Kabanata 24

1.2K 29 14
                                    

"Paula wake up! Brad is in danger!" Kaagad akong napa bangon sa aking higaan nang marinig ko 'yung 'Danger' Waaaaaaaah! Andito ba BTS ha?! Seok jiiiiiiiiiin! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Chos lang. 

Kaagad akong lumipat ng kwarto at nakita si sir Jude na tinatapik ang pisngi ng anak niya. Sa palagay ba niya magigising 'yang tulog alien na 'yan sa patapik tapik lang?!

Kumuha ako ng kalahating tubig sa timba at ibinuhos iyon kay Brad maging si sir Jude ay nabasa. Napabalikwas naman sa upo si Brad at hingal na hingal.

"Brad!" kaagad na sinugod ni ma'am Elise ng yakap ang kaniyang anak.

"Why does hyung is like that? Is he going to die?" tanong ni Sese kaya naman nasapok ko siya na hindi naman ganoon kalakas.

"No he's not, Sese!" singhal naman nitong si ma'am Elise kay Sese. Ayan, nasigawan ka tuloy.

Sa pangalawang pagkakataon, nabuhusan ko nanaman ng tubig si Brad. Sa itsura niya ngayon para siyang binabangungot kanina. Bat 'di pa kaya natuluyan 'to?! Joke! Kahit na sobrang pashnea niya, ayoko namang mamatay siya.

Sa kotse, hindi umiimik si Brad. Syempre 'di ako makatiis, nabibingi ako sa sobrang tahimik.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Binabangungot ka ba?" tanong ko.

"It's none of y'ar business." Sagot niya. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Feeling ko ininsulto nanaman ako nito e, kaya hindi na ako nagsalita pa ulit hanggang sa makarating kami sa school.

"1pm, dito mismo. Kapag wala ka pa rito, alam mo na." sa tono ng pananalita niya, kusang tataas ang mga balahibo ninyo. Kaagad na rin akong lumabas ng kotse.

Pagkasarado ko sa pintuan... "PAU!" feeling ko naman ngayon, basag na ear drums ko.

"Ano ba 'yan, Mira. Kainis 'to." Sabi ko at kinalikot ko ng daliri ko ang loob ng tenga ko. Dugyot ba?

"Ikaw ang nakakainis! Nagpapatulong akong mag shopping sa'yo kahapon ayaw mo tas ikinwento sa akin ni kuya kagabi sa akin na lumabas kayo! Ang unfair mo ha! May HD ka nga talaga kay kuya!" ngawa niya at iniirap-irapan pa ako.

"Anong HD?"

"Hidden Desire! May gusto ka kay kuya ano?!" sabi niya at tinutusok-tusok pa ang tagiliran ko.

"Uy, wala ha. May boy friend ako." Sabi ko at pinahinto na siya.

"Weeeeee?" Bat ba ganyan maka react 'tong mga taong 'to! Ayaw maniwala na may pumatol sa byuti ko! Kaka-insulto, in fairness.

Andami kayang nagkakandarapa sa akin sa probinsya! Basted nga lang dahil si Paulo lang talaga ang nakapag tibok ng puso ko. Yaay!

"Meron nga, tanda mo ba 'yung nabanggit ko sa'yo? Si Paulo? Siya 'yun, boylet ko 'yun!" sabi ko.

"Akala ko imaginary friend mo lang iyung si Paulo at akala ko rin ang boy friend mo ay si kuya Brad. Kasi lumabas ka from his car." Sabi niya at pasulyap sulyap pa sa sasakyan ni Brad.

"Hindi ba nabanggit ni Ouen sa'yo? Katulong ako nina Brad." Sabi ko.

"What?! Seryoso?! Grabe!"

"Idol na kita, Pau!" Napapakamot na lamang ako ng ulo sa mga pinagsasabi nito.

"Bakit mo naman ako naging idol? Artista na ba ako?"

"Hindi baliw! Kasi wala kang katakot-takot na isiwalat na katulong ka lang." sabi niya sa akin habang naglalakad na kami.

"Eh bakit ko naman itatago? Marangal na trabaho naman 'yun, at proud ako sa trabaho ko." Sabi ko habang gandang ganda sa sarili ko. Bwahahah

"I like you so much na!" sabi niya at sumabit sa aking braso.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now