Kabanata 17

1.3K 32 20
                                    

Say hi po kay Mark Brad Cha ❤ (sa media) Since birthday ko, ayan mag uupdate ko.
Hehehe lav'yah all, enjoy.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

"Hola kumpadre!" masiglang bati ng ina ni Brad.

"Oh, kumare buti at naparito ka? Ie-enroll mo na ba si Brad?" tanong ng matanda.

"Ah n..—"

"Yes, at pati itong si engot." Si Brad na mismo ang sumagot sa tanong ng matanda at itinuro pa ako.

"Uh, y-yah... pati si Brad. -–by the way, this is Paula alaga ko. Paula, this is Mr. Leandro Fuentabella director of St. Lucy of Syracuse University." Pakilala ni ma'am Elise kaya nagkamayan kami nung matanda.

Akala ko naman ay sa mga pelikula lang ang direktor, pati pala sa mga eskwelahan e may direktor.

"So, asdfghjkl..." Puro ingles na ang pinag-uusapan nila at hindi ko na maintindihan, feeling ko dudugo na ang utak ko at ilalabas na ng ilong ko ang dugo. Gaaad!

"Thank you so much kumpadre. Kahit na Paula has lacking documents but you still accept her." – ma'am Elise

"Oh ayan, Paula. Pasensya na kung hindi ka magkokolehiyo kaagad. Kailangan kasing sumunod sa patakaran ngayong may Kto12 na. Kailangan ay mag Grade 11 and 12 ka muna bago makapag kolehiyo." Paliwanag sa akin ni Ma'am Elise.

"No problem, kumare. Regards to pareng Jude na lang." sabi nito.

Habang nasa kotse ay abot hanggang tenga ang ngiti ni ma'am habang kinakausap ang kaniyang anak.

"I'm so glad, anak. Finally mag-aaral ka na." sabi ni ma'am kaya hindi ko maiwasan ang sumingit sa usapan.

"First time po niya, ma'am?" tanong ko.

"Engot, nagstop lang ako." etong si Brad na ang sumagot.

Engot agad e, kala mo sila hindi mukhang engot kanina. Nung umaga bigla na lang sumisigaw si Brad habang tulog.

"HELP! HELP!" daw, tss!
Kani-kanina lang basta mukhang ewan si Ma'am Elise. Si Sese tatanong tanong pa alam naman pala sagot. Si inay Lourdes biglang nangta-translate ng English. Haaaay, kaurat mga tao dito.

–-pagdating namin sa mansion ng mga Cha e busy nanaman itong si Sese na kumakalikot sa iPad niya.

"By the way, Brad. You have to go to your Auntie Lolie so that you wouldn't have to rush for your uniform. Isama mo na si Paula." Nang marinig ko ang aking pangalan ay kaagad kong iniangat ang aking ulo at tumango.

Nginitian na lamang ako ni ma'am Elise at pumanhik na sa hagdan.

"Gumising ka ng maaga bukas, retard." Sabi ni Brad.

"Alam ko." pagmamataray ko naman.

"Aalis tayo, hintayin mo ako diyan." Hindi na ako sumagot pa at tumabi na lamang kay Sese na busy parin sa paglalaro ng iPad niya.

"Sese, turuan mo nga ako niyan." Sabi ko at kinakalabit siya.

"Can't you see I am playing?" ako naman itong tinarayan niya ngayon at inirapan pa.

"Bogggssh! Game over" boses robot ang narinig ko mula sa kaniyang iPad.

"Ayan! Natalo tuloy ako! This is all your fault!" sigaw niya at napaka sama pa nitong tumingin.

"Aba, kung makasigaw ka sa akin ngayon ha! Samantalang kaninang akala mo'y aalis ako bigla mong binitawan 'yan." Sabi ko naman at nagmukmok na para bang nagtatampo.

Alipin with BenefitsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant