Kabanata 8

1.7K 32 0
                                    

Pagpasok namin sa mansion ay literal na napa-nganga ako.

"Wow." Manghang-mangha ako sa mga drawing sa may ding ding at malawak na sala.

Maliit pa nga bahay namin sa probinsya sa sala na 'to e.

"Hey, promdi. Halika!" tawag nung Kimmie.

"Ako?" tanong ko at tinuro pa ang aking sarili.

"Yah! Halika dali!"

Palapit pa lang ako sa kaniya nang may humila sa likod ng shirt ko.

Paglingon ko ay si Brad na magsalubong ang kilay. Mukhang pinagsukluban ng langit at lupa ang pagmumukha ng lalaking 'to.

"Alalay kita at hindi ka pwedeng umalis sa tabi ko."

Napasimangot naman ako at bumalik sa kinatatayuan ko.

Nagawi naman ang aking tingin dun sa Travis na naka ngiti.

Nakasimangot na lumapit si Kimmie kay Brad at hinampas ang ulo nito hanggang sa kumalat ang dugo sa sahig. Charot! Tinulak niya si Brad.

"Kahit kailan napaka sama talaga ng ugali mo!" sigaw nito.

"Haay nako, JK talaga 'yan." Gatong ko.

"Anong JK?" tanong ni Travis.

"Ano, Joy Killing, 'yung basag trip." Sagot ko sa kaniyang tanong.

Ilang sandali lamang ay walang humpay silang tumawa pwera kay Brad. JK nga kasi 'yan! Tss.

"KJ 'yun, tanga. Kill Joy. Tsk." Pagtatama sa akin ni Brad.

Napakamot ako ng ulo at ngumiti pa rin kahit na napahiya ako.

"Nobody is perfecting in this world naman ah."

Akala ko ay titigil na silang tumawa nang biglang tumawa nanaman sila pagkatapos kong magsalita.

"Mali nanaman ba?" tanong ko kay Brad.

Umiling lamang ito at inirapan ako saka na pumasok sa isang kwarto.

Hindi naman pala mali e. Bakit sila tumatawa?

"I like you, I really really like you, Promdi." Sabi nung Travis.

"Hala! Kakakilala pa lang natin, like mo na agad ako? Enebeyen." Sabi ko at inilagay pa ang aking buhok sa likod ng aking tainga.

"I don't know if you are joking o talagang natural 'yun sa'yo. Pfft, hahahhaha! But one thing is sure, you are funny." Sabi nung Kimmie.

May saltik 'tong magkapatid na 'to. Nakakatakot silang kasama.

Teka, maiba ako. Eh 'yung Brad na 'yun malaki din saltik nun sa ulo e. Sabi niya huwag akong aalis sa tabi niya tas bigla iniwanan ako. Mapuntahan nga 'yun.

"Susundan ko muna 'yung maniac na amo ko. Maiwan ko muna kayo."

Mabuti ng iwanan ko 'tong mga may dinadala sa utak. Baka ako naman ang masiraan ng bait.

"Teka, what's your name?" tanong nung Travis.

Nag 'ehem ehem' pa ako bago sumagot.

"My name is, Paula Gozun I live in Balik Barangay Barangay, Barangay. But now, I'm in the Manila living. I am 18 years old and I want to be a teacher someday! Bow." masaya kong sabi saka pa ako nag bow at pumasok na sa kwartong pinasukan ni Brad Pit Alien.

Narinig ko pang nagtawanan sila, mga baliw. Pero ikinagulantang ko ang aking nakikita ngayon.

"What the fuck are you doing here?!"

Alipin with BenefitsOnde histórias criam vida. Descubra agora