Kabanata 3

2.2K 42 14
                                    

Binuksan ni manang 'yung malaking kulay puti na parang aparador. Tapos, ang lamig nung binuksan niya 'yun. Hindi ko mapigilan ang mamangha. Ang sarap sa pakiramdam kapag dumampi ang malamig na hangin sa balat.

"Wala ba kayong ganito sa inyo?" tanong ni manang.

Kaya ako'y napailing.
"Mayroon lang po kami ng ano, electric fan saka radyo. Medyo nasisira na nga po e, nawawalan ng signal. Tapos nakikinood lang po kami ng T.V dun sa kapit bahay namin na may tindahan."

"Ahhh, heto ref 'to ah. Ito naman stove, ito gas stove dito nanggagaling 'yung apoy. Tapos..—" pansamantala kong pinutol ang kaniyang demo lesson.

"Uh, manang pwede po bang pakisulat sa papel tas idrawing niyo na din, para alam ko na ang itsura hehehe?" request ko.

Maya-maya'y.......
"Matagal pa ba 'yung juice ko?!!!"

Sinalinan na ni manang ng juice 'yung baso at iniabot sa akin.

"Heto naaaaaaaa!" sigaw ko.

Muli, bumalik ako sa kwarto ni Brad Pit. Dala-dala ang juice NIYA!

"O, ayan na. Ano pa bang kailangan mo? Bago ako uupo."

"Wala na. Alam mo, sa lahat ng katulong ikaw 'tong nagrereklamo sa mga utos ko." sabi niya at linalantakan ang quack quack na kinakain niya.

Sa amin may kwek-kwek. Sa mga mayayaman naman, quack quack. May tatlong bibe akong nakita. (Tawa naman kayo diyan!)

"Hoy para kang tanga. Bakit ka ngumingiti diyan?"

Panira talaga ng kaligayahan 'to e.
"Wala! Naalala ko boy friend ko!" sagot ko naman.

Haay, hindi pa alam ni Paulo na nandito na ako sa Maynila. Hindi man lang ako nakapag paalam sa kaniya. Si mama kasi minamadali ako.

Wala akong cell phone paano ko siya matatawagan? Hindi ko naman alam kung may landline ba sila dito para masabi ko naman kung nasaan ako ngayon.

Baka, pagbalik ko dun e may iba na siya. Huwag naman sana.

Mamimiss kaya ako nun? Sana mag-aral na rin siya dito sa Maynila. Kaso, ang hirap kasi sa kaniya ayaw niyang magkolehiyo.

Kahit walang nagtatanong, kaya lang naman halos magkahawig ang pangalan namin dahil 'yung namayapa kong tunay na ina at 'yung nanay niya ay magkaibigang matalik.

Pareho din kami ng kaarawan kaya sabi nila, kami na daw ang magkakatuluyan. Kaya naman, nagbunga din 'yung pagtyatyaga ng mga magulang namin upang maging matalik din kaming magkaibigan at magka-ibigan.

SHARE KO LANG!

--

Kinabukasan, ginising ako ng isang napakalakas na tunog ng busina ng sasakyan. Teka, nasa loob ako ng bahay ah. Bakit may busina?

Minulat ko ang aking mga mata at nakitang nakatutok sa akin 'yung mukhang busina ng sasakyan na ewan. Basta! Naglalabas 'yun ng malakas na tunog, parang torotot.

"Bakit po?"

'yung mataray na kasambahay nanaman 'yung nanira ng moment ko sa aking kama.

Psh! Ganito din kaya 'to kay mama nung siya pa ang nagtatrabaho rito?

"Napakatamad mo. Dapat ay alam mo ang resposibilidad mo dito sa bahay na 'to. Bumangon ka na diyan at ipaghanda mo ng agahan ang amo mo!"

Hindi naman ako nakakibo kaya wala ng ligo ligo! Wala ng sepi-sepilyo, deresto kusina na ako at nakita ang mga nakahandang masasarap na pagkain. Iniabot sa akin ni manang ang mala-tray na kahoy. Sabi niya doon ko ilalagay ang ihahatid kong pagkain sa kwarto ni Brad Pit.

Alipin with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon