but you haven't finish your food." Seryosong sabi ni sir Jude sa kaniyang anak habang may hawak na dyaryo.

Hindi man lang nagpaalam sa mga magulang niya ay kaagad na tumayo ito hawak hawak ang kaniyang iPad.

"Kumain ka na, promdi. Malelate pa ako niyan e." sabi ni Brad at pinunasan na ang kaniyang bibig hudyat na tapos na siyang mag-agahan.

Hindi pa yata ako nakaka limang subo eh minamadali na niya ako. Kaya kahit na gutom pa ako hindi ko na iyon tinapos. Pagdating namin sa eskwelahan, i-pinark na niya ang kaniyang sasakyan, bababa na sana ako nang pigilan niya ako.

"Ako ang mauuna. Huwag mo akong kakausapin dito o lalapitan. Kapag tinawagan kita doon ka lumapit sa akin. Maliwanag ba?" habilin niya. Tumango naman ako.

"Eh hindi ko alam kung saang class room ako papasok, pwedeng samahan mo muna ako?"

Umikot ang kaniyang mga mata bago sumagot.

"Magtanong tanong ka na lang kung saan 'yung building sa mga junior high school. Aabalahin mo pa ako e. Sige na, sumunod ka after 10 seconds." Sabi niya at lumabas na ng sasakyan.

Hindi na ako nagbilang, pakealam ko sa ten seconds niya. Lumabas na ako kaagad at naglakad ng gandang ganda sa sarili habang naka sabit ang bag ko sa aking braso. 'yung sabit na para bang sobrang yaman at sosyal ko.

"Eksyuseme /Excuse me/" maarte kong sabi sa isang lalaki na sapalagay ko ay kasing edad ko lamang.

"Where is ano... uhm, saan 'yung building ng mga junior high school?" Tumingin siya sa kasama niya at nangiti.

"It's in the back building of the Senior High." Sagot nito na nangiti sa akin.

"Yah, yah. Pero saan 'yun to be exact?" maarte ko paring sabi.

Syempre dapat nakiki lebel, choooos! Itinuro naman nila ang direksyon. Ang babait naman pala ng mga estudyante rito e. Sigurado, marami akong magiging kaibigan dito kung sing bait nila 'yung mga naka usap ko kanina.

Nang marating ko na ang building na itinuro sa akin, napakamot ako ng ulo. Anong class room ang papasukan ko rito? Inumpisahan ko naman pasukin 'yung unang unang class room sa unang palapag. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang mga bata na nagdadasal kaya dali-dali kong isinira 'yun. Bat puro bata? Sumunod ko naman pinasok eh 'yung ikalawang class room.

"Yes? What can I do for you?" tanong ng teacher na naka upo sa harapan ng mga batang estudyante. Ngumiti naman ako rito at umiling.

Sana naman dito sa susunod hindi na puro bata ang madatnan ko. Wala ng katok katok, binuksan ko 'yung pintuan at ikinagulat ko ang nangyari... *Eeeeng EK!*

Alipin with BenefitsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora