Kabanata 59

1K 22 6
                                    

Brad's POV

Hindi ko pa nakikita ang resulta dahil hawak 'yun ni mommy Bianca.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng inasta niya, kung ilang porsyento ang nakalagay doon.

Biglang tumayo si mommy Bianca at lumabas ng silid kung nasaan kami.
Lumapit ako kay daddy Bernard ngayon ay hawak hawak ang result paper.

"What does it say?" Tanong ko.

Tumingala si daddy Bernard at maging siya ay nagpalabas ng gabutil na luha mula sa kaniyang mga mata.

"I want you to know that, whatever result you'll read please, treat Ms. Bianca as your real mom." Sabi ni eomma na lumapit sa amin ni Daddy Bernard.

Marahan kong hinawakan ang papel at bumungad sa akin ang salitang negative.
Bakit? Bakit negative? Paanong napapanaginipan ko sina mommy Bianca at daddy Bernard kung wala kaming koneksyon sa isa't isa?

"I don't understand why? Why do I keep on seeing you in my dreams." Sabi ko na ngayon ay nakatitig kay daddy Bernard.

Humarap siya sa doctor.
"Pare, hindi mo ba napalitan ang mga blood samples? Alam mong ikaw ang pingkakatiwalaan kong doctor dahil kaibigan kita hindi ba?" Sabi ni daddy Bernard.

"I am very sure, pare. Inuwi ko pa nga sa bahay iyan para masiguro na hindi mapapakealaman ng mga nurse dito." Sagot ng doctor.

Napasabunot si daddy Bernard sa kaniyang buhok at habol ang hininga nito.

"I will let the two of you talk, lalabas muna ako." Sabi ni eomma at tinapik ang aking balikat.

Umupo ako sa tabi ni daddy Bernard.
I'm so speechless.
Sumunod din sa paglabas ang doctor.

"Hindi niyo po ba susundan si mommy Bianca?" Tanong ko.

"She surely needs to be alone right now. Alam kong hindi pa niya matatanggap 'coz my wife assumed very much." Nakayukong sabi ni daddy Bernard.

"Kahit na ganun po ang naging resulta, dadalaw parin ako kay mommy Bianca. I will never let her be sad."

"Kunwari, ako si Sam." Dagdag ko.

Nagyakapan kami ni daddy Bernard and after that, napagdesisyunan naming lumabas na.
Nadatnan namin sina Pau at eomma na mukhang nag-uusap.

Nginitian ako ni eomma at itinulak si Paula papalapit sa akin.
Tinapik naman ni daddy Bernard ang aking likuran hudyat na mauuna na ito kaya naman tumango ako.

"Sige na, mauna na ako. Your appa needs me." Sabi ni eomma at kaagad na kaming tinalikuran.

Iginawi ko ang aking tingin kay Paula na kakaiba nanaman ang aura. She's wearing the same emotion again, the worried, sad..--whatever, that unexplainable emotion.

"Ok ka lang?" Tanong nito sa akin.

Tumango ako.
"Oo naman, ikaw ba? Ok ka lang?" Tanong ko at hinaplos ang kaniyang pisngi.

"Hmm, hindi e." Sagot niya at ngumuso pa.

"Why?" Sabay kunot ng aking kilay.

"Gutom ako, libre mo naman ako o?" From naka nguso, bigla itong ngumiti at lumiwanag ang mukha.

"Call! Namamayat ka na e, kaya ako na ang bahala magpapakain sa'yo ng madami. Patatabain kita ulit." Sabi ko at inakbayan na siya.

"Saan tayo kakain?" Tanong niya.

"Ako ang bahala." Sabi ko then abracadabra!
Sssshhhooooowwwwweeee (lol gayish)
dinala ko siya kung saan kami unang nag date. Haha ako lang naman ang nag-isip noon na first date namin 'yun.

"We're here!" Masaya kong sambit.
We are in front of the streetfood stalls.

Ngunit nang tingnan ko siya e hindi ang ekspresyon na aking inaasahan ang ipinakita niya.
A blank reaction, na para bang may iniisip nanaman ito.

"Pau ano ba." Sabi ko at binitawan ang kaniyang kamay.

Bumalik siya sa wisyo niya at tumitig sa akin.
"Ay! Pasensya ka na, inaalala ko lang kung may assignment ba na dapat gawin. Hehe!" Nakangiti niyang saad sabay peace sign pa.

"Ikaw talaga, think about me. Erase all your thoughts, ako lang dapat ang nasa utak mo."

Kung saan din kami naupo noon, doon kami nagpwesto ngayon.
Sa tuwing magtitinginan kami, bigla niya akong ngingitian. Para bang pinapakita niya sa akin na wala ng problema, let's just be happy. 'Yung mga ganun?

Habang nagpapahinga kami, may dumaang mama na nagtitinda ng lobo.

"Alam mo ba, noong nakikipanood ako ng t.v. doon sa kapitbahay namin, napanood ko na kapag naglagay ka ng sulat sa tali niya at pinalipad mo 'yun magkakatotoo daw lahat ng nilagay mo sa papel na 'yun." Sabi ni Pau habang nakatitig sa mga lobo.

Walang sabi akong tumayo at bumili ng lobo.
"Ballpen saka papel dali." Sabi ko at inilahad ang aking palad.

"Teka, nasa kotse mo 'yung bag ko." Sabi nito.

Iniabot ko naman ang susi sa kaniya hudyat na inuutusan ko siya na kuhanin 'yung ballpen at papel niya.
Hindi naman siya nagtagal sa pagkuha nun at kaagad itong bumalik.

"Masyado ka naman mapagpaniwala, napanood ko lang naman 'yun." Sabi niya at inilapag sa harapan ko ang isang pirasong papel at ballpen.

"Wala namang mawawala kung susubukan." Sabi ko at sumulat na.
Nang matapos na ako, I rolled the paper then I knot the paper on the balloon's tail.

"I love you." Sabi ko the moment na pinakawalan ko 'yung lobo.

Nakatitig lamang ito sa akin, biglang nagtubig ang kaniyang mga mata. Kaya noong siya ay pumikit, tumulo ang luha niya sa kaniyang pisngi.

"Why?" Tanong ko at siya naman itong yumakap sa akin.

"Itatak mo ito sa isip mo," sabi niya at tumingala upang magtagpo ang aming mga mata.
"Kahit na anong mangyari sa buhay mo o sa atin, huwag na huwag kang magpapasawalang bahala."

Tumango ako.
"I will do everything para maging ok tayo palagi."

"Hindi lang tungkol sa atin 'to, tungkol din sa'yo. Kung ok ka lagi, ok din tayo." - Pau

Hinalikan ko ang kaniyang noo.
"Basta lagi kang nasa tabi ko, ok ako."

Akala ko e tatango siya, hindi ko inasahan ang pag iling niya.
"Hindi naman sa lahat ng pagkakataon nasa tabi mo ako. Kailangan mong magpaka independent minsan, kasi baka biglang dumating ang araw na iwanan na kita."

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now