Kabanata 18

1.2K 31 20
                                    

Say 'Hi' to our engot and boblaks girl. Paula Gozun huahuahua (doon sa media)
Feeling nervous daw siya para kay kuya niyong Brad hahaha

Plug: Completed stories:
Seducing the seducer
I don't seduce, seducers
The seducer's memory

Mr. Perfect Professor
A Room for Improvement

Mon Chéri 

Thankyouuuuu ~ enjoy the chap! Mwa 😘

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

"Uy, si Brad oh! Pag cheer natin siya! GO BRAAAD!!" sigaw ko.

Bigla naman akong hinila paupo ni Ouen kaya ngayon, ang sakit sakit ng pwetan ko.

"Aray ko naman!" sinamaan ko rin siya ng tingin.

"Sira ka ba? Bakit mo siya ipagchee-cheer? Gusto mo bang nakita ka niya at magalit sa'yo 'yun?" Oo nga pala, bilin niya sa akin na huwag akong aalis sa pwesto ko kung saan niya ako iniwan. Kaya, nanatili naman akong naka upo sa tabi ni Ouen.

Maya-maya'y nakarinig na ako ng mga tilian. Tanaw ko iyong lalaki na naka tayo sa gitna ng mga malalaking sasakyan kung saan ay nakahilera din doon si Brad. Hindi ko maintindihan pinagsasabi niya basta bigla-bigla nalang nagsiandaran 'yung mga sasakyan

"Ayan na! Ayan naaaa!" sigaw ko saka ko tinulak tulak si Ouen. Ang totoo niyan, hinaharot ko lang siya. Joke!

Ikinagulat ko naman ang biglang pagtaob ng sasakyan nung kalaban ni Brad.

"Ano 'yun?! B-bakit..." tumingin ako kay Ouen na nanonood parin.
"Uy, Ouen! Nangyayari ba talaga 'yun sa mga kasali? Baka mapano si Brad! B-baka, maganun din 'yung sasakyan niya!"

"Chill, relax ka lang diyan. Kung mangyayari iyon kay Brad, kasalanan niya dahil wala siyang alam na technique kundi magdrive lang ng normal." Sagot nito habang nakatingin parin sa mga nagkakarera.

Kinakabahan ako kasi ang bilis bilis na ng takbo ng sasakyan ni Brad. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Ouen at sinundan niya ako.

"Hindi ko kayang manood ng mga ganito. Kinakabahan ako para kay Brad." Sabi ko habang pababa na dahil ang pwesto namin ay medyo may kataasan.

"Sa umpisa lang 'yan. Halika na, bumalik na tayo doon!" Nang higitin niya ang aking braso ay biglang nagtayuan ang mga manonood at nagsigawan.

Kaya madali akong nalingon kung saan si Brad. Kinabahan ako ng sobra dahil ang akala ko'y may nangyari sa kaniya, kundi panalo pala siya. Tila ba nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ako napangiti. Siguro, dahil na rin nalaman ko na ligtas siya.

"Damn it, tara na nga." Pagdating namin sa labas e tuwang-tuwa ako. Why not? PAAAK! Englishera 'to pag masaya! Ewan ko, daig ko pa nanalo e. Dinaig ko pa si Brad.

"Ngayon naniniwala na ako sa kakayahan ni Brad." Naka ngiti kong sabi saka tumabi kay Ouen doon sa inuupuan niya.

"Yah right, panalo siya kasi hindi niya ako kalaban." Sabi niya at nasense ko 'yung pagiging nega nega niya.

"At least panalo parin siya ngayon." Sabi ko ng naka ngiti. Napatayo naman ako nang makita ko na si Brad mula sa malayo palapit sa amin. 'yung masaya niyang mukha napalitan ng...

"asdfghjkl" ganiyan. Ano ibig sabihin niyan? Ewan ko.

"Brad! Panalo ka!" masaya kong bati at makikipag apiran sana sa kaniya nang lagpasan niya ako.

Alipin with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon