Kabanata 56

1K 24 0
                                    

Ngayon na ang araw ng DNA test namin ni tito Bernard. Ang sabi kasi ni tita Bianca e pareho kami ng blood type ni tito, kaya ang asawa na lamang niya ang kinuhanan ng sample.

"Mabuti nalang at pumayag ka Mrs. Cha para sa test." Nakangiting sambit ni tita Bianca saka pa niya hinawakan ang aking kamay.

Ngiti lamang ang aking isinagot samantalang si eomma e naka poker face lang. Pumayag din sina eomma na ang mag asawang Santos ang kumuha ng doctor para sa paternity test.
Natatakot daw kasi sila na baka mangyare iyong napapanood sa T.V.
Sumagot naman si eomma na hinding hindi daw niya gagawin iyon dahil kampante siyang anak talaga niya ako.

"It's fine. Kuhanan niyo ng dugo ang anak ko hanggat gusto niyo, kuhanan niyo ng laway, lahat. But I assure you that he is my son." Sabi ni eomma at hinawakan nito ang aking kabilang kamay.

Tiningnan ko si Paula na kanina pa walang imik. Naka tulala lamang siya sa sahig at mukha talagang may bumabagabag sa isip niya.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kaniyang kamay.
"Ano bang problema? Noong isang araw ka pa ganiyan." Sabi ko.

Tumingin naman ito sa akin. Nagdadalawang isip ba siyang sabihin sa akin kung ano ang problema?
"Si Miley ba? May ginawa ba siya sa'yo o sinabi?"

"I heard my name." Si Miley na naka upo sa tabi ni Tita Bianca.

Umiwas ng tingin si Paula at umiling.
"Masama lang ang pakiramdam ko." Sabi nito at binawi ang kaniyang kamay mula sa aking pagkakahawak.

"Ganun ba? Sandali na lang tayo rito at uuwi na rin tayo niyan. Hinihintay na lamang na matapos si tito Bernard."

Tango lamang ang kaniyang isinagot sa akin.
Kumain naman siya kanina, sabay pa nga kami e. Bakit naman kaya sumakit ang pakiramdam niya?

Ilang sandali lamang ay lumabas na si tito Bernard sa testing room.
Napagpasyahan namin na umuwi na pagkatapos ng sandaling diskusyon ng doctor.

"Diretso ka muna sa appa mo bago umuwi ha?" Sabi ni eomma bago sumakay ng kaniyang kotse.

"Where is Miley? May meeting pa ako at kailangan na nating magmadali." Si tito Bernard.

"I'm sorry, nag C.R lang ako, tito." Nakangiting sabi ni Miley saka na sumakay ng kotse.

Samantala, nakangiting lumapit sa akin si tita Bianca.
"I'm so excited for the result. From now on, I want you to call me mom. Ok?"

Kasabay ng paghaplos ni tita Bianca sa aking pisngi, nagsalita si tito Bernard.
"And so I am. I know and I can feel that you are our long lost Sam. Daddy na ang itatawag mo sa akin."

Tumango ako. "Yes mommy." Kasabay ng paglipat ko ng tingin kay mommy Bianca.
"Daddy." Then to my Daddy Bernard.

Ilang segundo rin kaming nagyakapan.
Ibang feeling ang nararamdaman ko, para bang nagtatatalon ang puso ko sa tuwa sa tuwing magyayakapan kaming tatlo.

Bumaba ang salamin ng bintana sa kotse kung nasaan si Miley.
"Tito, I thought you have a meeting? Let's go." Aya niya.

"Paano, mauna na kami. I'll call you kapag nandiyan na ang result." Sabi ni daddy Bernard bago sumakay sa sasakyan.

"Please visit the house kapag may free time ka. I'd love to have a bond with you, anak." - Mommy Bianca.

Hearing her calling me anak makes me feel loved.
Kaya tumango ako kaagad without thinking it twice.

"Dadalaw talaga ako, mom. Gusto ko ring makabonding si Erica." Sabi ko.

Isang mahigpit na yakap ang aming pinagsaluhan bago sila umalis.
Pagpasok ko sa kotse, same atmosphere, same aura parin si Paula.
Tahimik at parang may malalim na iniisip.

"I'm worried." Sabi ko at sumandal sa upuan.

"Ha?"

"I'm worried on what you are thinking. Hindi ko ba alam kung iniisip mo kung mahal mo ba talaga ako? O iniisip mong napaka gwapo ng boy friend mo...--"

"Bakit mo kaagad binitawan si Miley? Bakit... ang dali sa'yo na iwanan siya?" Putol niya sa akin.

Hindi ako kaagad nakasagot sa kaniyang tanong.
Ano nanamang pumasok sa isip ng babaeng 'to?

"Naaawa ka kay Miley?" Tanong ko.

"Huwag mo akong sagutin ng tanong din." Walang emosyon niyang sagot.

Napabuga ako ng marahas na hininga.
"Of course, because of you. Bibitawan ko lahat para sa'yo." I answered.

"So, kung hindi mo na ako mahal at may iba ka nanamang mahal ganun din ang gagawin mo sa akin? Tulad ng ginawa mo kay Miley?"

This is so frustrating.
"Iyan ba ang iniisip mo kanina pa? You know what, I love you and that is the most important thing right now. Bakit mo iniisip kaagad iyan kung pwede namang gawin natin ang lahat to keep each other." Sabi ko at hinawakan ang kaniyang kamay.

Bigla siyang ngumiti, pero ibang ngiti. Para bang mapaklang ngiti ang ipinapakita niya. Parang isang ngiting napakasakit.

"Nagtatanong lang ako. Masyado mo namang sineseryoso." Sabi niya while wearing her unfamiliar smile.

Nakatitig lamang ako sa kaniya and she keeps on smiling in front of me.
Hindi ko alam kung nagpapanggap lang siya o hays! Kinakabahan ako.

"Umuwi na tayo, sigurado akong hinahanap na ako ni Sese." Sabi nito at umayos na ng upo.

I started the engine at nang makauwi kami e naalala kong kailangan ko palang puntahan ang appa.
Kaya, kahit na kakauwi ko palang e umalis ulit ako.

Sa hospital, nadatnan ko si eomma na nasa labas ng kwarto at mukhang may kausap sa cell phone niya.
Pero nang makita niya ako ay kaagad niyang binaba ang tawag.

"Brad, anak." Salubong sa akin ni eomma at kaagad niya akong binigyan ng isang yakap.

"Appa eodi eyo?" (Where is appa?) Tanong ko.

"Ah yes, your dad is not accepting visitors right now. Medyo masakit daw kasi ang loob niya because you doubt him as your father, at sa ex business partner mo pa siya ipinagpapalit." Eomma said.

"Hindi 'yun sa ganun. I'm just clarifying everything, but it doesn't mean that I am replacing appa. Gusto ko lang masagot ang sarili kong mga tanong. Nasa kwarto ba siya? I want to talk to him." Sabi ko at akmang papasok na sa kwarto nang pigilan ako ni eomma.

"Huwag ka na munang pumasok, anak. Baka lalong sumama ang pakiramdam ng appa mo kapag in-open mo pa sa kaniya ang tungkol sa mag asawang 'yun." Pigil ni eomma.

Bumagsak ang balikat ko, hindi ko naman gustong isipin ng appa na pinagpapalit ko na kaagad sila.
Ano naman kung hindi nila ako tunay  na anak?

Kung ang resulta man ay postive na sina mommy Bianca at daddy Bernard nga ang tunay kong mga magulang, hinding hindi ko iiwan si eomma dahil alam kong magdadamdam siya at isa pa, appa is in a critical situation right now and I know mom needs a son to lean on.

Siguro, bibisita lang ako sa kanila kung sakaling anak man nga nila ako. But I will never leave my eomma, siya ang nagpalaki sa akin. That is why she deserves me to be with her.

"Don't leave, Brad. You know how much I treasure you, agiya." Sabi ni eomma kasabay ng isang yakap.
Isang yakap na mararamdaman mo talaga na hindi ka kayang pakawalan.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now