Kabanata 43

1.1K 25 20
                                    

One of the girls muna si Brad. Hahahaha Brad→Miley→Paula

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

"Retard!" I called her once again.
Hindi ito bumalik kaya naman tinawagan ko siyang muli.
"Engot!"

Naramdaman ko na may pumihit ng pintuan kaya naman nakangiti ko itong sinalubong.

"Subuan mo naman ako." Nakangiti parin ako habang sinasabi ang mga katagang iyan.

Nilagpasan niya ako at umupo sa gilid ng aking kama.
Inayos niya sa pagkakasalansan ang aking pagkain. Hindi siya umiimik at parang hinihintay niya akong lumapit sa kaniya nang makakain na ako.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kaniya at saka na umupo sa kaniyang harapan.

Hindi niya ako sinagot, bagkus ay itinapat niya ang kutsara na may pagkain sa aking bibig.
Sinubo ko naman iyon at mabilis na ngumuya.

"Parang hindi masarap 'yung ulam." Sabi ko at nilunok ang pagkaing nasa aking bibig.

Walang sabi niyang inangat ang tray kung nasaan ang aking pagkain at nagtungo sa pintuan.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Papalitan ko 'tong ulam mo. Ang sabi mo kasi ay hindi masarap." Malamig niyang saad at muli na akong tinalikuran.

"Teka." Pinigilan ko ito bago pa siya makalabas ng kwarto ko.

"Bakit ka ba nagkakaganyan, ha? Dahil lang dun sa cell phone? You know what, I can buy you thousands of phone." Sabi ko rito saka pa lumapit sa kaniya.

"Ibili mo nalang ng phone 'yang sarili mo para naman hindi ka mainggit sa cell phone ko na ngayon ay sinira mo na." Malamig parin siyang nakatitig sa akin.

"Tss, nasira? Mababang quality lang naman pala ang ibinili sa'yo ng Ouen na 'yun sa'yo e. Sige, bukas na bukas I'll buy a new cell phone." Sabi ko saka na siya tinalikuran.

Ngunit natigilan ako nang magsalita siya.
"Alam mo ba 'yung salitang sentimental value? Ay, hindi mo nga pala alam kasi wala ka namang pinahahalagaan sa buhay mo. Lahat nalang kasi ng ginagawa mo at meron sa'yo e nakuha mo ng hindi ka nahihirapan."

Mapakla akong napangiti. "Ang galing mo rin e 'no? Ang galing mong mang judge." Sabi ko at muli siyang hinarap.

"Kumain ka na, lalamig lang 'to at hindi na masarap kainin." Sabi niya at nagpakawala ng malalim na hininga.
Nginitian pa niya ako bago siya lumabas ng kwarto ko. Pero 'yung ngiti niya e ngiting may halong sakit.

"What have I done?" Bulong ko sa aking sarili.

Pinili ko na lamang humiga at tanawin ang dingding ng aking kwarto.
Bakit ba ako naguguilty sa babaeng 'yun, bwisit!

Kinabukasan, napabalikwas ako ng upo nang makita ko kung anong oras na. 7:30 na at hindi man lang ako ginising ng engot na 'yun!
Minadali ko ang pagligo, pati sa harapan ng pagkain ay minamadali ko.

"Oh, bat nandito ka pa? Wala ka bang pasok, Sese?" Tanong ko habang nilalantakan iyong sandwhich.

"I don't have." Maikli niyang sagot habang nakatungo sa kaniyang iPad.

"Yayi, can you please call Paula? Male-late na po kasi kami." Pakisuyo ko kay yayi Lourdes.

"Naku hijo, nauna na siya dahil may sumundo sa kaniya. Ang sabi niya'y alam mo na daw kaya hinayaan ko na."

I took one last bite at binitawan na iyong sandwich. Niluwagan ko ang aking neck tie, dahil nababanas nanaman ako. Sigurado akong si Ouen 'yung lalaking iyon.

"Noona is mad at you." Singit naman ni Sese ngunit naka pokus parin sa kaniyang iPad.

"She's crying last night while talking with someone on her phone. She keep on saying na she misses her siblings and she doesn't want to stay here in our house." Sabi ni Sese saka pa binitawan ang kaniyang iPad.

Tiningnan ako ni Sese na parang may krimen akong ginawa.

"What did you do to my noona? She keeps on crying last night and saying "ayoko na dito, gusto ko ng umuwi." like that!"

Hindi ako nakaimik, ganun ba ako kasama sa kaniya? Ganun ba ako kawalang hiya? Maging si yayi ay napa iling sa sinabi ni Sese.

Kaya pagdating na pagdating ko sa school, dumeretso ako sa classroom ni Paula at hinintay ko siya sa labas.

"Excuse me, nasa loob ba si Paula? You know, m-my cousin. Pakisabi pinapatawag ko siya." Sabi ko doon sa kaklase niya.

Ilang sandali lang din naman ay lumabas siya. Tulad ng ekspresyon niya kagabi, blangko at mukhang kailangan kong matakot.

"Hey, hindi mo naman sinabi na may susundo pala sa'yo." Panimula ko.

"Sorry." Iyon lamang ang narinig kong sagot mula sa kaniya.

"Nga pala, P.E day natin mamaya. Memorize mo parin ba 'yung mga steps para sa ballroom? Gusto mo ipractice...--"

"Memorisado ko pa." Putol niya sa akin.

"Ahhh." Hindi ko alam kung paano ako magsosorry sa kaniya. Wala na akong maisip na pwedeng isegwey para maipasok 'yung sorry ko.

"Iyon lang ba ang sasabihin mo? May ginagawa kasi ako." Sabi nito saka na ako iniwang nakatayo sa harapan ng classroom nila.

Nasabunot ko ang aking sarili, naiinis ako sa sarili ko.
"Damn it." Bulong ko at sinipa ang pader na kaharap ko.

"Baby!"

Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang boses ni Miley.

"Uh, Miley... I gotta go, magriring na rin naman niyan ang bell. See you later." Sabi ko at akmang tatalikuran na siya nang higitin niya ang aking braso.

"Can we talk? Kasi you know, recently napaka cold mo sa akin. Ni hindi mo na nga ako tinatawagan o kahit itext man lang." Sabi nito at inirapan pa ako.

"I'm sorry, busy lang." Sagot ko.

Ang totoo niyan ay gusto ko siyang mamiss, gusto kong maramdaman ko na namimiss ko siya. But she keeps on following me, she keeps on pestering me.
Paano ko siya mamimiss sa ginagawa niya? To be honest, nagsasawa ako sa pagiging clingy niya.

"Busy sa ano? Don't tell me may iba kang babae? Look, sa oras na malaman kong may kinikita lang iba. Pagsisisihan mo." Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay bigla niyang hinawakan ang kaniyang dibdib at naupo sa sahig.

"Miley.." maagap ko itong itinayo at idinala sa clinic.

Hindi na ako pumasok pa sa klase ko at binantayan na lamang si Miley na nakaratay ngayon sa higaan.
Tinitigan ko ito at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Mahal kita, Miley. Ikaw ang mahal ko. Gusto ko na oras oras kulitin mo ako, iparamdam mo sa akin na mahal mo ako." Bulong ko.

"Hindi na kita iiwasan, baka pag lalo kitang iniwasan ay lalo lamang akong maguluhan sa nararamdaman ko."

Natatakot ako na baka biglang magbago itong nararamdaman ko at masaktan ko siya.
Baka bigla ko nalang sabihin sa sarili ko na hindi ko na siya mahal.

Napailing ako at hinawakan ng pagkahigpit higpit ang kaniyang kamay.
Si Miley lang ang para sa akin, wala ng iba.

Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay kaagad kong hinaplos ang kaniyang buhok.

"Are you alright? Padating na ang tito at tita mo." Sabi ko rito habang patuloy parin ako sa paghaplos ng kaniyang buhok.

"I'm fine, you shouldn't call them. Ok na ako na nandito ka." Nakangiti niyang saad.

Ilang sandali lamang ay dumating na ang kaniyang mga tumatayong magulang.
Mukhang alalang-alala ang mga ito.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now