Kabanata 58

1K 23 10
                                    

Kanina ko pa hinahanap si Pau, matatapos na ang lunch break hindi pa kami nakakain.
I tried to contact her pero ring lang ng ring.

"Bakit? Bakit ngayon?" Narinig ko ang kaniyang boses near the big bush.

Lumapit ako doon at hindi ako mali ng akala, si Pau nga iyon at kasama niya si Paulo. Tama, nabasa ko 'yun sa message ni Ouen na magkikita sila.

"Kayang kaya na kitang ipagmalaki ngayon, Pau. Ayos lang sa akin na malaman nila na hindi naman talaga ako anak mayaman." - Paulo.

Umiinit ang ulo ko, what now? Bakit bigla bigla nalang siyang bumabalik kay Pau? Lalapitan ko na sana sila nang may humatak sa aking kamay.

"Bitaw." Utos ko kay Ouen.
Oo, siya ang pumigil sa akin.

"Hayaan mo silang magkaroon ng closure." Sabi nito na hindi parin binibitawan ang aking kamay.

Iwinaksi ko ang kaniyang kamay at binaling ang tingin kina Paula at Paulo.
Hinawakan ni Paulo ang mga kamay ni Pau at saka ito lumuhod.

"Patawarin mo ako, Pau. Hindi ko naman sinasadya ang lahat ng iyon, pinaliwanag ko sa'yo 'di ba? Ang pagkakamali ko lamang ay kaagad kitang tinalikuran, kaagad akong nagpadala sa nararamdaman ko para sa iba, pinagsisihan ko 'yun. Gusto kitang bumalik sa akin, Pau. Gusto kong bumalik tayo tulad ng dati." Paulo said and still kneeling in front of MY PAULA.

"Stupid." Bulong ko at umirap.

"Alam mo, matagal ko ng hinihintay ang mga salitang 'yan. Ngayon, masaya ako na narinig ko na ang mga katagang 'yan mula sa'yo." Naka ngiting sagot ni Pau at pinatayo si Paulo.

What the hell? Lalong uminit ang ulo ko, kaya naman napagpasyahan ko ng lumapit sa kanila ngunit bago pa ako lubusang makalapit kay Pau ay natigilan ako sa idinagdag ni Paula.

"Pero, dati 'yun at hindi na ngayon."

Para akong nabunutan ng tinik sa akong dibdib, akala ko ay papayag si Paula sa gusto ng lalaking 'to.

"You can confess to my girl but you can't have her." Sabat ko na ikinagulat ni Pau.

"Brad?"

"Ikaw ang dahilan kung bakit laging umiiyak at nasasaktan si Pau. Huwag kang magmalinis." Sabi ni Paulo.

"Look who's talking." Sabi ko at itinulak siya palayo kay Paula.
"Ikaw nga itong unang nanakit sa kaniya, sabihin mo 'yan sa sarili mo."

"Tama na, awat na." Awat ni engot but in a kalmado way.

"You told me that you want closure, 'di ba? Paula already gave what you want." Si Ouen na nasa likuran namin na papalapit ngayon.

"Ang sabi mo tutulungan mo akong iwanan niya si Brad hindi ba?" - Paulo.

"Yes, tama ka. Only if Paula accept you once again." Sabi nito.
"But she rejected you, so enough ng reason 'yun para tigilan mo na siya."

"Bakit? Dahil ayaw mo na magiging tatlo tayong maghahati hati kay Pau?" - Paulo.

"You bastard!" Sigaw ko. "Hindi pipitsuging tinapay si Paula para paghati hatiin, she's precious to me." Dagdag ko then I hold her hand very tight.

"I'm not longing for Paula anymore, just so you know. Alam ko naman na hindi ako mananalo kay Mark Brad Cha pagdating sa babae." Hindi ko tuloy maiwasan ang tapunan ng tingin si Ouen.

Walang nagawa si Paulo at iniwanan niya kaming tatlo sa lugar na iyon.

"Aaminin ko na, Brad. Bakla ako."

(A/N: Jooooke hahaha heto na talagaaa)

"Aaminin ko na, Brad. Yes, I tried to steal Miley from you pero hindi ko na itinuloy dahil malala ang sira niya sa utak. Good thing that you already ditch her because she is actually willing to leave you for me."

Wala ng epekto sa akin si Miley, but hearing this words makes me feel weak. Ni hindi ko alam na sinaksak na pala ako sa likuran ng hindi ko alam until now.

"And yes, hindi ako pumayag. Dahil mabuti akong kaibigan, but you did not listen to me. Pinaniwalaan mo si Miley at pinanindigan mo 'yang pride mo."

Hindi ako makapag salita, until Paula speak up.

"Ano ba 'yan? Pinag-aagawan niyo ako 'di ba? Bakit parang road to bromance na kayo diyan?" Sabat nito.

Napapikit ako ng mariin at hindi ko napigilan ang matawa.
"Pau..." sabi ko at hinawakan ang kaniyang pisngi.

"Biro lang naman, masyado kayong seryoso e. Ano na, ok na niyan kayo?" - Paula.

"I think so?" Sagot ko.

Lumiwanag ang kaniyang mukha at yumakap sa aking bewang.
"Ibig sabihin, friends na ulit kayo?" Masigla tanong ni Pau.

Tango lamang ang aking isinagot at inilipat ang aking tingin kay Ouen.
"Well, at least patas na tayo ngayon." Sabi ko.

"Hindi ko siya inagaw sa'yo. Mahina ka lang talaga." Natatawang sabi ni Ouen.

"Key word, you tried to steal her." Sagot ko sa kaniya.
"Mahina pala ha? Sige, nga try to steal Paula from me." Hamon ko.

"Bakit ako?" Nakangusong sabi naman ni Paula.

"Pau?" It's Ouen who widen his arms.

Bahagya akong itinulak ni Paula at lumipat kay Ouen.
Imbis na maasar ako e natawa pa ako.

"Shut up." Sabi ko at hinila si Paula papunta sa akin.

Nagkakatuwaan kami nang biglang mag ring ang aking cell phone.
It's daddy Bernard.

"Hello?"

Paula's POV

Nasa hospital kami ngayon kasama si tita Elise at ang mga guardian ni choco like Miley. Kay tagal kong hindi nagamit 'yang tawag ko kay Miley ah. Hahaha napapasayaw tuloy ako ng Choco Like Miley turururutut.

"Paula, hija? Can we talk?" Si ma'am Elise na ngayon ay nakatayo sa aking harapan.

"The result will be announce soon, mamaya na kayo mag-usap eomma." Sabi ni Kuyang toothpick niyo.

"Sandali lang naman kami." Nakangiting sabi ni Ma'am Elise at lumabas na, kaya sinundan ko na ito.

Pagsara ko sa pinto ay kaagad ng nagsalita si ma'am Elise.
"Alam mo na ang pinag-usapan natin. Hindi ka naman siguro nakalimot hindi ba?"

"Hindi ko po nalilimutan iyon." Sagot ko.

"Good, at least nagkakaintindihan tayo." Sabi niya at akmang pipihitin na ang door knob ngunit natigilan siya nang magsalita ako.

"Bakit napaka kampante mo, ma'am? Malinaw na narinig ko kayo ni sir Jude na nag-uusap tungkol sa tunay na magulang ni Brad."

Humarap siyang muli sa akin.
"Whatever you hear wala ng kwenta 'yun."
Inirapan pa ako nito saka na pumasok sa loob.

Kinakabahan ako sa pwedeng maging resulta, alam kong maging si Brad ay ganito rin ang nararamdaman.
Nagdesisyon na akong pumasok at nadatnan kong may hawak ng papel si Ms. Bianca.

Tinakpan niya ang kaniyang bibig at niyakap ang kaniyang asawa.
Dahan-dahan kong isinara ang pintuan.

Brad's POV

Hindi ko pa nakikita ang resulta dahil hawak 'yun ni mommy Bianca.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng inasta niya, kung ilang porsyento ang nakalagay doon.

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now