Kabanata 47

1.1K 27 41
                                    

Miley's on the media sending you a virtual heart.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

"Ano po ba ang nangyari?" Tanong ko.

"Business partners ang papa mo at ang mahal ko. May resort ang asawa ko sa Pampanga at nagtayo siya doon ng isang juice bar and since may farm ang daddy mo, sa kanya kami kumukuha ng fruits. And then, my husband noticed na contaminated at sobrang nabubulok na 'yung ibang mga fruits. Syempre sasabihin iyon ni Bernard, pero hindi nagustuhan ng mama mo ang sinabi ng asawa ko. Kaya, nag-away sila. Ang immature 'no?" Natatawang sabi ni tita Bianca.

Bahagya akong natawa at pinagpatuloy na ang pagkain.
Bigla namang pumasok sa isip ko si engot, hindi pa pala ok 'yun.

Madali akong uminom ang tubig at pinunasan ang aking bibig.

"Miley, tita.. ahm, I have to go. May naalala po kasi ako na kailangang balikan." Sabi ko at akmang tatayo na nang pigilan ako ni Miley.

"Si Paula ba? Don't worry, she's fine with Ouen. I texted him to accompany her." Nakangiti nitong sabi.

"I told you not to text that man." Sabi ko saka na inilipat ang aking tingin kay tita Bianca.
"Kailangan ko na po talagang umalis dahil may afternoon class pa po ako."

"Oo nga pala. Hayaan mo na si Mark na pumasok, Miley. Hindi lang naman ikaw ang priority niya." Nakangiti nitong sambit.

"Fine." Sabi niya at umiwas ng tingin.

Humalik ako sa kaniyang noo saka na tumayo.
"Take care of yourself, kay?" Sabi ko rito bago pa lumakad.
Hindi naman ako sinagot nito, imbes na magpaalam siya sa akin mas pinili niyang nagwalk out.

"Hijo, wait." Lumingon naman ako. "Ipapahatid na kita." Tumango na lamang ako at sumunod sa kaniya hanggang sa kotse.

Pagdating sa school, kaagad akong nagtungo sa clinic. Pero ang sabi ng nurse ay umalis na si engot kasama ni Mr. President kuno!

Paepal talaga kahit kelan 'yang Ouen na 'yan.
Kung anong gusto ko e gusto rin niya. Kagago.

"Magpapaalam muna ako, baka kasi magalit 'yun e."
Narinig ko ang boses ni engot kaya naman lumingon lingon ako.

Namataan ko sila ni Ouen na naglalakad, mukhang pabalik na rin si engot sa classroom niya.
Hinabol ko sila at hinatak ang kamay ni engot.

"Uuwi na tayo." Sabi ko, ngunit pinigilan ako ni Ouen. Paepal talaga.
"Bitaw." I command.

"Don't you know cutting classes is one of the school's major offense?" Sabi nito.

"Did you already forget what you did to her? Kinulong mo siya sa isang locker at nasuffocate siya because of you. Kaya uuwi na siya dahil hindi pa siya ok." Sabi ko at muling hinatak ang kaniyang kamay ngunit hinatak rin ni Ouen ang kabilang braso si engot.

"Teka, teka lang." Si engot.
"Bitawan niyo muna ako pwede ba? Kastress kayo sa bangs ko ah." Sinunod naman namin ang gusto niya.

Nagpamewang siya at palipat lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Ouen.

"Ok na ako kaya hindi ko na kailangang umuwi." Sabi niya.

"NO YOU'RE NOT OK" / "SEE, WHAT HAVE I TOLD YOU?"
Magkasabay pa kami ni Ouen.

"Bakit ba hindi kayo magkasundo? Ang daming rason para maging ok kayo sa isa't-isa. First of all, 'yung pangalan niyo. MARK~" Sabi niya saka pa pinindot ng sabay ang aming tagiliran.

"Pangalawa, pareho kayo ng gusto. Madali kayong magkakasundo sa mga bagay bagay. Pangatlo at panghuli na rin..." nahinto siya, tila nag-iisip pa ng sasabihin kung bakit kailangan naming magkasundo ng lalaking 'to.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now