Kabanata 29

1.1K 24 27
                                    

"Ano ba 'yan, bakit may tag pa itong damit mo?" sabi niya at inalis ang nakasabit sa aking bestida.

Nakatingin lamang ako sa kaniya at nagpasyang magsalita na pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"M-may problema ba? Sa ating dalawa, may problema ba?" tanong ko.

"Pinsan ka ni Brad? Akala ko ba magtatrabaho ka dito sa Maynila. Iyon ang sabi ng mama Sel mo." Pag-iiba niya. Ngunit hindi ako nagpatinag.

"Ayaw mo na ba sa akin? 'y-yung babae kanina, g-gusto mo ba siya?" tanong ko.

Nag-iwas naman siya ng tingin. "Hindi. Hindi ko siya gusto at alam mong ikaw lang ang nakalaan sa akin. Binilin ka ng inay mo sa akin, sa amin ni mama kaya hindi kita pababayaan." Ngumiti ako at niyakap siya.

"Akala ko'y ayaw mo na sa akin. Maniwala ka, ilang beses kong sinubukang tumawag sa probinsya pero hindi kita naabutan." Sabi ko habang yakap siya.

"At saka, hindi ko pinsan si Brad. Palabas lang iyon nang hindi daw ako apihin ng mga taga Maynila dahil galing ako sa probinsya at may pagka mangmang." Dagdag ko at tumingin sa kaniya. Kumalas naman siya sa aming yakapan.

"May ipapakiusap sana ako sa'yo." Mataman ko siyang tinititigan at hinihintay ang kaniyang sasabihin.

"Gusto ko sana na ilihim mo na magkakilala tayo. Alam kasi nila na anak mayaman ako." Sabi nito at nag-iwas nanaman ng tingin. Natahamik ako sa sinabi niya.

"Ang ibig mong sabihin, gusto mo ring ilihim ko na hindi tayo? N-na walang namamagitan sa ating dalawa?"

Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak o ano. Parang tumigil ng isang segundo ang pintig ng aking puso nang tumango siya. Sa isang banda, naiintindihan ko naman siya dahil maging ako ay may lihim na itinatago.

"Huwag kang mag-alala, hindi rin lalabas ang lihim niyo ni Brad." Dagdag niya na ikinayuko ko.

Ayokong makita niya na malapit na akong umiyak. Wala naman akong magagawa kundi ang um-oo. Tumango ako at naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking balikat.

"Lalabas tayo paminsan-minsan. Babawi ako sa'yo." Tila ba kahit konti ay nabawasan ang sakit na aking nararamdaman nang sabihin niya iyon kaya mabilis na nag-iba ang mood ko. 'yung ngiti ko ngayon, mas komportable na.

Lumabas na siya dala ang mga pulang lata pati na rin chichirya. Kasunod namang dumating ay si Sese.

"I heard everything." Agad ko siyang nilapitan at inaya na umupo.

"Huwag mong sasabihin kahit kanino ang narinig mo lalo na sa hyung mo, maliwanag? Kundi, mapapahamak din ako. Gusto mo ba 'yun?" Umiling naman ito saka sumagot.

"Basta, that man won't hurt you." Napa ngiti naman ako sa sinabi ni Sese.

"Magtiwala ka, hindi niya ako sasaktan. Mahal ako ni Paulo." Naka ngiti kong sabi.
Tumayo na ako at ipinaghanda ng hapunan si Sese.

Pagkatapos nitong kumain ay abala ako sa paghuhugas ng mga pinggan samantalang siya ay busy nanamang nakatutok sa kaniyang iPad.

"Hey! What are you doing here?" rinig kong sabi ni Sese kaya humarap ako.

Ngunit saktong pagharap ko ay nasa harapan ko na din ang isa sa mga kaibigan ni Brad. Naka ngisi ito at papalapit ng papalapit sa akin kaya ako ay paatras.
Naramdaman ko na ang lababo sa aking likuran kaya naman tinulak ko ito.

"Ano bang ginagawa mo?!" singhal ko sa kaniya. Bigla niyang hinawakan ang aking tagiliran kaya nasampal ko ito.

"Pakipot ka pa e." sabi niya sa akin at hinila ako ng mas malapit sa kaniya.

Alipin with BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon