Kabanata 22

1.1K 25 0
                                    

"Take a sit." Naka ngiting saad ng aking guro.

Naglakad na ako patungo doon sa bakanteng upuan sa may likuran nang harangin ako nung babae na kaklase ko.

"You can't sit beside me. This chair is already reserved."

Hindi ako naka imik dahil: Unang una sa lahat, English! English mga 'te! Pangalawa, ang bilis niya magsalita plus English ulit. At pangatlo, ENGLISH language po 'yun!

Bigla namang may humila sa akin. Pati bag ko ay hinatak niya at inilagay sa isang bakanteng upuan. Umupo naman ako doon.

"Salamat, ha." Sabi ko naman doon sa babaeng humatak sa akin.

"No problem! I am Ouie Mira Montecierra all spelled with a vowel and yah heard it right from my surname, I am Ouen's little cute sister. As in Ouen Mark Montecierra." Naka ngiti niyang saad.

"Ok, Mira... let's finish first what we are doing. Recess break niyo na rin naman niyan." Sabi ng aming guro.

"Yes, teacher!" Pagkatapos ng period ni Mrs. Payumo, wala na siyang mens. Charot lang! Pagkatapos ng second period, hinila ako Mira palabas ng class room.

Sa tuwing magsasalita siya, para akong may kausap na bata. Kahit na may klase kami, daldal parin siya ng daldal sa akin. Maging sa pagkain namin ng lunch.

"You know what, kaya lang naman kita in-approach 'coz I think you and my brother has what this called chemistry. You know what I mean?" sabi niya saka sumubo sa kaniyang pagkain.

"Subject 'yun diba? Paano naman naging related sa amin ni Ouen 'yung Chemistry?" tanong ko.

"Whatever, saan ka ba galing at parang bago ang mga bagay bagay sa'yo? Mukha kang taong bundok." Chill niyang sabi sa akin.

Napakamot naman ako ng ulo. May nanganganak nanaman atang kuto. Haay!

"Isang buwan palamang ako rito sa Maynila at hindi ako gaanong nakakaintindi ng ingles. At isa pa, hindi ako taong bundok malapit lang sa bundok 'yung bahay namin. Sa kapatagan kami."

"Oh! Probinsyana ka! Woooow!" Kung maka react naman siya ngayon parang ngayon lang nakakita/nakakilala ng probinsyana.

Tumango naman ako.

 "Nga pala, paano mo nakilala si kuya?" tanong niya.

"Mahabang kwento, mabuti pa itanong mo nalang sa kaniya." Sagot ko.

Hindi ko pa nga naumpisahang kainin itong linibre niya sa akin dahil salita siya ng salita. She's distructing me. O pak gumaganon, english 'te!

"Okay." Sagot naman niya.

Natapos ko naman ang pananghalian ko at mabuti na lang at tumigil siya sa kaka-dada.
Habang hinihintay naming mag ring 'yung bell, naupo muna kami doon sa upuan sa ilalim ng puno. Mula sa kinauupuan ko, napatayo ako nang may makita akong pamilyar na mukha.

"Paulo..." sabi ko at dali-daling naglakad papunta doon sa lalake na naglalakad.

"Pau! Wait!" - Mira

Nawala 'yun sa paningin ko pero agad ding nahagilap ng mata ko ang lalaking aking hinahanap. "Paulo!" tawag ko at hinila ang kaniyang braso ngunit pagharap nito sa akin ay hindi ito ang taong aking inaasahan.

"S-sorry." Hinging pahumanhin ko at binitawan na siya.

"Uy, Pau! Sino bang tinatawagan mo?!" tanong ni Mira sa akin nang maabutan na ako nito.

"Ah, wala. Akala ko lang 'yung kakilala ko." Sagot ko habang nakatingin sa kawalan.

Siguro, namimiss ko lang talaga siya. Namimiss ko lang talaga si Paulo.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now