Kabanata 36

1.1K 28 14
                                    

Say hi to our two gorg ladies. Stunning with their no make up pic. Hehe Miley (left) and Paula (right)

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Ikinwento sa akin ni choco like Miley kung bakit siya nagagalit kay Brad. Dumating daw kasi ang tito at tita niya kagabi. Ang mga tumatayo niyang magulang at gusto nilang ma-meet si Brad. Sinabi na daw ni choco like Miley ang tungkol doon, um-oo naman daw si Brad pero hindi man lang daw nagpaalam kahapon na maagang aalis at may lakad itong si Brad kahapon.

Akmang sasabihin ko na kasama ko si Brad kahapon ngunit natigil ako. Ang sabi kasi niya.: "Malaman ko lang talaga kung anong totoong dahilan kung anong ginawa ni Mark kahapon lagot 'yun sa akin." Sabi niya at nanggigitgit pa ang kaniyang mga ngipin.

Tulad ng dati, sabay-sabay nanaman kaming kumain ng pananghalian sa iisang mesa. Si Brad kemerut, choco like Miley, papi Ouen at ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ako komportable dahil sa nangyari kahapon.

Bago kami maghiwa-hiwalay ng landas pagkatapos naming kumain ay may ibinilin sa akin si Ouen.

"Usap tayo mamaya ha?" sabi nito at ngumiti pa bago ako talikuran. Pinilit kong makinig sa guro namin habang nagsasalita ito sa harapan. Mahirap na baka mapalabas nanaman ako ng hindi oras.

Pero ang nakapagtataka e bakit nakapantulog itong guro namin. Naka mahaba siyang pang-ibaba na mukhang pajama na walang design at naka jacket pa siya. Baliw ba 'to? Naka jacket e tirik na tirik ang araw.

"Ok, get a partner and proceed to your locker room para makapag palit na ng P.E uniform. Afterwards, diretso na sa gymnasium ok?" Sabi ni teacher pajama saka na lumabas ng class room.

"Tayo na ang pair, ok?" sabi ni Miley at lumabas na ng class room. Binitbit ko ang bag ko kung saan naka lagay ang aking P.E uniform.

Pumasok ako sa comfort room at doon na nagbihis. Nagsasapatos na lang ako nang biglang katukin ng pagkalakas lakas ang pintuan ng cubicle kung nasaan ako.

"Teka lang diba? May tao." Sabi ko naman.

"HURRY! I'm going to pee!" sigaw niya at katok ng katok. Hindi ko pa nailalagay 'yung ikalawa kong rubber shoes nang lumabas ako.

"Isang rubber shoes nalang e." ngawa ko at ipinatong ang paa ko sa lababo nang hindi na ako yumuko upang itali ang sintas nito.

"Bakit kasi dito ka nagbibihis e may locker room naman. Retard." Sabi niya bago pa siya lumabas ng C.R.

Luh, retard daw. Halata bang probinsyana ako? Haaays! Ano ba kasi 'yung locker room na 'yun? Baka mamaya malock pa ako dun.

Bitbit ko ang gamit ko habang naglalakad patungo sa class room ngunit nang pihitin ko ang pintuan e naka lock ito.

"Hala, nilock?" sabi ko at napakamot pa ng ulo.

"Ano pang ginagawa mo dyan, Paula? Tara na!" sigaw nung kaklase ko na hindi ko naman kilala. No choice ako kundi dalhin ang gamit ko papunta sa gymnasium. Pagpasok ko dun ay parang nakakita sila ng artista sa akin.

Sobrang ganda ko ba kaya lahat sila e naka tingin sa akin? Hindi ko nalang pinansin iyon at umupo sa tabi ni choco like Miley.

"Why did you bring your things here? Bakit hindi mo iniwan sa locker room?" tanong niya.

"E naka lock 'yung class room wala akong mapag-iwanan. Anong locker room?" tanong ko rin.

Umirap siya, at hindi ko alam kung bakit. "Locker room, doon inilalagay ang mga gamit. Don't you know what is a locker?" tanong nito. Hindi ko naman alam 'yun kaya umiling ako.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now