Kabanata 38

1K 28 2
                                    

Nawawala nanaman sa school si engot oh. Hahahaha hinahanap kayo ni PAUwer.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Tinatapik tapik ko 'yung washing machine habang minamadali ang labahin ko.

"Retard, matagal pa ba 'yan?" si alien kumakatok na. Huhuhuhu!

Nag effort pa'kong ipasok 'yung washing machine na may dryer sa loob para di niya makita ginagawa ko. Ang sabi ko kasi e pinapatuyo ko 'yun gamit ng electric fan.

"A-ano, nagloloko 'yung electric fan e kaya matagal matuyo."

"Hays, papasukin mo na ako." Sabi nito at muling kumatok.

Nagpapawis na ako ng malamig dahil patuloy niyang kinakatok 'yung pintuan.

"ANO BA, TEKA LANG KASE!" sigaw ko nang mabuksan ko 'yung pintuan.
Hindi niya ako pinansin saka tuloy-tuloy na pumasok sa loob.

"Nasaan na?"

Humarap ako sa kaniya. "A-anong nasan na?" tanong ko.

"'yung damit na pinapatuyo mo."

Dugdugdugdugdugdugdugdug 

Lumakad siya patungo sa washing machine at inangat ang takip nito. Kinuha niya 'yung damit niya na may mantsa ng putik at tumingin sa akin. Agaran naman akong na umiwas ng tingin.

"Akala ko ba pinapatuyo mo na?" kasabay ng kulog ay bigla siyang sumigaw.

"ANG ENGOT MO TALAGA!"

Tinapunan ko naman siya ng tingin.

"Anong sabi mo?" tanong ko.

"ANG SABI KO, ANG ENGOT MO!" sigaw niyang muli pero hindi ko nanaman narinig iyon dahil sumabay nanaman 'yung kulog.

Napapikit siya ng mariin. "Ang tanga mo, wala kang silbi." Aniya saka ako nilagpasan at binangga pa ako nito.
'di ko alam bakit bigla nalang tumulo 'yung luha ko. May kung anong kirot sa puso ko.

"Noona, finish –" lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Noona, why are you crying?"

"Hindi 'no, may bula kasi kanina 'yung kamay ko saka ko naikusot itong mga kamay ko sa mata ko." Sabi ko at pinunasan ko na ang aking luha.

Nagpasya ako na puntahan siya at humingi ng dispensa, ilang beses na akong kumatok pero hindi niya ako pinagbubuksan ng pinto kaya nagkusa na akong pumasok.

"Brad, sorry...--" natigil ako dahil naka talikod siya at may kausap sa cell phone niya.

"Alam ko ang responsibilidad ko sa'yo, Miley. Don't blame me!" sigaw nito saka niya binabaan.

Nagkagulatan pa kami nang humarap siya bigla sa kinatatayuan ko.
"What are you doing here?" tanong niya at humarap sa bintana ng kaniyang kwarto.

"Gusto ko lang namang...--"

"Sehun!" sigaw niya kaya naputol ang sasabihin ko.

Kaagad akong lumapit sa kinatatayuan niya upang makita ang ginagawa ni Sese. Naglalaro siya sa ulan at kumaway pa ito nang makita niyang nakatingin kami sa kaniya.

"Sese! Go back inside the house!" sigaw ni Brad samantalang ako ay nagmadaling lumabas ng bahay upang puntahan itong si Sese.

"Sese, tara na. Pumasok na tayo sa bahay." Sabi ko at pilit siyang hinihila.

"Nababasa na ako oh." Dagdag ko buong lakas na hinatak siya.

Bigla namang may humawak sa aking balikat. "Let him."

Lumingon ako at nasilayan si alien na nababasa na rin ng ulan. Magkuya nga talaga 'tong dalawa.

"Pumasok ka na nga rin, wala ka pang damit oh!" suway ko sa kaniya.
Ang engot ngumiti pa ng nakakaloko.

"Nababasa na rin naman tayo kaya i-enjoy na natin." Sabi pa nito.

"Anong nangyayare sa'yo? Kanina lang badtrip na badtrip ka sakin ah?" sabi ko.

"Kanina 'yun." Sagot niya saka pa tumingin kay Sese. "Sese, game?" tumango naman si bata.

"Taya!" sigaw ni Brad saka tinapik ang aking braso saka na sila tumakbo.

"Ano?! TEKA MADAYA KAYO!" sigaw ko at nagsimula ng kumaripas ng takbo para mahabol silang dalawa.

"Akala niyo 'di ko kayo maaabutan ha?! Champion yata ako sa larong Sili Water sa amin!" pagmamayabang ko.

"Tama na dada! 'di mo nga kami mahabol e." si Brad na mapang-asar saka pa tumawa.

Ilang hakbang na lamang ay maabutan ko na si Sese... feeling ko mapuputol na balikat ko dahil pinipilit kong abutin 'tong batang 'to.

"Magpahuli ka na Sese!" sigaw ko.

"No noona! You better RUN RUN RUN!!!!" natatawa niyang saad habang walang humpay na tumatakbo.

Sa kabilang side naman ay nakasandal lamang si Brad at natatawang nakatingin sa amin. Aba?! Chill lang?!

"Ang daya niyo ha! Ayoko na, papasok na ako." Sabi ko.

Naglakad na ako papasok nang bahay nang may humatak sa akin.

"Pikon, talo." Sabi nito.

Liningon ko siya at nakitang naka ngiti.
Totoo ba 'to? Si Brad Pit na alien na mainitin ang ulo na aswang naka ngiti?

"Bakit ka ngumingiti?" Tanong ko.

Kaagad na napawi ang ka niyang ngiti at saka pa ako inirapan.

"'To naman, anong nakaka asar sa sinabi ko at inirapan mo pa ako? Ngiti ka nga ulit." Sabi ko at finoform ng smile 'yung labi niya.

Kaso wala e, ang tigas niya. Nagsusungit nanaman ang itsura.

"Ngiti na dali na." Sabi ko at tinusok tusok pa ang kaniyang pisngi.

"O ayan, ayan." Pinilit niya na ngumiti at saka pa niya nilapit ang kaniyang mukha sa akin.

Feeling ko tumigil ang ikot ng mundo, feeling ko nga din ay tumigil ang patak ng ulan. 'yung para bang steady lang ang gabutil na ulan sa ere.

Naks! Lakas ko talaga mag imagine pag kinakabahan.
Bakit ba ako kinakabahan?

"What are you doing?"

Nabalik lamang ako sa aking wisyo nang magsalita si Sese.
Lumayo ako ng kaunti kay Brad at umiwas ng tingin. Ang init kasi ng mukha ko e. Bwisiiiit!

"We're playing staring game. C'mon let's play inside the house." Aya ni Brad sa kaniyang naka babatang kapatid.
Samantalang ako ay naiwan doon at tulala.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now