Kabanata 14

1.3K 25 11
                                    

Pagkatapos kong tulungan si Inay Lourdes sa mga hugasan, nakipag laro na ako kay Sese. Tuwang tuwa nga siya sa laro naming pang ewan e. Samantala, si Brad naman ay kanina pa may katelebabad sa harapan nung maliit na TV.

"Sige last na. Kapag natalo ka pa, isang kotong ha." Sabi ko rito.

"I wont make that happen, noona. Game na!" sabi niya at humawak na sa kaniyang ilong.

"Ilong, ilong, ilong, ilong, ilong, ilong, ilong... baba." Mabilis kong idinapo ang aking daliri sa noo ko.

Napasunod naman siya sa aking ginawa. Kaya...

"Talo ka! Bwahahahaha!" halakhak ko.

"Ang daya!!! I don't even know what is baba means! You should translate it in English." Reklamo niya at tinalikuran pa ako.

"Eh hindi ko nga alam 'yung english nun e." sabi ko naman sa kaniya.

"Teka nga, kaninang ikaw 'yung natatalo sapak ka ng sapak sa akin!" reklamo ko din.

"Hey! Will you please shut up? Ang iingay ninyo!" singhal naman ni Brad sa amin.

Umirap naman ako at bumulong.

"Hala, may nagsalitang toothpick." Bulong ko.

Hindi naman sumagot si Brad. "Sino ba kasi 'yung kausap nun?" tanong ko kay Sese.

"It's Miley. Psh, I hate Miley. I don't like her, she's mean and rude." Sabi nito at humarap na sa akin.

'yun siguro 'yung babaeng kausap ni Brad noong nasa Hacienda nila kami.

"Girl friend niya 'yun?" tanong ko ulit.

"I don't know. Why are you so interested about ate Miley?" naka taas pa ang kilay nito nang tanungin niya ako.

"Hala, interesado ba kamo? Hindi ah. Para nagtatanong lang." sabi ko naman rito at inirapan siya.

"Let's play again."

Ngayon, puro ako 'yung natatalo kutos siya ng kutos sa akin. Hindi na nga ako nagrereklamo e. Kasi nung magreklamo ako e sinigawan niya ako bigla.

Naniniwala na talaga akong magkapatid itong dalawa.

Ilang saglit lamang ay papalapit sa amin si Brad.

"Hoy, retard. Sabi ni mama maaga kang gumising bukas kasi aalis daw kayo." Sabi niya.

"Bakit daw?"

"Huwag ka ng magtanong kung bakit. Sumunod ka nalang sa kaniya." Sabi niya at inirapan pa ako.

Mga tao dito ang hilig hilig mang-irap! Natututo tuloy ako.

Paalis na siya nang tawagin ko itong muli.

"Brad, teka..."

Narinig ko ang pag-isding niya at humarap siya sa akin ng walang emosyon.

"Pwede ba akong makitawag?"

"Do whatever you want. Tss." Sabi niya at naglakad na palayo.

"Diba, sabi niya pwede akong makitawag?" tanong ko naman kay Sese na ngayo'y nakatungo na sa kaniyang iPad.

Hindi niya ako pinansin kaya pumwesto na ako kung nasaan 'yung telepono. Pagkapindot ko sa mga numero ay nag ring na ito.

Buti na lang at kaagad itong sinagot ni Aling Marie.

Wala pang nasabing 'hello' si aling Marie e nagsalita na ako.

"Aling Marie! Si Paula po ito. Pwede po bang maka usap si Paulo."

Alipin with BenefitsWhere stories live. Discover now