Kabanata 15

1.3K 32 4
                                    

Brad's POV

Nagising ako sa sobrang init, pesteng aircon kasi 'to biglang nagloko. Bumangon ako at tumambad si engot na naka upo sa sahig at nakasandal sa aking kama. Sarap na sarap sa pagtulog.

"Retard ka talaga, pwede ka namang matulog sa mini sofa." Sabi ko saka na siya binuhat papunta sa mini sofa at kinumutan na rin siya.

Don't get me wrong, I don't have any feelings to this taong bundok. Miley owns my heart. I am Miley's property and nothing's gonna change that.

Bumalik na ako sa higaan ko at sakto namang magriring ang aking telepono.

"Hello?"

"Did I wake you up?"

Napangiti ako nang marinig ko ang kaniyang boses sa kabilang linya.

"No, and if you are the reason why I am awake... it's ok. You know how much I love you." Sabi ko sa kaniya habang may ngiti sa aking labi.

Miley has a severe heart failure. I told my self that I will never break her heart. I am her life... that is why I will stand up on what I promised to her.

"Hey, I'm asking you. Still there?"

Nabalik lamang ako sa aking wisyo nang gisingin ako ng napaka lambing niyang boses.

"Ah, oo. Anong oras na bakit gising ka na agad?" tanong ko.

"Malamig e. Hindi ako makatulog at saka I have something to tell you." Sabi nito kaya hinintay ko na lamang siyang magsalita.

"I'm going home and I will study with you. Gusto ko, mag-aral ka rin. Gusto ko ikaw ang kasabay ko sa pagpasok. I will be definitely inspired if I'm with you."

Huminga ako ng malalim at sumagot.

"Fine. Basta tawagan mo ako kapag uuwi ka na para naman masundo kita."

We just talk and talk and talk. Naramdaman ko na rin sawakas ang antok ko at pumayag naman siya na matulog na ako.

Nang maipikit ko ang aking mga mata ay may naaaninag akong babae na naka tayo sa aking harapan.

"Who are you?" tanong ko rito.

"Sam! Come here Sam!"

"Mommy!"

Nakita ko ang aking sarili. A toddler version of me. Lumapit ako dun sa babaeng tumawag sa akin na Sam.

Why Sam?

"Bakit niya ako tinawag na Sam?" bulong ko sa aking sarili.

Nakakagulat lang dahil biglang nag-iba ang setting. Nasa loob kami ng kotse.

"Hindi kasi pwede, Sam. Don't you know eating junk foods will 'cause your tummy ache? Magkaka worms 'yung tummy mo nun. Gusto mo ba 'yun?" sabi nung babae.

"Really?! I want worms!"

Napa ngiti ako nang sabihin iyon ng batang ako. I really don't like worms I mean, I totally don't like worms.

Kumurap lang ako ng minsan ay biglang nag-iba nanaman ang nasa paligid.

Sa food cart na puno ng street foods, naaaninag ko ang batang version ko at iyong babae. Sino ba itong babae na 'to? Wala akong naaalala na pumunta kami sa ganitong lugar ni eomma at never ko siyang tinawagan ng 'mommy'.

Lumapit ako at tinangka kong hawakan ang kaniyang balikat nang may tumawag sa aking pangalan .

"BRAD!"

Kaagad akong lumingon. Wala ng tao sa paligid at puro puti na ang aking nakikita. Muli kong inibaling ang tingin sa babae nang mawala na ito.

"Hello?" kasabay nun ang pag echo ng boses ko sa paligid.

Naramdaman ko ang pag-out of balance ko, ako ngayon ay lumulutang na sa ere. Mula sa malayo ay tanaw ko ang eroplanong pabagsak na sa karagatan.

"HELP! HELP ME!" sigaw ko nang biglang...

*splash!*

Pagkamulat ng aking mga mata ay una kong nasilayan si retard na naka tayo sa harapan ko at may hawak na timba.

"What the fuck did you do?!" sigaw ko sa kaniya.

Nakatayo lamang siya at walang kibo. Tila malapit na itong umiyak dahil sa mga luha niyang nangigilid sa kaniyang dalawang mata.

"You are acting weird, retard. Look what you've done, basang-basa..—"

Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang sugurin niya ako ng yakap.

Nagulat ako sa ginawa niya kasi bigla na lang siyang umiyak habang nakayakap sa akin.

"Bumitaw ka na nga, bat ka ba umiiyak? Mukha kang tanga." sabi ko at inialis siya sa pagkakayakap sa akin.

Pinunasan niya ang basa sa kaniyang pisngi at suminghot pa ng uhog bago nagsalita. Hindi ko tuloy mapigilan ang ngumiwi.

"Kasi, pumasok ako sa kwarto mo para gisingin ka kasi mag-aagahan ka na tapos bigla kang sumigaw ng "HEEEELP!"" sigaw niya. Feeling ko nabasag eardrums ko dun.

"Tapos niyuyugyog kita ayaw mo magising nagpanic na ako kaya binuhusan na kita ng tubig." Dagdag pa niya.

"Oh, bakit ka umiiyak?" tanong ko.

Ewan ko ba bat natatawa ako ngayon sa kaniya. I can't help to say that she's cute, pero mas cute si Miley.

"Syempre nag-alala ako 'no."

Parang biglang sinipa ang puso ko nung sabihin niya 'yun.

"Nag-alala ako na baka mawalan na ako ng trabaho kapag nabangungot at namatay ka. Wala na nun akong lumpong hindi naman disable na alaga gaya mo. Ano na lang ibubuhay ko sa mga kapatid ko lalo na ngayon may sakit si mama Sel, diba?"

Ok na sana dinagdagan pa e. Akala ko naman may nag-aalala talaga para sa akin bukod kay Miley. Sus!

"Edi si Sese alagan mo kung mamatay man ako. Pareho naman kayong weird kaya bagay kayong magkasama." Sabi ko at inirapan siya.

"Oo nga 'no? Sige, tulog ka na ulit buti pa 'yung si Sese hindi maniac 'yun at nakikinig sa akin. Sige na, tulog ka na." sabi pa nito at tinutulak ako pahiga.

Sa inis ko siya tuloy itong naitulak ko kaya hindi sinasadyang lumapat dalawa kong palad sa dibdib niya. Mabilis namang dumapo ang kamay niya sa ulo ko.

"Bakit ka nananapok?! Hindi ko naman sinasadya 'yun ah!" sigaw ko.

"Anong hindi?! Maniac ka talaga! Kagabi ka pa! Grr!!!"

Kinuha niya iyong unan at handa na niyang ihamapas sa akin kaya itinaas ko ang aking kamay upang maisangga ko ito.

But, using my hands as my shield gone wrong. May nahawakan nanaman ako na hindi karapat dapat.

Nasapo ng kamay ko 'yung isa niyang boob. Isa lang siya, singular kaya boob. Kung dalawa hawak ko edi boobs diba?

Haaay! Nahahawa na ako sa katangahan ng probinsyanang 'to!

Biglang bumukas ang pintuan mabilis ang mga nangyayari nang maramdaman kong parang slow motion naman ang nangyayari ngayon.

Eomma is standing beside the door and she witnessed everything.

Mabilis kong ibinaba ang aking kamay, si retard naman ay mabilis na umalis sa aking kama.

"M-ma'am Elise, a-ano... m-mali po ang iniisip niyo." Paliwanag ni promdi.

Naibagsak ko ang aking balikat kasi panigurado hindi maniniwala si eomma hanggat hindi ako ang nagsalita.

"MARK BRAD CHA!" sigaw niya.

Kita sa mga mata ni Retard ang takot. Tumayo na ako mula sa aking kama at nangamot ng ulo.

"She's right, eomma. We're not doing anything."

"Follow me." sabi nito na halata namang galit. Bago nito sinara ang pintuan ay lumingon siyang muli.

"Chigeum!" /Now/

Nangamot ako ng ulo at ibinaling ang tingin kay engot.

"Ayusin mo 'tong kalat sa kwarto ko. Palitan mo bed sheet, ikaw may pakana niyan kung bakit basa."

Hindi ko na siya hinintay sumagot at tumuloy na sa pagsunod kay eomma.

Alipin with Benefitsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن