Kabanata 57

1K 28 10
                                    

Ilang araw ko ng nakikitang wala sa sarili si Pau. I'm so worried about her, baka masyado niyang dinamdam ang nangyare sa kaniya noong nakaraang araw, lalo na ang mga pangungutya ng mga estudyante sa kaniya.

"Pau?" I called her.
Nasa canteen kami at hindi man lang niya ginagalaw ang pagkain niya.

Inangat niya ang kaniyang tingin.
"Tell me what's wrong. Nag-aalala na ako sa'yo." Sabi ko then I cupped her cheek.
"You lose weight, look. I can't even pinched your cheeks anymore." Sabi ko while pinching her left cheek.

"Anong tawag mo diyan? Pinipisil mo pisngi ko." Walang emosyon niyang sagot sa akin.
"Huwag kang masyadong touchy sa public, nakakahiya." Dagdag pa niya at inalis ang aking kamay sa kaniyang pisngi.

I don't know pero bakit parang may nararamdaman akong kirot sa puso ko.
Hindi na ako nagsalita after that.
Maging sa klase ay napakatahimik ko, to be honest lagi akong nagpaparticipate sa recitation pero ngayon, I don't feel na may pumapasok sa utak ko.

"Brad, is it true that you are an orphan?" Tanong ng isa sa mga kaklase kong lalaki pagkatapos ng klase.

"None of your business." Sagot ko, then I grab my bag.

"Kaya ba nagrerebelde ka at syino-syota mo 'yung katulong niyo?" Sabi nito bago pa ako makalabas ng classroom. He even laughed sarcastically with his friends na kaklase ko din.

"Alam mo pare, basta katulong malandi." Natatawa pa nilang sabi.

Binitawan ko ang aking bag at susugurin ko na sana siya ng isang malutong na suntok ngunit naunahan ako ni Paulo.
Yeah right, Paula's ex boy friend.

"What's your problem?!" Sigaw ng kaklase kong ubod ng yabang.

Hindi sumasagot si Paulo at kitang kita sa ekspresyon niyang gigil na gigil siya at handang manggulpi ng kaklase.

"Huwag mong sabihin affected ka? Bakit type mo din ba ang chimay ni Brad? Inakit ka din ba niya? Sure she did." Sabi nito while smirking.

Nagsialisan ang mga kasamahan nito. Dahil siguradong may away na mabubuo.

"Two versus one." Sabi ko at lumapit sa kanila.
Kaagad ko siyang kinwelyuhan.

"Mas malinis pa si Paula sa'yo, you moron! At walang masama sa trabaho niya." Then I pushed him dahilan ng pag-upo niya sa sahig.

Ilang sandali lamang ay may narinig kaming sigawan sa kabilang room.
At room nina Paula 'yun. Kaya kaagad akong lumipat doon, sumunod naman si Paulo sa akin.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Wala akong pakealam..--" Si Paula na naka yuko.

"SHUT UP! YOU ARE ANNOYING ME!" sigaw ni Miley na nasa harapan ni Pau.

"Hindi ka niya mahal dahil diyan sa ugali mo. At kung mamahalin ka man niya, bilang kamag-anak na lamang." - Paula.

"You stupid promdi girl!" Akmang sasapalin niya si Paula ngunit inunahan ko ito ng malakas na sigaw.

"MILEY!"

Tumiklop ang palad ni Miley at humarap sa akin.
"M-mark... s-she's saying some bad words towards me kaya natriggered ako na labanan siya. Right girls?" Sabi nito at lumapit sa akin.

Sasagot na sana ang mga kababaihan na kasamahan ni Miley but I gave them my words.
"Shut your fucking mouth." Mahina pero madiin kong sabi.

Biglang bumilis ang kaniyang hininga as if she's running out of air.
Nilagpasan ko siya at nilapitan si Paula.

"Come on." Sabi ko at hinawakan ang kaniyang kamay ngunit tinabig niya ito at tumakbo siya palabas ng classroom.

Hahabulin ko na sana siya but Miley fainted. Gusto ko mang habulin si Pau but I am holding Miley.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now