Kabanata 25

1.2K 27 16
                                    

"Bitawan mo nga ako! Hindi mo naman ako kailangan kaladkarin ha!" singhal ko kay Brad na ngayo'y hatak hatak ang aking kamay papunta sa pinagparkingan niya.

"May usapan tayo. Alam ko naman na makakalimutin at tatanga tanga ka kaya inagahan ko na ang pag-alis natin."

Binawi ko ang aking kamay bago niya ito matanggal. Bwisit 'to!

"Ano?! Hindi pa ako nagtatanghalian 'no!" singhal ko ulit.

Hinahaplos haplos ko pa ang namumula kong kamay dahil sa pagkakahatak ng isang alien.

"We have to go. Miley is waiting for me." Parang nainis ako bigla noong banggitin niya ang pangalang Miley.

"Eh ano ngayon? Edi puntahan mo siya at ako naman ay kakain ng pananghalian ko. Saka may lakad kami ni Mira mamaya magde-date daw kaming tatlo nina Ouen." 'yung itsura ni Brad biglang nawalan ng emosyon.

"Bakit ka um-oo e alam mong may lakad tayo ngayon? Engot ka talaga e 'no!" aniya saka pa dinutdot ang noo ko.

"E nawala sa isip ko." Inirapan naman ako nito.

"Sumunod ka na kung hindi makakatikim ka talaga sa akin." Naalala ko bigla 'yung sinabi niya kagabi...

"ire-rape kita."

Tumakbo ako palapit sa kaniya at ngumuso. Para kasing pumapayag siya kapag nanguso ka sa harapan niya e.

"What the hell are you doing?" masungit niyang sabi. Lalo akong ngumuso sa kaniyang harapan.

Naisip ko 'yung ginawa ni Mira kanina. Biglaan akong sumakay sa kaniyang likuran.

"Please, please, please!" sabi ko habang naka nguso parin. Pinilit niyang kalasin ang dalawa kong kamay na nakapalupot sa kaniyang leeg at marahas akong ibinaba mula sa pagkakasakay sa kaniyang likuran.

"Ano bang ginagawa mo!" singhal niya sa akin.

"E diba kanina ginawa ni Mira 'yun sa'yo at napapayag ka niya." Naka nguso kong saad.

"Ikaw ba si Mira ha?! Sumunod ka na! Nabubwisit na ako!" sigaw niya sa akin saka na pumasok sa kaniyang kotse.

"Naman e!" Nakasimangot akong sumakay sa kotse niya.

"Nangako ako kay Mira na sasama ako sa kaniya mamaya." Pinaandar na niya ang sasakyan na hindi man lang pinapansin ang mga sinasabi ko.

"Braaaad ~ magagalit si Mira, hindi ako nakapag paalam sa kaniya na aalis na ako at hindi makakasipot sa kanila mamaya. Siya lang naman kaibigan ko e at ayokong magalit siya sa aki...--" naka simangot kong ngawa habang naka harap sa kaniya.

"NAKAKARINDI KA NA!" Bigla niyang inihinto ang sasakyan kaya naman nahampas ako sa kung saan ng kotse.
Hinawakan ko ang aking braso at ininda iyon.

"Ang tanga mo talaga! Imbis na kasi nagse-seatbelt ka diyan dada ka ng dada!" singhal niya sa akin.

Hawak ko parin ang aking braso at umupo ng maayos. Kung si Ouen ang kasama ko ngayon, may maglalagay ng seatbelt sa akin, hindi ako nasisigawan at hindi ako natatawag na tanga. Nanahimik ako at nakatungo lamang. Kahit na kaming dalawa lang dito sa sasakyan, feeling ko ay daig ko pa ang napahiya sa napakaraming tao.

Ilang sandali lamang ay huminto ang sasakyan, nakakarinig ako ng tunog ng eroplanong paparating at paalis. Lumabas ako sa kotse at mula sa kinatatayuan ko, nakikita ko ang mga iilang balikbayan na hakot hakot ang mga naglalakihan nilang bagahe.

"Sumunod ka." Sinundan ko siya, hindi parin ako naimik dahil iniinda ko parin ang sakit ng braso ko. Hindi ko naman ito matingnan dahil mahaba ang manggas ng uniporme ko.
Maya-maya pa ay may yumakap kay Brad.

Alipin with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon