Kabanata 44

1.1K 28 22
                                    

That "bleh" of Brad. Hahahaha ang cute ni toothpick diba?
ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

"Are you ok?" Alalang tanong ng tiyo niya.

"I'm fine, tito. Si Erica?" Tanong naman ni Miley.

"Ayun, nagta-tantrums nanaman." Sagot naman ng kaniyang tiya.

Bakit ba kinakabahan ako kapag kaharap ko ang tito at tita ni Miley?
Feeling ko ay may atraso ako sa kanila.

"Salamat talaga hijo at hindi mo pinapabayaan si Miley." Nakangiting sambit ng tita nito.

"Wala po 'yun."

Nakatitig lamang ako sa mag asawa. Alam niyo ba 'yung feeling na parang may connection kayo sa isa't-isa?
Siguro nang dahil kay Miley na rin.
Suguro si Miley na nga talaga.

Kasi nang magkakilala kami noong elementary, sobrang gaan ng loob ko sa kaniya at lagi niyang sinasabi na may kamukha raw ako at sobrang namimiss na niya 'yung kamukha kong iyon. Since transferee ako noon kaya naman siya palang at si Ouen ang kaibigan ko noon.

Ouen's mother and my eomma is really close. Pero sinira ng Ouen na iyon ang tiwala ko sa kaniya.

And then hanggang sa mag high school kami ay napaka clingy na niya sa akin at naging malapit kami sa isa't-isa dumating ang araw na pareho pala kami ng nararamdaman sa isa't-isa.

Pero ngayon, ano na nga ba talaga ang estado ng pagmamahal ko sa kaniya?
Parang palapit na ako sa punto ko na 'mahal ko si Miley bilang kaibigan.'
Pero sana, hindi na mangyari iyon.

"Hijo, pwede ba tayong mag-usap?" Ang tiyo naman ni Miley ang nagsalita ngayon.

Tumango na lamang ako at sumunod sa kaniya palabas ng clinic.
---sa labas, tinitigan niya ako na para bang he's scanning or something on my face.

"Uhm, s-sir...--"

"Tito, tito Bernard ang itawag mo sa akin." Naka ngiti niyang saad.

Napakamot naman ako sa batok ko, hindi ko alam kung bakit medyo naiilang ako sa kaniya.
Itatanong ba niya kung bakit ako yumakap bigla sa kaniyang asawa?

"I heard a news from your father. You are Jude Cha's son, am I right?"

Nakahinga naman ako ng maluwag sa kaniyang tinuran. Akala ko naman ay kung ano.

"Yes, I am po." Magalang kong sagot.

Napatango-tango naman siya.
"So, how is he going? Kamusta na ang papa mo? You know, I've been one of his business partner before."

"He's not doing fine." Sabi ko at napabuntong hininga.
"He has a stage 3 cancer, and eomma said it can't be cured." Dagdag ko.

"Sorry to hear that. By the way, send my greetings to him. Hindi ko alam kung may lakas ba ako ng loob para puntahan siya. Medyo we're not in good terms kasi. Nagkaproblema, kaya hihingin ko muna ang payo ng asawa ko kung kailan ako bibisita." Naka ngiti parin ito habang nagsasalita.

I wish appa is like tito Bernard. Never pa kasi akong kinausap ng appa nang nakangiti.
Mula nang maghigh school ako, lagi na lamang mali ko ang napapansin niya.

"Sige na hijo, baka nakaka abala na si Miley sa iyo. Alam kong may klase ka pa kaya kami na ang bahala sa kaniya." Sambit niya saka pa akong tinapik sa balikat.

Aayaw sana ako sa gusto niya kaso naalala ko na P.E day nga pala ngayon at magpeperform kami ni engot.
Madali akong bumalik sa classroom at wala na doon ang mga kaklase ko.
I grab my bag where my ballroom suit is.
Minadali ko ang pagbibihis saka na pumunta sa gymnasium.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now