Final Chapter pt. 2

1.8K 41 21
                                    

"He's awake!"

"Anak, don't close your eyes!"

"Brad, my baby!"

I  feel so dizzy, hindi ko na alam kung sino ang mga naririnig ko.
Ilaw sa dingding ang nasisilayan, pinipilit kong imulat ang aking mga mata pero sariling mga talukap ko na ang bumibigay.

Maraming sumasakit sa akin, marami akong daing sa katawan, kasama na pati ang aking puso.
Hindi ko alam kung bakit kumikirot ito, parang may kulang, may nawawala.

Paula...

Nasaan na si Paula? Nasaan na siya? Natatakot ako na baka hindi ko na siya makita, na baka hindi ko na siya mahawakan, na baka hindi ko na masabi sa kaniya na mahal na mahal ko siya.

Hindi 'yun pwede.

"Oxygen." Rinig ko ang kalmadong boses ng doctor.

Wala na akong maramdaman, nagmamanhid na ang buo kong katawan pero hindi ang puso ko. Wala akong ibang iniiisip ngayon kundi si Paula at si tita Bianca. Kung ligtas ba silang pareho, kung ano ng lagay nila.
Wala na akong ibang naiisip pa.

"Brad..."

"Sam..."

"Brad..."

"Sam..."

Iminulat ko ang aking mga mata, puro puno lamang ang aking mga nakikita.

"Nasaan ako?"

Inilibot ko ang aking tingin, bukod sa puno at damo wala na akong ibang makita.

Nagsimula na akong maglakad. Nasaan na ba ang mga tao dito?

"Paula!"

"Eomma!"

"Tita Bianca!"

"Miley!"

"Tito Bernard!"

"Appa!"

Walang sumagot sa akin pwera sa alingawngaw ng aking boses.
Walang sino man ang nandito, mukhang nag-iisa lamang ako sa kagubatang ito.

Ganunpaman, hindi ako nakakaramdam ng kaba.
Muli kong inikot ang buong kakahuyan, akala ko ay wala na akong pag-asa na makatagpo ng tao.
Nakarinig ako ng halakhak ng isang bata.

Naglakad pa ako ng kaunti, bawat yapak ko ay napapalapit ako sa malawak na lupain na puno ng magagandang tanim na rosas.

Napangiti ako dahil dumapo sa isip ko na bawat taong mahalaga sa buhay ko ay dadalhan ko ng mapulang rosas sa oras na makauwi ako.

Nakangiti akong napatingin sa dalawang bata, dalawang bata na naghahabulan sa mga oras na iyon.

"Excuse me?"

Sinubukan kong agawin ang kanilang atensyon.
Ngunit, tuloy parin sila sa paglalaro. Naramdaman ko bigla ang panlalabo ng aking mata.

"Kids, excuse me..--"
Natigil ako nang may lumapit na babae na mas nakatatanda sa kanila.

Naglakad sila palayo kaya naman hinabol ko sila, hindi ko pansin ang tinatakbo ko kaya ilang hakbang pa lamang ang aking nagagawa, lumusot ako sa isang butas.

"Aaaaaaah!"

Sumilip ako sa baba, sobrang dilim at hindi ko kita ang babagsakan ko sa oras na napabitaw ako.

"Help me! Tulong! Dowa juseyo!" Sigaw ko.

Pinipilit kong ihaon ang aking sarili mula sa malaking butas na ito, pero hindi ko kaya. Tila ba may humihila sa akin pababa.

Alipin with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon